You are on page 1of 1

Sa ibat ibang pangyayari sa Noli Me Tangere, ang karanasan ni

Sisa ang nagbigay ng mga aral at nagpabatid ng kamalayan sa mga


taong nakakaranas din kanyang sinapit sa naturang nobela. Ang
kanyang karakter ay sumasalamin sa pangkasalukuyang panahon, sa
mga taong pinagkaitan ng hustisya at hindi magawang ipagtanggol
ang sarili.

Maihahantulad ang kanyang naging karanasan sa mga taong


inapi at lubos na sinaktan ng kapwa. Dahil sa kakulangan ng
kaalaman o lakas ng loob, wala silang magawa at pikit-mata na
lamang na tinatanggap ang pang-aabusong ginagawa sa kanila.
Kalaunan, nagiging sanhi ito ng matinding depresyon na
nakakaapekto sa kanilang mental at emosyonal na kalusugan. Sa
ating panahon ngayon, nakapalibot padin ang mga negatibong ugali at
pag- iisip ng mga tao. Nariyan parin ang mga mapanghusgang
nilalang na patuloy ang pagsasabi ng hindi maganda sa kapwa.
Inuuna nila ang magpahayag ng huwad na balita upang siraan ito
kahit hindi pa nila alam ang tunay na pangyayari.

Sa kabanatang ito, ipinakita na ang hindi patas na turing lalo na


sa mga mahihirap. Maging hudyat sana ito upang magising tayo sa
maling sistema na umiiral sa ating lipunan. Magawa sana nating
iwasan ang masasamang pakikitungo sa kapwa upang wala ng Sisa
na dumanas ng pighati at pasakit sa buhay.

You might also like