You are on page 1of 1

I.

Buhay ko ay musikang wala sa tono


Pilit inaayos, laging sintonado
Landasin laging misteryo
Pag-asa ay lumalayo

II. Ako’y laging nalilito


Kung saan naba patungo
Lagi nalang bang ganito
Hindi na masigurado.

III. Sa mundong magulo at malihim


Naglalakbay sa landas ng dilim
Paano ba ito haharapin
Anong paraan pa ang dapat isipin.

IV. Sa bawat landas, tila’y isang sayaw


Sa pag-tugtog ng musika, oras ay gumagalaw.
Puso’t damdamin ay sumisigaw
Sapagkat ako ay naliligaw

V. Bawat pagsubok ay tatahakin


Hirap ng buhay ay kakayanin
‘Pagkat sa bawat ngiti natin
Kapalit nito’y sakit sa ating damdamin

VI. Sa mundong pabalik-balik


Pag-asa’y ‘di mawawala.
Sa sayaw ng buhay,
Laging may tugma.

You might also like