You are on page 1of 1

KARAHASAN LABAN SA LIPUNAN

Magandang umaga ako nga po pala Junnie Russel Isiderio, naririto ako upang
ipaalam ang aking talumpati tungkol sa diskriminasyon at pang aabuso sa mga
kababaihan. Nangyayari ang mga ganitong sitwasyon sa ating bansang Pilipinas.

Usap usapan ang tungkol sa LGBTQ+ at mga karahasan na nararanasan ng mga


kababaihan. May mga LGBTQ+ na nakakaranasan ng pangungutya o mas kinikilala
bilang diskriminasyon. Sa ating bansa, may mga hindi pa rin sila tinatanggap dahil
sila raw ay hindi kabilang sa nilikha ng Diyos o kung tawagin ay “makasalanan”.
Narito ako upang sabihin sa lahat na lahat ng tao ay pantay pantay, walang
nakakataas walang nakakababa. Sadyang may mga taong ginagawang komplikado
ang lahat. Mga kapwa natin ang nag iisip na merong nasa itaas merog nasa ibaba.
May mga LGBTQ+ na ginagawang solusyon ang suicide or pagpapatiwakal upang
matapos ang pangungutya ng sarili nilang kapwa tigan niyo ang nangyayari satin.
Sa tingin iyo ba ay maayos ito? Na isisi sakanila lahat? Na tawagin silang marumi,
malas at basura sa llipuan ayog wala naman silang ginawa kundi ipakita ang tunay
nilang pagkatao. Bakit hindi nalang tayo matuwa para sakanila? Dahil sila’y
matapang na ipakita na sila kahit alam nilang baa ng iisipin ng sarili niyang kapwa.
Nakakaawa, hindi ba? Dahil marami pa saating bansa ang ganito na pilit itinatago
ang sarili upang maiwasan ang pangungutya sa sarili nilang pamilya at kaibigan.
Dahil alam nilang ang mga taong kanilang pinagkakatiwalaan ay maaari silang
husgahan.

Sa kabilang banda, ang nararanasan ng kababaihan. Nakakaranas sila ng


pagmamallupit at pagtataksil. Dahil sila raw ay mahina at walang laban dahil sila’y
“babae lang” nararanasan ng ibang kababaihan ang pagmamalupit ng kalalakihan.
Ginagamit ang llakas upang makapanakit sa kababaihan dahil ito raw ay mahina at
walang kakayahan lumaban. Maging bukas ang isipan sa reyalidad habang hindi
pa huli ang lahat.

You might also like