You are on page 1of 2

School of Nursing and Allied Health Sciences

Tuguegarao City

NAME: Cancejo, Bryan J. PROFESSOR: Mrs. Sarah Jane Doyogan


Garing, Trisha Kyle R.
PROGRAM, YEAR, & SECTION: BSMT 2A DATE: March 15, 2024

Mga katanungan sa tula na KANINO KO IBUBULONG


(Sagutin ito by pairs or by threes)

1. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda? Ipaliwanag ang kasagutan.


 Ang damdaming nangingibabaw na ipinakikita sa akda ay damdaming kalungkutan.
Makikita o mababasa sa maraming parte ng akda ang personal na damdamin ng may
akda patungkol sa mga bagay-bagay na nakikita niya sa kanyang perspektiba.

2. Ano-anong mga mukha o larawan ng kahirapan ang nakikita sa Tula?


 Ang iba-ibang mga mukha o larawan ng kahirapan na nakikita sa tula ay ang kahirapan
sa pinansiyal na aspeto, kahirapan sa mga trabahong panghanapbuhay, kahirapan sa
mga hustisyang nararapat sa lahat, kahirapan sa pagkapapantay-pantay na trato ng mga
tao, kahirapan sa emosyonal at panlipunang aspeto, at kahirapan sa politikal na aspeto.

3. Ipaliwanag ang katagang “tiyak mga bulong ko’y mauunawaan ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa sa kalbaryo ng dusa’t dalita”?
 Ang katagang “tiyak mga bulong ko’y mauunawaan ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa sa kalbaryo ng dusa’t dalita” ay nangangahulugang
tanging mga nakararanas at nakaranas lamang ng iyong sitwasyon ang makauunawa sa
iyo ng totoo sa kadahilanang ito rin ang kanilang pinagdaanan noon o pinagdaraanan
ngayon. Kapag ang isang bagay kasi ay hindi mo pa naranasan, hindi ganoong
masyadong ganoon ang parang magiging koneksyon mo rito, kumpara sa mga bagay na
naranasan mo na ay alam mo kung ano talaga ang mga bagay na mararamdaman mo sa
ganoong sitwasyon.

4. Mula sa binasang tula, ano-anong mga talinghaga (allegory, metaphor, parable, figures of
speech) ang ginamit? Ibigay ang kahulugan ng mga ito.
 “himagsik ng pusong nagdurugo”- ang ibig sabihin nito’y “sama ng loob”
 “dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot” – sa aking pagkaiintindi, ang kahulugan
nito’y “dalamhati ng isang taong paulit-ulit ang lungkot na nararamdaman”
 “alimura ng utak na kumukulo” – nangangahulugang “galit na nabubuo sa utak”
 “maulinigan kaya ito ng binging lipunang namanhid na yata ang budhi’t isipan?” –
nangangahulugan “maririnig kaya ito ng binging mamamayan na wala nang kamalay-
malay”
 “dalamhati ng lahing sumisiksik sa kamalayan” – nangangahulugang “hinagpis ng mga
tao”
School of Nursing and Allied Health Sciences
Tuguegarao City

 “at mga eksena’y nagmamartsa sa kaisipan?” – nangangahulugang “ang mga eksena


ay paulit-ulit sa isipan o laging naiisip ang mga eksena”

5. Paano naipahayag sa tula ang pakikitungo ng mga mayayaman sa mahihirap?


 kanino ko ibubulong ang lahat-lahat?
sa singasing ba ng mga punglo
upang malinaw na marinig, maunawaan
ng uring gahaman at tampalasan
litanya ng dusa’t bagabag
ng nakabartolinang mga sawimpalad?
 kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
walang pakialam sa kinabukasan
ng bansang hinuthot angking kayamanan?
 Sa mga linyang iyan, mahahalatang ang mga mahihirap ay pinagkakaitan ng yaman. Ang
mga mayayaman ay inilarawan niyan mga gahaman, tampalasan, at mga diyos-diyosang
may baluktot na budhi. Ang kanilang hinaing ay hindi marinig, at sila’y binabalewala ng
mga nakatataas.

6. Ang bulong ay mahinang pagsasalita, bakit ito ang simbolismong ginamit ni Rogelio Ordonez
bilang paraan sa pagsasabi ng mga hinaing ng mahihirap?
 Sapagkat kahit anong sigaw nila ay hindi sila naririnig. Kanino nga lamang nila ibubulong,
kung ang mga hinaing nila’y ‘di naririnig? Bulong ang napiling simbolismo ni Rogelio
Ordonez sapagkat sabi nga sa huling mga linya ay, “Ang daing ng maralita ay maririnig
lamang ng kapwa maralita”.

7. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang marinig ng kinauukulan ang mga bulong ng
mahihirap?
 Bilang isang kabataan, ako’y wala pang masiyadong kakayahan upang matulungan ang
mga mahihirap ngunit sa munong laganap na ang social media, sa tingin ko’y magagamit
ko ang mga social media platforms upang marinig ang bulong ng mahihirap. Una knong
gagawin ay ipaalam sa mga kapwa ko ring kabataan ang sitwasyon ng mga mahihirap
upang ang kanilang mata’y mamulat sa totoong nangyayari. Pangalawa, sa pamamagitan
ng mga social media platforms, ako’y gagawa ng isang adbokasiya at aksyon upang
matulungan at madinig ang mga mahihirap.

You might also like