You are on page 1of 3

Moralistiko

sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at


kaayusang nakapaloob sa akda
Sosyolohikal.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
Sikolohikal
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
Formalismo
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
Imahismo
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa
Humanismo
Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming
bagay
Marxismo
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina
mayaman at mahirap kapangyarihan at naaapi
Arketipo / Arkitaypal
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-
aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang
maipabatid ang pinakamensahe ng akda
Feminismo
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at
maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang
anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza
Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
Eksistensyalismo
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao
ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at
sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
Klasisismo
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw,
marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
Romantisismo
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
Realismo
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas
din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno
Eksistensiyalismo - ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na
pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa
mundo o pagkabuhay sa mundo (death ,life).
Naturalismo - ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga
pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.
Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng
katarungan, sa mga tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.
Humanismo - ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao.
Romantisismo - sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas
sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa
akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.
Modernismo - Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga
naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan
ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon
ng mundo.
Markismo - ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Pisikal - nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga
mambabasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.
Moralismo - ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag
hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga
katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.
Sosyolohikal - naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng
kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan
itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
Biyograpikal - naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga
bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
Sikolohikal - sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat.
Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan,
paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at
kamalayan.
Arkitaypal - Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa
pananaw ni Freud at Carl Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na
unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na mabuo ang isang
motif".
Ang mananaliksik ay nais niyang maipabatid ang gamit at kahalagahan ng mga teorya sa

paggawa ng mainam na akda at maging gabay ang mga teorya sa paglikha ng matalinong

lathalain. Maging pamilyar ang mga mag-aaral sa iba’t ibang teoryang pampanitikan upang

malinang ang kanilang pag-iisip sa paraan ng pagsulat.

You might also like