You are on page 1of 1

Karapatan ng mga Hayop

Marami sa ating mga pilipino ang nag aalaga ng iba’t ibang uri ng hayop. Mahalagang
maalagaan natin sila at maitrato ng tama. Bawat hayop ay may kanya kanyang silbi sa lipunan
kaya dapat lamang natin silang bigyan ng importansya.

Sa panahon natin ngayong maraming naiiulat na hayop na minamaltrato at binebenta sa kabila


ng batas na nagbabawal sa pagmamaltrato at pagbebenta ng nanganganib ng uri ng mga
hayop, marami pa rin ang gumagawa nito. Hindi ba sila natatakot maparusahan o hindi nila
alam ang parusang maaari nilang harapin?

Republic Act No. 8483. An act to promote Animal welfare in the philippines , otherwise also
known as "The Animal Welfare Act of 1998. Taon ng Pagsasabatas :1998, pirmado ni
Pangulong Fidel V. Ramos. Republic Act No.10631 An act amending certain section of republic
act no. 8485, Otherwise known as " The Animal Welfare act of 1998" Taon ng Pagsasabatas:
2013 , Pirmado ni pangulong Benigno S. Aquino. Pinirmahan kamakailan ni pangulong Noynoy
Aquino ang RA 10631 upang paigtingin pa ang kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ng
animal welfare. Ilan sa mga pagbabago ay pagtaas ng piyansa o parusa na ipinapataw sa mga
mapapatunayang nagkasala at may multa mula sa dating 1000 to 5000 piso ay ginawa itong
P50,000 hanggang 100,000 . Ihinawalay rin nito ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag
bilang paglabag sa batas ang sinumang mapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa
kanyang pangangalaga.

Ang mga hayop ay hindi lang basta mga hayop, responsibilidad din natin silang alagaan nang
mabuti upang mabuhay sila ng napakatagal sa ating mundo. Kung titingnan din natin ang mga
nangyayari sa mundo lalong lalo na sa mga hayop, alaga man natin ito o hindi, hindi makakaila
na sa panahon ngayon nalalabag na ang karapatan ng mga ito. At isa sa mga dahilan kung
bakit naaabuso ang karapatan ng mga hayop ay dahil naging mababaw na ang pagkakaintindi
ng mga tao sa salitang "hayop". Halimbawa, may mga nababalita na nagiging marahas ang
pagtrato ng mga tao sa hayop, at ito ay hindi makatarungan. May mga pangyayari na ginagamit
ng tao ang hayop para sa kanilang sekswal na pangangailangan, meron ding sinasaktan nila
ang hayop, pinagmamalupitan, pinaglalaruan, at ang mas malala pa sa lahat ay ang pagpatay
sa hayop na walang kalaban-laban para lamang sa pansariling kasiyahan.

You might also like