You are on page 1of 3

"palAWIT"

(V.O)

"Bakit sa akin nangyayari ang lahat ng ito?" Sigaw ko habang patuloy ang pag tulo ng mga luha sa aking mata.

"Marami pa akong nais gawin...marami pa akong pangarap" basag na basag na ang boses ko.

"Bakit ganoon ang mundo? Napakadamot mo! Napaka sama mo!....ano bang nagawa ko?...bakit ako ang
pagkakaitan mo ng pangarap" halos mapaos na ako kakasigaw, walang paki sa kung ano ang iisipin ng mga
nakakakita sa akin.

Hindi nila alam ang nararamdaman ko, wala silang Maiintindihan.

"Ibalik mo sakin ang pandinig ko...iparinig mo sakin muli ang ingay mo, may gusto pa akong marating, may
gusto pa akong gawin...huwag ka namang maging sakim" nakikiusap ang boses ko, nagbabakasakaling
pakikinggan ako ng mundo, baka sakaling muli kong marinig ang nakabibinging ingay nito.

"Bata lang naman ako...." kumalma ng bahagya ang boses ko pero nananatili ang pagka basag nito.

"Pakiusap....ibalik mo sakin ang pandinig ko, gusto ko pang marinig ang musika" mahina ang pagkakasabi ko
noon pero dama parin ang sakit,tila napagod na at nalugmok na lang sa rumaragasang luha na nanggagaling sa
aking mga mata.

(First Scene)

"Bili na po kayo! Bili na!" Nakasulat sa isang papel may dala dala syang mga palawit na kanyang tinitinda sa
mga tao. "kinakalabit at lumalapit sa mga dumaraan pero tila nagbibingi bingihan ang mga ito at hindi sya
pinapansin. Kung alam nyo lang kung ano ang pakiramdam ng isang bingi, ay panigurado papansinin nyo ako.
Nagpatuloy lang sa pag aalok si Hanna sa mega taong dumaraan, ngunit ni isa ay walang gustong bumili sa
kanya. Napaupo na lang sya sa harap ng mall, hanggang sa mapag didisyonan nyang umuwi na lang, tumayo na
sya, para mag lakad paalis, ngunit may kung ano syang naramdaman para bumaling sa kanyang likuran, may
naaninag syang parang may maliwanag sa loob mg mall kaya ay dahil sa pagtataka ay lumapit sya. May kung
anong kumurot sa kanyang, puso ng makitang may mga nag peperform sa loob, may mga kumakanta, nag
gigitara, at iba pang mga instrumento pang musika, pumasok si Hanna sa loob saka nagtungo kung saan sya
hinihila ng kanyang mga paa. Habang pinapanood ito ay biglang may pumasok na alaala, sa kanyang isip...ang
ala-ala ng kanyang nakaraan na hanggang ngayon ay patuloy na nakadagan sa kanya.

(Flashback) Nakatayo si Hanna sa isang entablado, habana nasa harapan ng maraming tao…masaya syang
kumakanta, sinasabayan pa ng pag indak ng ulo at pagkaway ng kamay ang bawat linya na binibitawan nya.
Hanggang sa matapos nya ang kanyang pag kanta, ay bakas sa kanyang mukha ang saya. Pangaran na nya
talagang maging isang sikat na mang-aawit. Ang mikropono ang kanyang, sandata sa laban ng musika, kakaiba
ang kanyang nararamdaman sa tuwing, kumakanta sya. Talagang masasabing mahal na mahal nya, ang musika.
Nang matapos na ang event ay nagayos na sya ng gamit at naghanda na para umalis nang makarating sya sa
labas ng mall ay biglang may napakalakas na tunog, ang bumalot sa kanyang tenga, paglingon nya sa
pinanggagalingan ng tunog ay nakita nya ang isang sasakyan na patungo sa kanyang kinatatayuan...ngunit huli
na ang lahat para sya ay makaiwas pa dahil ang huli na nalang nyang naalala, ay naka handusay, na sya at pilit
ginigising ng mga nakakita sa aksidente.

Nagising sya sa isang hindi pamilyar na lugar, napakatahimik ng paligid...ni isa ay walang nag sasalita, pero
ang ipinagtataka nya ay napakaraming tao sa paligid at nakikita nyang bumubuka ang kanilang mga bibig pero
ni isang salita ay walang nasasagap ang kaniyang pandinig. Hanggang sa may naramdaman syang kumalabit sa
kanya..lumingon sya rito at nakita nya ang isang lalaki, May sinasabi ito, dahil bumubuka ang bibig nya at
maging ang kanyang mga kamay patunay na kinakausap sya nito, pero nagtataka sya dahil wala itong
maintindihan. Hindi alam ni Hanna ang nagaganap sa paligid nya, tumayo sya saka naglakad paalis, habang
naglalakad ay naramdaman nyang may nag vibrate sa kanyang bulsa kaya ay agad nya itong kinuha, May
tumatawag sa kanya, sinagot nya iyon at tinapat sa kanyang tenga. tulad ng nangyari kanina, ay naguguluhan
sya dahil wala syang marinig mula sa kabilang linya.Tinapik tapik pa nya ito dahil sa pag aakalang, nasira ang
kanyang cellphone. Luminga linga sya sa paligid, hanggang sa unti unti ng pumasok sa utak nya ang isang,
napakasamang ideya... na wala na syang pandinig, tinakasan a sya ng kakayahang makarinig pa ng kahit anong
tunog. Pinilit nyang ibuka ang kanyang bibig, alam nyang may boses na lumalabas mula rito pero wala talaga
syang marinig. Hanngang sa tumakbo sya palabas ng mall, nagtungo sya, sa parking at doon ay napaluhod sya
habang tumatangis. Ang nangvari kay Hanna ay nagdulot ng depression sa kanya hanggang sa puntong
kinailangan na nyang tumigil sa pag-aaral at mag benta ng mga palawit sa harap ng mall upang mabuhay.

(Reality) Nananatili parin, si Hanna na nakatayo sa harap ng nag peperform...wala naman syang, naririnig pero
may kakaibang pintig sa kanyang puso na nag papanatili sa kanya sa panonood... nalaman nyang tapos na ito
ng bumaba na ng stage ang kumakanta. Lumabas na din sya, ng mall para umuwi, pero habang sya ay
naglalakad may isang pirasong papel ang hinangin malapit sa kanya kaya ay agad nya itong pinulot at binasa.
May ideyang pumasok sa kanyang isip ng mabasa ang nilalaman ng papel. Nag aalok ang DSWD ng libreng
serbisyo para sa mga kabataang may kapansanan o PWD tulad nya. Itinupi nya, ang papel saka ito nilagay sa
bulsa, naisip nya na baka ito na ang makakatulong upang muli svang makarinig ng musika. Naging
matagumpay ang pagkakabit sa kanya ng hearing aid...naging emosyonal si Hanna dahil sa wakas ay muli na
nyang naranasan ang ingay, ng mundo.

"Sadyang napakaingay ng mundo... sa wakas ay nabigyan ako muli ng pagkakataong marinig ito " masayang
saad ni Hanna. Naging maayos at masaya ang naging takbo ng kanyang buhay, dahil nabalik na ang kanyang
pandinig, Bumalik na ulit sya sa pag aaral...at nagtapos sa kursong Education major in Mapeh...sa
pagkakataong ito ay nababahagi nya ang kanyang talento sa mga bata at natuturuan nya ang mga to para
mahubog ang kanilang sariling talento.

"Sa gagkakataong ito, ay ganap na akong guro. Kasabay ng nagagawa ko ang aking pangarap at hilig ay
nahuhubog ko rin ang mga estudyante, sa kanilang sariling talento”

"Nang huminto ang ingay sa aking paligid, ay akala ko doon na matatapos, ang lahat ng aking
pangarap...nagkakamali pala ako, dahil doon palang pala ito mag sisimula”

" Paglabas ko ng classroom ay may biglang may napaka lakas na liwanag ang sumalubong sa akin.. pag dilat ng
aking mga mata ay nakita kong nakahandusay, parin ako sa lupa.. imahinasyon ko lang pala ang lahat, nandito
pa rin ako nananatiling duguan at nag aagaw buhay. Habang unti unting pumipikit ang aking mga mata ay
kasabay ng pag hina ng ingay sa paligid. Kasabay ng pagdilim ng aking paningin ay ang pagtahimik ng lahat.

You might also like