You are on page 1of 2

[ INYO NAMANG DINGGIN ]

Ng Group 3

Dalawang kasarian, milyong gampanin


Ang itinakda ng lipunan bakit kailangan sundin?
Milyong gampanin, bakit kailangan hatiin?
Kay daming kakayahan ngunit ‘di pinapansin.
Kay daming talento ngunit baseha’y kasarian pa rin,
Ngayo’y patuloy sa pagsigaw, Inyo namang dinggin.

Dalawang kasarian, Bilyong tao


“ Tatanggapin kaya nila tayo? ”
Iyan ang naiiwan sa isipan ko.
Nais ilabas ang totoong pagkatao,
Ngunit sinong hindi matatakot
Kung ang pananalita ng tao’y mapanakot?

Bakit kailangan pang panindigan?


Na dapat naghahanap-buhay ang kalalakihan,
Sila lang ba dapat ang magtaguyod ng pamilya?
Sila lang ba dapat magpakita ng kalakasan?
Palagi ba dapat silang magpakita ng katapangan?
Isang iyak, nagpapakita agad ng kahinaan?

Bakit kailangan pang ipaglaban?


Kababaiha’y dapat nasa loob lamang ng tahanan?
Ipinanganak upang pagsilbihan ang kalalakihan?
Nabuhay upang maging isang ina,
Tahimik na gumagawa ng gawaing bahay
Habang sila’y umaasa sa kalalakihan upang mabuhay.

Nasaan ang pagkakapantay-pantay


Kung ang daigdig sa kasarian pa rin nakabatay?
Kung saan kababaiha’y walang kalaban-laban?
Walang pinanghahawakang kapangyarihan,
Hindi binibigyan ng karapatan,
Minamaliit at inaabuso ng kalalakihan.

Ngunit ngayon lang narinig ng tao,


Ang ating pagsigaw ng saklolo.
Binigyan ng pagkakataong bumoto,
Binigyan ng pagkakataong mailabas ang talento,
Ngayon lang nakita ang ‘di pantay na pagtrato,
Nasolusyunan at binago
At ngayo’y naging malaya na tayo.

Ngunit ‘di rin kabiro-biro


Ang naging kalagayan ng mga gay at titibo-tibo.
Pahabol pa itong kasariang nakakalito,
Kadalasa’y nakakatanggap ng karahasan at diskriminasyon
Dahil lamang sa pagsasalungat nila sa pananaw na tradisyon,
Ngunit buti na lamang ay LGBTQ Ay umusbong,
Kung saan tunay nilang ipinaglaban ang kanilang pagkatao.

Ngunit saan man tayong kasarian mapabilang,


Sa opinyon ng iba’y wag magpalinlang.
Hindi dapat ito maging batayan ng ating kakayahan,
Pare-parehong tao, Pare-parehong may karapatan,
Lahat sana’y matamasa ang kalayaan,
Kung saan walang taong mahuhusgahan,
Nang sa gayon, ‘di pantay na pagtingi’y maiwasan.

You might also like