You are on page 1of 23

TEORYANG

PAMPANITIKAN
Criselle DA. Salazar
Tagapag-ulat
Ano ang Teorya?

- Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang


makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o
pagpapaliwanag.
Mga teoryang pampanitikan.

Klasismo/Klasisismo

Ang teoryang ito ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado ng buhay ng dalawang magkaibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari ay matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
lagging nagtatapos nang may kaayusan.
Humanismo

Ang teoryang ito ay naglalayong ipakita na ang tao ang sentro ng


mundo; ay binibigyang-diin ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talion, talent at iba pa.
Imahismo

Ang teoryang ito ay gumamit ng mga imahe na higit na maghahayag sa


mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-
akda na higit na madaling maunawaan.
Realismo

Ang teoryang ito ay naglalayon na ipakita ang karanasan at nasaksihan


ng may-akda sa kanyang lipunan.
Feminismo
ito ay tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang
kwento o akda. Tumutukoy din ito sa prinsipyo at paniniwala na dapat maging
pantay ang mga babae at lalaki sa pagtamasa ng karapatang sosyal,ekonomiko
at politikal.
Feminismo- Markismo

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng


kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo.
Formalismo/Formalistiko

Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri,


samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang
formalismo, ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan,
o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.
Sikolohikal/ Saykolohikal

Ang teoryang ito ay upang ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita


ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-
udyok na mabago o mabuo ito.
Ekstensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o


magdesisyonpara sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo.
Romantisismo

Ang teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o


sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakihan.
Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o


sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.
Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang


pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao at
ang pamantayan ng tama at mali.
Bayograpikal

Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan.


Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating
nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa
bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat
Teoryang Queer

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin


sa paningin ng lipunan ang mga homosexual. Kung ang
mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na


siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Dekonstruksyon

Ito ay teoryang pampanitikan na pwede mong


baguhin ang katapusan at pwede ka ring magdagdag
ng mga tauhan, ngunit hindi mo pwedeng buhayin ang
mga namatay sa akda.
Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng
may-akda sa mga hindi nakakaalam.Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Gabay sa Pagsusuri ng nobela
I. Introduksyon
- Pamagat
- May-akda
II. Tauhan
III. Tagpuan
IV. Mahalagang Talasalitaan
V. Buod
Gabay sa Pagsusuri ng nobela
V. Paksang diwa:
VI. Kabisaan:
Bisa sa isip
Bisa sa damdamin
Bisa sa kaasalan
VII. Teoryang Pampanitikan
VIII.Pansariling Reaksyon/ Kakintalan
Maraming salamat sa inyong
pakikinig!

You might also like