You are on page 1of 13

1.

Moralistiko- Sa pananaw na ito sinusuri ang


panitikan batay sa pagpapahalagang taglay nito.
Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng
akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad,
at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal- Sa pamamagitan ng pananaw
na ito mahihinuha ang kalagayan ng lipunan
nang panahong isinulat ang akda. Karamihan sa
mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito
ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa
uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito
3. Sikolohikal- Sa pananaw na ito makikita ang
takbo o galaw ng isipan ng manunulat.
Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng
kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan,
paniniwala at pagpapahalaga, gayundin ang mga
ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at
kamalayan.
4. Formalismo- Sa pamamagitan ng pananaw na
ito, binibigyangpansin ng manunuri ang kaisahan
ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang
malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o
panahon, at maging sa pagkatao o katangian ng
may-akda
5. Imahismo- Umusbong ang paggamit ng
pananaw na ito noong mga unang dekada ng
1900. Laganap kasi sa panahong ito ang
romantisismo sa panitikan kayâ inilunsad ang
imahismo na naglalayong magpahayag nang
malinaw gamit ang mga tiyak na larawang
biswal. Nagiging mas epektibo ang
pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang
nabibigyangbúhay ng may-akda ang mga
kaisipang nais ipahiwatig
6. Humanismo- Binibigyang-pansin ng pananaw
na ito ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay.Ang pananaw na ito ay
nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa anumang
bagay.
7. Marxismo- Ito ay nakabase sa teorya ni Karl
Marx patungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan
sa buhay at ang implikasyon ng sistemang
kapitalista sa ating lipunan. Karaniwang
ginagamit ang pananaw Marxismo sa pagbibigay-
halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang
malalakas at magkasalungat na puwersa o
kapangyarihan tulad ng tunggalian sa pagitan ng
mahihirap at mayayaman, maykapangyarihanat
naaapi. Ipinakikita ng Marxismo kung paanong
ang mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi
lang sa panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na
buhay.
8. Arketipo-Ang pananaw na ito ay gumagamit
ng huwaran upang masuri ang elemento ng
akda. Ang salitang arketipo ay
nangangahulugang modelo kung saan
nagmumula ang kapareho nito.
9. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na
ito nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng
kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging
sa panitikan. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang
tradisyonal na pananaw sa kababaihan.
10. Eksistensyalismo-Ipinakikita sa pananaw na
ito na ang tao ay malayang magpasiya para sa
kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi
maikahon ng lipunan. Makikita o mababanaag ito
sa uri ng mga tauhang gumaganap sa akda.
11. Klasisismo- Ang sumusunod ay ang mga
katangian ng akdang klasisismo:
a. Pinahahalagahan nito ang katwiran at
pagsusuri.
b. Layunin nitong mailahad ang katotohanan,
kabutihan at kagandahan. c.Malinaw, marangal,
payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod-
sunod,at may hangganan.
12.Romantisismo-Ito'y isang malaking kilusang
pansining at pampanitikn sa Europa na sumibol noong
huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900. Ang
sumusunod ay ang mga katangian ng mga akdang
romantiko:
a. Binibigyang-halaga nito ang indibidwalismo kaysa
kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo,
imahinasyon kaysa katwiran, at likas kaysa
pagpipigil.
b. b. Kung ang panitikan sa panahon ng klasisismo ay
maayos,mapayapa,ideyal, at rasyonal, sa panahon
naman ng romantisismo ay higit na lumutang ang
damdamin kaysa kaisipan.
13. Realismo- Ipinakikita ng panitikang realismo ang
katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng
búhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin
nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.

You might also like