You are on page 1of 2

AMBAWAS, ANN JILLIAN B.

BSED – ENGLISH III – C

PAN 2

Panuto: Matapos basahin ang artikulo, sagutin ang mga sumusunod:


1. Kung magdaragdag pa kayo ng babaeng dapat kasama sa awit, sino sila at bakit? Ipaliwanag
 Ang aking idadagdag ay si Elsa ng Frozen, hindi maittatanggi na bukod sa independent
na babae si Elsa ay kaya niya ring mamuno bilang reyna ng kanilang kaharian.
Nagpapatunay ito na hindi lamang lalaki ang kayang mamuno, kundi pati narin ang
babae.
2. Sino ang mukha ng matapang na babae sa panahong ito? Bakit?
 Sina Gabriela Salang, Teresa Magbanua at Tandang Sora (Melchora Aquino) dahil sila
ang mga babaeng lumaban sa kulonisacdor na Kastila, imperyalistang Amerikano at
diktaduryang Marcos. Humawak sila ng sandata at nakibaka para sa kalayaan ng babae at
bansa.

3. Anong napapanahong isyung tungkol sa kababaihan o LGBTQ ang dapat pag-usapan,


pahalagahan, at ipaglaban?
 Ang panliligalig sa sekswal at  dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon.
Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at
ipinipigilan sila  na maabot ang kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na panliligalig o
pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang kasarian,  o sekswal na oryentasyon ay hindi
tinatanggap.  Ito’y labag sa batas. Kadalasan, ang isang taong may kapangyarihan ang
nanliligalig, pero maaari rin ito manggaling mula sa mga kauri, kasamahan sa trabaho,
atbp. Ang mga babae ay  mas masasalakay dahil kadalasan ay mas mababâ ang kanilang
kinikita at mas mababâ ang katayuan nila sa trabaho, at mas malamang na sila tanging
naglalaan para sa kanilang mga anak.  Pati ang mga taong may kapangyarihan ay
maaaring  biktima ng sekswal na panliligalig.

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at sagutan sa nakalaang espasyo sa ibaba.


Siguraduhing may kaisahan, maayos na paliwanag, at hindi paligoy-ligoy ang sagot.
1. Sa tula ni Ruth Mabanglo na “kung Ibig Mo Akong Makilala”, ano ang persona ng
nagsasalitang nanae sa tula?
 Ang persona ng tula ay masasabing isang moderno at progresibong babae. Ito ay
ipinapalagay ng mag-aaral sapagkat iginigiit din ng tulang ito ang malayang
oryentasyong sekswal ng isang indibidwal. Ito’y produkto hindi lamang ng biyolohikal na
dahilan kundi pati na rin ang sikolohikal, historikal at personal na sirkusmtansya.
2. Sa tula pa rin ni Dr. Mabanglo, paano binibigyan kahulugan ang salitang pag-ibig? Ano ang
nais nitong isiwalat sa sinumang naghahangad na umibig sa nagsasalita?
 Layunin nitong palutangin ang kultural at panlipunang salik na nakakaapekto sa
pagbibigay kahulugan sa akda. Susubukan ding idikonstrak at hanapan ng
pandalawahang oposisyon ang akda upang palitawin ang ambiguidad sa kabuuang
kahulugan nito. Sa huli, lalapatan ang tula ng Marxistang pagbasa upang mapaangat ang
tunay na esensya at mensahe ng makata – ang mamulat ang mga mambabasa, gayundin
ang iba pang manunulat sa papel at tungkulin ng kababaihan sa lipunan.

3. Ang tulang “Kung Ibig Mo Akong Makilala” ay mapapansin na ginamitan ng iba’t ibang
pandiwa sa tula gayundin ang imahen ng katawan. Nakatulong ba ang mga ito upang lalong
mapalutang ang mensaheng nais talakayin ng may akda? Talakayin.
 Sa tulang Kung Ibig Mo Akong Makilala, humahaginit ang kanyang mga talinghaga na
nagbibigay ngimpresyong makapuwing at makapag-iwan ng hamon sa mga mambabasa.
Punong-puno ng angas angtulang ito, kakaibang hamon ang naidulot nito hindi lang sa
mga mambabasa kundi sa iba pangmakata ng kanyang panahon at ng kasalukuyan.

You might also like