You are on page 1of 12

ALAM MO BA?

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN


Ang aking aba at hamak natahanan Nagpilit din ako't paa'y nananabik,
Iniwan ko'ng aba't hamak na tahanan Lagim na dagundong ng digma'y sumaltik
Malayo sa bukid ni Ama't naglakbay. Sa gasong tenga ko. Pagyapak saan man,
Payapa kong katre'y wala nang halina Kita ko ang berde, luntiang damuhan
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya.


Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Tungo sa larangan ako'y nagsumagsag
Ang natatanay ko'y imortal na sinag.
Naglambong sa usok, bangis ay umamba;
Narating ko'ng rurok na mithiin;
hayun,kinasabikan ko'ng tanging bahay,
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw. doon-

Buhay sa maghapo'y lumlipad lamang


Sa mithii'y kita'ng malayong bituin
Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
Dulot na liwanag di-maabot mandin;
Huli na, batid kong rurok ng tagumpay,
At turo ang landas tungo sa buntunan
Hindi magdudulot ng masayang araw.
Ng nanghihingalo't ng mga namatay.

FILIPINO: ARALIN 3

ANG TULA AT MGA


ELEMENTO NITO
TULA
Ang tula ay isang akdang pampanitikang
naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
pinararating sa damdamin, at ipinahahayag sa
pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Ito ay
nagtataglay ng mahahalagang elemento o sangkap
upang higit na maging masining ang paglalahad.

TUGMA
Ang pare-parehong o halos magkakasintunog na
dulum-pantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga
dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa
patinig o katinig.
ANG TUGMA AY MAY
DALAWANG URI:
TUGMANG PATINIG
Mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-
pareho ring bigkas na maaaring mabilis o
malumay(walang impit) at malumi o maragsa(may impit).

TUGMANG KATINIG
-Mga salitang nagtatapos sa mga katinig. Ito
ay may dalawang uri:
Ang TUGMANG MALAKAS
Ang TUGMANG MAHINA
-SUKAT
-SAKNONG
-LARAWANG DIWA
-SIMBOLISMO
-KARIKTAN
MATATALINGHAGANG
PANANALITA
Ang matatalinhagang pananalita ay mga pahayag
na di tuwiran o di literal ang kahulugan taglay at sa
halip ay may nakakubling mas malalim na
kahulugan. Karaniwang ginagamit ang
matatalinghagang pananalita sa panitikan lalon-
lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga
itinuturing na elemto ng tula.
MAY IBA`T IBANG URI NG MATATALINGHAGANG PANANALITA TULAD NG
SUMUSUNOD:

MGA IDYOMA
Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng
tao, mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit
nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.

MGA TAYUTAY
Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan
sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan
ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-
halina ang isinusulat o sinasabi
MARAMING URI NG TAYUTAY SUBALIT ANG SUMOSUNOD ANG HIGIT NA GAMITIN:

-PAGTUTULAD(Simile)
-PAGWAWANGIS( Metaphor)
-PAGMAMALABIS(Hyperbole)
-PABIBIGAY-KATAUHAN
(Personification)
-PAGPAPALIT-SAKLAW(Synechdoche)
-PAGTAWAG(Apostrophe)
-PAG-UYAM(irony)
TUKUYIN AT BILUGAN ANG TITIK NG KAHULUGAN NG
MATATALINHAGANG PANANALITANG GINAGAMIT SA TULA.
1. Ano ang kahulugan ng payapa kong katre sa taludtod na
"Payapa kong katre`y wala nang halina?"
A. payapang buhay
B. payapang bayan
C. bagong katre o higaan
D. payapang pagkakaibigan

2. Ano ang kahulugan ng pumula sa dugo sa taludtod na


"Pumula sa dugo ng kalabang puksa?"

A. sumobra ang galit


B. umagos ang luha
C. maraming namatay
D. nangyari ito sa katanghaliang tapat
3. Ano ang kahulugan ng rurok na mithiin sa talutod
na "Narating ko`ng rurok na mithiin?"
A. pagiging pinakamataas na pinuno
B. pagkamit ng isang pangarap
C. pagkamit ng ginto at kamatayan
D. pagkamit ng kapangyarihan

4. Ano ang kahulugan ng sa pakpak ng tuwa sa


taludtod na "Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan?"
A. mga ibong alaga ng isang bata
B. mga bagay na nagdudulot ng saya sa kabataan
C. kaligayahang dulot ng pag-aaral
D. kaligayahang dulot ng kapangyarihan
5. Ano ang kahulugan ng malayong bituin sa
taludtod na "Sa mithii`y kita`ng malayong bituin?"
A. isang tala sa kalawakan
B. isang kayamanan
C. matinding kapangyarihan
D. isang matayong na pangarap

6. Ano ang tula?


7. Ano-ano ang mga elemento ng tula?
8. Ano-ano ang dalawang uri ng tugma?Paano
nagkakaiba ang tugmang patinig at ang tugmang
katinig?

You might also like