You are on page 1of 4

Panunuring Pampanitikan

Fil 116
Mrs. Milagros Hapitan

Pangalan: Herana, Cindy BSED-FILIPINO III


Panuto: Magsaliksik kayo sa mga sumusunod:
1. Imahismo
- Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa maghahayag sa mga damadamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
 Hindi na lingid sa ating kaalaman na mas gugustuhin pa ng
isang estusyante na manood ng pelikula kaysa magbasa ng
libro, dahil nga mas nakukuha ang mga atensyon nang mga
ito sa kung ano ba ang kanilang nakikita at tingin nila ay
mas madaling maintindihan.
- Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang
nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at
tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
2. Romantisismo
- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
 Ito naman ay mai-uugnay sa pelikulang mainstream, dahil sa
panahon ngayon mas pinipili ng manonood ang kwentong pag-
ibig hindi lang sa isang tao kung hindi sa mga nakapaligid sa
kanila at ang kanilang lugar na kinalakihan. Kaya rin to patok
dahil nga naihahalintulad ng isang manonood ang kanyang
mga naranasan sa kaniyang napapanood.
- Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at
pagpasok ng 1900.
- Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga
sa kagandahan ay nagpapakita ng mapakaraming pagbabagp na
naganap sa panitikan.
- Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig,
mga awit at korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga
prinsesa at prinsipe.
- Tumatalakay rin ito sa mga katutubong buhay sa malalayong nayon.
Lagi itong nagbibigay aral at itinatanim sa isipan na ang mga
nagkakasala at masama ay parurusahan.
- Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumintaw noong
ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahwig sa malapantasyang
katangian ng midyeval na romansa.
- Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang
Pampanitikan sa panahon ng romantisismo dahil ang mga sanaysay,
tula, maikling kwento na naisulat sa panahong iyon ay may
pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga
romantisista sa lipunan na makatao, demoratiko at patuloy sa pag-
unlad.
- Insipirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantisista para
mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan.
Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imahinasyon ang tanging
bumubuo sa pagiging totoo at maganda ng isang akda. Sa
pamamagitan nito, nabubuhay ang akda sapagkat nabibigyan ng
bagong sigla ang mga mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng
pansin.
3. Moralismo
- Ipinapalgay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o
magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga
panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di
mapapawig mga pagpapahalaga at kaasalan.
- Sinususri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.
- Pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob
sa akda.
- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumuukat sa moralidad ng isang tao—ang pamaanatayan ng tama at
mali. Inilalahad din niyo ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad
ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
- Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang
nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat
ang kanyang akda bilang instrumentong maaaring paghanguan ng
mga aral na gagabay sa pang-araw-araw na buahy at pagdedesisyon
ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maaari niyang dalhin ang
kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito
sa panahon ng Kastila at makabagong panahon.
4. Realismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alng ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kaniyang
sinulat.
 Maihahantulad ito sa pelikulang indie, dahil hango ang mga ito
sa mga nangyayaring tunay sa mga tao, maaaring istorya ng iba
o mismong istorya ng gumawa ng pelikula. Naiipapakita dito
kung ano ba ang kanilang nagging karanasan o nasaksihan sa
kanilang buhay. At dahil nga mula ito sa totoong buhay hindi
ito maaaring tawaging mainstream
- Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng
buhay.
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan
ng may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang pamamaraan.
- Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa
kagandahan.
- Iba’t ibang pangkat ng pagsusuring realism sa panitikan:
a. Pinong (Gentle) Realismo: may pagtitimping ilahad ang
kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik-hindik.
b. Sentimental na Realismo: mas optimistiko at inilalagay ang pag-
asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw
na suliranin.
c. Sikolohikal na Realismo: inilalarawan ang internal na buhay o
motibo ng tao sa pagkilos.
d. Kritikal na Realismo: inilalarawan ang gawain ng isang lipunang
burgis upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at
panlulupig nito.
e. Sosyalistang Realismo: ginabayan ng teoryang Marxismo sa
paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa
pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis.
f. Mahiwagang (magic) Realismo: pinagsanib na pantasya at
katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan.

You might also like