You are on page 1of 2

PANGALAN: Desepeda, Ma. Concepcion M.

PAGKAKAILANLANG BILANG: 1801367

ISKEDYUL: Lunes at Miyerkules (7:00-8:30 ng umaga)

Ngayong nabasa mo na ang tula mula sa blog ni R. Ordoñez, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang damdaming namayani sa akda?

Ayon sa tula na aking nabasa, mapapansin ang mga salitang ginamit ay nagpapahiwatig
ng damdaming namamayani sa akda tulad ng mga “pilantod na ang mga taludtod”, “di marinig
hinagpis ng mga sawimpalad”. Ito ay ang kawalan ng pag-asa at pamamanglaw ng isang
manunulat ukol sa isyung panlipunan.

2. Ano ang pangunahing paksa ng tula?

Ang pangunahing paksa ng tula ay ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at


marhinalisasyon sa pagitan ng mahirap at mayaman. Mapapansin rin ang kawalan ng hustisya sa
ating lipunan base sa pagkakasalaysay ng may-akda.

“Pano tutulain pa epiko ng pakikibaka,

Ng sambayanang masa kung mga daliri’y

Ikinadena’t dinurog ng dusa?”

3. Sa iyong sariling mga salita, ano ang mensaheng nais iparating ni R. Ordoñez sa
kaniyang mga mambabasa? Sagutin sa hindi lalampas sa limang pangungusap.

Para sa akin, ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa ay ang
tila wala nang ganang magsulat. Nawawalan na siya ng pag-asa na magsulat at ihayag ang mga
suliraning isinusulat niya sapagkat ang mga ito ay di napakikinggan o naaksyunan ng
nakakabasa nito. Tila ba sawa na siyang umasa pa sa pagbabago ngunit naniniwala ako na,
bilang isang manunulat, mayroon siyang tungkulin na ipamulat sa mga mambabasa ang
totoong kalagayan ng lipunan. Sapagkat para sa akin, ang literatura ay mabisang paraan para
imulat ang kamalayan ng mga mambabasa.

4. Anong suliraning panlipunan ang inilarawan sa tula?

Sa aking palagay, ang suliraning panlipunan na inilarawan sa rula ay ang malaking agwat
ng mahihirap at mayayaman, gayundin ang kawalang ng hustisya at tinig ng mga nasa ibabang
sekta ng ating lipunan. Dagdag pa rito, ay ang pagsasawalang bahala at pambabalewala ng mga
taong angat sa buhay sa mga mamamayang maralita.

5. Kumusta ka na at ang iyong pamilya  ?


Salamat po sa pagtatanong, pero masasabi ko pong maayos naman po ako kasama ang
aking pamilya. Nagpapasalamat na hindi nagkasabay ang pagputok ng bulkan at ang
paglaganap ng virus sapagkat hindi namin alam kung saan kami pupulutin. Ang bahay po namin
ay mismong nasa 14km danger zone, na kung saan, nasa loob pa rin namin ang pangamba mula
rito at sa lumalaganap na sakit. Sa ngayon po ay umaasa po kami sa aming maliit na tindahan at
patuloy na umaasa na sana bumalik na sa normal ang buhay nating lahat, at mawala na ang
mga takot at pangamba sa ating mga puso.

You might also like