You are on page 1of 2

Pulang Silangan

Walang utak ang taong hindi sanay sumuri

na patuloy pinapakinggan ang mga pagdangal sa kanya't papuri

Hindi malayong maging bunga rin tayo ng lakas-paggawa

at hubugin sa konsepto na mangimbang bansa

Hindi lamang katutubo ang pinapalayas sa kanilang kabahayan

Hindi lamang maliliit na negosyo ang tinatanggalan ng kabuhayan

Hindi lamang mga magaganda at bata ang pinagsasamantalahan

Hindi hiwalay ang kanilang panaghoy sa ating mga laban

Walang takot na makikiisa at makikibaka

Buong pusong kokondenahin ang maling sistema

Huwag limitahan ang kakayahan ng mga kabataang makabayan

Dahil kaya nitong makapag mulat, organisa, at lumaban.

Wala na sa bilang ng mga daliri ang pinatay

Laglag na ang mga mata kahahanap sa mga nawawalang bangkay

Umiigting na ang pamamaslang at pag agaw ng buhay

Gaano pa tatagal na makitang wala nang nakahandusay


Korapsyon ay hindi magiging solusyon

Pinapaabot pa sa pinakamataas na uri ng tensyon

Sa pagitan ng mga nagliliyab na puso ng mga inaapi

at sa mga malulusog na katawan ng mga mapang api

Sama-samang ipapamalas ang lakas ng masa

Kapit-bisig na tutungo mula klasrum hanggang kalsada

Tulong-tulong na ipanawagan ang ating batayang karapatan

Sa pagsulong ng mga adhikain ng mamamayan

Labis na ang pagyurak sa ating kalayaan

Panahon na para basagin ang katahimikan

SOBRA NA! TAMA NA! WAKASAN NA!

Ang makaisang panig, pagsasamantala at pagsasawalang bahala.

You might also like