You are on page 1of 26

PANITIKANG

PANDAIGDIG- NOBELA
(Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita. F10PT-IIf-74 MELC) Bago mo
basahin ang nobelang pinamagatang “Si Anne ng Green Gables”, iyo munang bigyan
ng kahulagan ang mga salitang nakasulat nang madiin sa pangungusap. Hanapin
mula sa kahon ang sagot at saka isulat sa iyong kuwaderno.
1.Si Ginang Rachel ay mausisa at nais
malaman ang lahat ng nangyayari sa
kanyang mga kapitbahay.
2.Mahilig siyang magmatyag sa mga hindi
pangkaraniwang ikinikilos ng mga tao sa
kanyang paligid.
3. Nais ni Matthew na kupkupin na lang nila si
Anne.
4. Sa bangko ng Abbey nakalagak ang lahat ng
kanilang salapi.
5. Ang kanyang naging huling himlayan ay
isang lugar na malayo sa minahal niyang lupain
GAWAIN B. BASA – BASA DIN, PAG MAY
TIME!

Si Anne ng Green Gables ni


L.M Montgomery
Ano ang masasabi ninyo sa mga
batang inaampon o inaalagaan ng
hindi nila tunay na magulang?
1. Bakit kahit lalaki ang inaasahang aampunin ay
tinanggap at minahal nina Marilla at Matthew si Anne
na isang babae nang makilala nila ang tauhang babae
ang nagpakita ng pagiging malakas at may malayang sa
pagsusuri: tunay na pagkatao niya?
2. 2. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa
tahanan sa Green Gables ang impluwensiya ba ni
Marilla na isang babae o ang impluwensiya ni Matthew
na isang lalaki? Patunayan
3. Paano inilarawan si Anne bilang isang babae? Ano-
anong pangyayari sa akda ang nagpapakita sa lakas na
taglay niya bilang isang tauhan kahit pa siya'y isang
babae?
4. Ano ang pinatunayan ng may-akda nang ipakita
niyang si Anne at lumaban nang sabayan sa lahat ng mga
naging kompetisyon nila ng tauhang lalaking si Gilbert at
hindi lang basta pumantay sa galing nito kundi
5. Sa panahong inilathala ang akda noong 1908 ay isang
panahon kung saan ang kalalakihan ay kinikilalang mas
matimbang. Sino-sinong me pag-iisip maliban kina Anne
at Marilla? Ano-anong pangyayari sa akda ang
nagpatunay sa pantay na karapatan at kalagayan ng mga
babae at lalaki?
6. Bakit itinuturing na isang mabuting huwaran o modelo
si Anne ng mga kabataang babae sa iba’t ibang bahagi ng
Ang “Anne of Green Gables” ay maaaring ihambing sa
iba pang nobelang may kaparehong tema kung saan
ipinakita ang pagbabago sa buhay ng isang batang
babaeng mahirap o ulila subalit may maganda o
positibong asal at nakapagbigay pa ng pag-asa sa mga
taong kumupkop sa kanya. Magbasa ng alinmang
impormasyon sa mga aklat o sa Internet tungkol sa mga
nobelang nakalahad sa ibaba at saka buuin ang
paghahambing.
 Rebecca of Sunnybrook Farm ni
Kate Douglas Wiggin
 Pollyana ni Eleanor H. Porter 10
 Heidi ni Johanna Spyri
1. Moralistiko- Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa
pagpapahalagang taglay nito. Mababatid ng isang manunuri
kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina,
moralidad, at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal- Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha
ang kalagayan ng lipunan nang panahong isinulat ang akda.
Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay
dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong
namayagpag sa panahong ito.
3. Sikolohikal- Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw
ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang
antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan,
paniniwala at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o
kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.
4. Formalismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito,
binibigyang-pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi
at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang
kapaligiran, era o panahon, at maging sa pagkatao o katangian
ng may-akda.
5. Imahismo- Umusbong ang paggamit ng pananaw na
ito noong mga unang dekada ng 1900. Laganap kasi sa
panahong ito ang romantisismo sa panitikan kayâ
inilunsad ang imahismo na naglalayong magpahayag
nang malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal.
Nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mensahe
sa kadahilanang nabibigyang-búhay ng may-akda ang
mga kaisipang nais ipahiwatig.
6. Humanismo- Binibigyang-pansin ng
pananaw na ito ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay.Ang
pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa
tao kaysa sa anumang bagay.
7. Marxismo- Ito ay nakabase sa teorya ni Karl Marx
patungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa buhay at ang
implikasyon ng sistemang kapitalista sa ating lipunan.
Karaniwang ginagamit ang pananaw Marxismo sa pagbibigay-
halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at
magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad ng
tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman,
maykapangyarihanat naaapi. Ipinakikita ng Marxismo kung
paanong ang mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi lang sa
panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na buhay.
8. Arketipo-Ang pananaw na ito ay gumagamit ng huwaran
upang masuri ang elemento ng akda. Ang salitang arketipo ay
nangangahulugang modelo kung saan nagmumula ang
kapareho nito.
9. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri
ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng
kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging
sa panitikan. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na
pananaw sa kababaihan
8. Arketipo-Ang pananaw na ito ay gumagamit ng huwaran
upang masuri ang elemento ng akda. Ang salitang arketipo ay
nangangahulugang modelo kung saan nagmumula ang
kapareho nito.
9. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri
ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng
kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging
sa panitikan. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na
pananaw sa kababaihan
10. Eksistensyalismo-Ipinakikita sa pananaw
na ito na ang tao ay malayang magpasiya para
sa kanyang sarili upang mapalutang ang
pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay
hindi maikahon ng lipunan. Makikita o
mababanaag ito sa uri ng mga tauhang
gumaganap sa akda.
Ginamit din sa pagsusuri ng
panitikan ang tatlong malalaking
kilusang pansining at
pampanitikan tulad ng
sumusunod:
1. Klasisismo- Ang sumusunod ay ang mga katangian
ng akdang klasisismo:
a. Pinahahalagahan nito ang katwiran at pagsusuri.
b. Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan
at kagandahan.
c. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunod- sunod,at may hangganan.
2.Romantisismo-Ito'y isang malaking kilusang pansining at
pampanitikn sa Europa na sumibol noong huling bahagi ng 1800 at
pagpasok ng 1900. Ang sumusunod ay ang mga katangian ng mga
akdang romantiko:
a. Binibigyang-halaga nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo,
ang rebolusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran,
at likas kaysa pagpipigil.
b. Kung ang panitikan sa panahon ng klasisismo ay
maayos,mapayapa,ideyal, at rasyonal, sa panahon naman ng
romantisismo ay higit na lumutang ang damdamin kaysa kaisipan
3. Realismo- Ipinakikita ng panitikang
realismo ang katotohanan. Ipinalalasap
nito ang katotohanan ng búhay maging ito
man ay hindi maganda. Layunin nitong
ilahad ang mga pangyayari sa tunay na
buhay.

You might also like