You are on page 1of 9

Honey Rose Callora BEED – 3 MINGLANILLA FIL312 ED

Pagsasanay

A. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na teoryang pampanitikan ayon sa iyong

sariling pagkakaunawa. Magbigay ng mga halimbawa.

1. Naturalismo

- Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang tao

dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at kapaligiran. Ang mga

akdang nagbibigay – diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring natural at

nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin

ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa

mga tauhan nito.

HALIMBAWA: (Walang Panginoon ni Deosgracias Rosario)

- Ang konsepto ng teoryang Naturalismo ay akma sa katangiang tiantaglay ng akdang Walang

Panginoon ni Deosgracias na kung saan ay binibigyang diin ang katangiang likas ng tao na

higit pa sa kanyang katangiang moral nang sumiklab ang matinding galit ni Masrcus para

kay Don Teong. Dahil sa matinding galit ni Marcus ay nauwi ito sa hindi magandang pag-

iisip ngunit sa huli’y ay hindi siya ang nakapaslang ditto kundi ang kalabaw nito na

sumungag kay Don Teong. Sa tagpong ito ng kwento ay nangibabaw ang likas na katangian

ng tao na siyang dahilan kung ito akma sa teoryang naturalismo.


2. Humanismo

- Ang Humanismo ay isa sa mga teoryang pampanitikan kung saan naka

sentro ang manunulat satao. Ang tema ng mga panitikan na humanismo ay

naka angkla sa kakayahan ng tao na maglikhang magaganda at kakaiba sa

kaniyang paligid at siya ring panginoon ng kaniyang kapalaran. Angteorya

dinmg ito ay nagmumungkahi na ang kabuuan ng tao may kakayahang

makapagpahayag,makapag-isip, at makakilos ng malaya kompara sa ibang

mga nilalalang na nasa mundo.

HALIMBAWA: (Paalam sa Pagkabata ni Santiago Pepito na isinalin sa

Filipino ni Nazareno D. Bas)


- Ang akdang Paalam sa Pagkabata ni Santiago Pepito ay isang akdang

patungkol sa isang batang nakakaranas ng mga katanungan tungkol sa

buhay na walang sinuman ang nagtangkang sumagot. Base sa takbo ng

kwento'y masasabi kong akma ito sa konsepto ng teoryang humanismo

sapagkat sentro dito ang tao na kung saan ay nagdedesisyon siya para sa

kanyang sarili at nagkakaroon siya ng mga katanungan ukol sa kanyang

pagkatao.

3. Romantisismo

- Ito ay ipinamalas ang ibat – ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa

pag - alalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at sa mundong

kinalakhan. Ipinakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang

ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o sa

bayang napupusuan.

HALIMBAWA: (Sayang na Sayang)


- Ang kaisipan ng teoryang romantisismo ay talagang akma sa katangiang taglay ng akdang

tungkol sa pag-ibig na Sayang na Sayang sapagkat binibigyang-diin dito ang pagkadalisay

ng pag-ibig ng isang tauhan para sa kanyang iniibig.

4. Sosyolohikal

- ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang

kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan

sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa

mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

HALIMBAWA: (Tata ni Rogelio Sikat)

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinahangad

lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit

ang kanyang asawa.

5. Marxismo

- teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling

kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang

kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-

ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga

mambabasa.

HALIMBAWA: (Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia)

- Ang konsepto ng teoryang klasisismo ay angkop sa akdang Ang Tondo man ay may langit

din sapagkat iginigiit nito ang katagumpayan sa pag-iibigan ng dalawang may magkaibang

estado sa buhay. Gayunpaman, maaaring ang teoryang romantisismo ay maaari ring

taglayin ng akda sapagkat ang buong kaisipan ng kuwento ay tungkol sa pag-iibigan.


B. Panuto : Ipahayag ang mga saloobin kaugnay sa tanong na :

Ano ang kahalagahan ng mga teorya ng panitikan?

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga

paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na

ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano

mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda,

totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng

isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at

siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong

makasisira rin sa tao.


C. Panuto : tukuyin kung anong teoryang pampanitikan ang nilalarawan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
D.Panuto: Suriin ang akdang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal, ang unang tula na isinulat niya sa edad na 8 gulang sa

katutubong wika at pinamagatang “Sa Aking Kabata”. Bawat saknong ay lagyanng nararapat na teoryang

pampanitikan kung saan ito aakma.

You might also like