You are on page 1of 4

Iisang layunin lamang ang aking nais ipagsigawan sa lahat ng mga nakikinig

ngayong araw ng ating paglalahad ng mga paksang tunay pumukaw sa ating puso at

isipan. PIGHATI NG HAYOP, KASALANAN MO! Palagiang tumatakbo sa aking isip

ang katotohanang ang lahat ng buhay sa mundo, maliit man o malaki, ay

kinakailangan nating respituhin at pahalagahan. Pumukaw sa aking damdamin ang

mga hayop na tila ay dumanas na ng impyerno sa kamay ng mga tao. Alam naman

nating lahat na ang tao ay nasa tuktok ng food chain, pinakamatalino sa lahat at may

kakayahang mag desisyon. Ngunit bakit na sa halip ay bigyang diin natin ito sa

pamamagitan ng pagtulong at pag aruga sa kanila, ay karahasan at pagkakait ng

kalayaan ang ating ipinapamukha. Tama ba na ipagkait natin sa kanila ang buhay

kapalit ang luho ng na iilan? Kailangan bang pairalin ang kawalang hiyaang dulot ng

sangkatauhan upang sila’y maging meserable? At bilang isang tao,

maipagmamalaki ba kita?

Ako ay labis na nanlulumo sa kanilang sinapitan sa mundong ito. Kirot sa

aking puso ang dulot ng mga imahe ng pagluha at pagdurusa ng mga hayop na

sana ay namumuhay ng mapayapa. Nagluluksa ang aking pagkatao sa mga pag-

iyak at pagmamakaawa habang sila’y inaagawan ng buhay na nararapat sa kanila.

Itong lahat ay pumukaw sa aking masidhing damdamin upang ipaglaban at

ipagsigawan ang karapatan na dapat ay taglay nila. Ayon kay Mclendon (2018), ang

ating planeta ay nawalan na ng halos 60% ng vertebrate animals sa loob lamang ng

40 taon. At pangalawa sa naturang dahilan nito ay ang overexploitation, na kung

saan kabilang na dito ang pangangaso, poaching, pagkolekta sa mga hayop at di

sadyang pagpatay sa mga di pakay na uri. Isa sa kanilang pangunahing tunguhin ay

ang pagbenta ng mga balat, buto at palipik ng mga naturang hayop para sa ikasisiya

sa luho ng iilan. Dahil dito, maraming uri na ang nanganganib at ang iba ay lipol na.
Kung ating mamarapatin, ang pagkitil sa mga inosenteng hayop lalong lalo na

sa mga nanganganib na uri ay ipinagbabawal batay sa batas na “The animal welfare

act of 1998” at “Endangered Species Act of 1973”. Isinasaad sa mga batas na ito

ang pagprotekta at pagtaguyod ng kapakanan ng mga hayop at pagkonserba sa

mga nanganganib na uri at sa tirahan kung saan sila nakita o nakatira. Ngunit bakit

hanggang ngayon ay laganap parin sa buong mundo ang pagkitil sa mga kaawa

awang mga nilalang na ito? Hindi pa ba sapat ang pag implementa ng mga batas

upang katakutan ang paggawa ng krimeng ito?

Dumako naman tayo sa Epektong dulot ng sangkatauhan na sumumbali sa

inoseneng mga hayop. Di natin mapagkakaila na sa unti-unting pag-usbong ng mga

infrastraktura ay naapektuhan natin ang kanilang mga tirahan. Maling pagtapon ng

basura at iba’t ibang uri ng polusyon ay isa din sa mga salik na unti-unting

nagpapaliit ng kanilang populasyon. Ayon parin kay Mclendon (2018), ang

nangungunang sanhi na kung saan ay nagbanta sa halos kalahati ng bawat

taxonomic group ay pagkawala ng kanilang mga tirahan at degradation na

nangyayari at pataas ng pataas kada taon. Kung ito’y ating paiiralin, tuluyang

pagkaubos ng mga hayop ang naghihintay sa kanilang hinaharap. Kailan ba didilat

ang ating mga matang pikit sa katotohanan na ang lahat ay wala sa lugar at ang

mga dukha ay walang kakayahang labanan ang kamangmangan. Para tayong

naghihintay na lamang na lamunin ng ating kabaliwan, unti-unting pinapatay ng ating

kanser na lipunan. Ang tanging hiling ko lang naman ay ang magkaisa tayo upang

tulungang iangat ang kanilang kapakanan dahil ako ay labis na naniniwala na hindi

pa huli ang lahat, marahil may oras pa para sagipin sila.


Para silang inagawan ng dangal at tinanggalan ng karapatan na mamuhay sa

mundong ito at ito’y di ko kayang palagpasin. Hindi ako nagpapakaipokrito dito, Ako

rin naman ay minsang nagtapon ng basura kahit saan at gumawa ng bagay na

ikasasama ng ating kalikasan. ngunit tanging hiling ko lang ay ang magkaisa tayo

upang tulungang iangat ang kanilang kapakanan dahil ako ay labis na naniniwala na

hindi pa huli ang lahat, marahil may oras pa para sagipin sila.
Ang tao ngayon ay kinukumpara na sa mga masasahol na hayop, ngunit para sa

akin ito ay isang maling pagkakaintindihan dahil ang tao ay tao. Hindi natin pwedeng

ikumpara ang tao sa hayop dahil sila’y mas magaling kaysa sa atin. Sila’y

nagtutulungan upang umangat at di nang iiwan at ang kanilang masahol na ugali ay

para lamang sa pagprotekta sa kanilang sarili at kasamahan. Tayo ay hindi

pwedeng ihambing sa mga inosenteng nilalang dahil ang ginagawa lang natin ay

nagiging sanhi ng pagkawasak ng ating inang kalikasan. Kailan ba didilat ang ating

mga matang pikit sa katotohanan na ang lahat ay wala sa lugar at ang mga dukha

ay walang kakayahang labanan ang kamangmangan. Parang tayo ay naghihintay na

lamang na lamunin ng ating kabaliwan, unti-unting pinapatay ng ating kanser na

lipunan.

You might also like