You are on page 1of 4

SINESOSYEDAD PELIKULANG PANLIPUNAN 4

PELIKULA

 Kilala rin bilang SINE at PINILAKANG TABING.


 Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan.
 Tinatawag ding Dulang Pampelikula, Motion Picture, Theatrical Film, o Photoplay
 Ito ay sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood.

LIPUNAN

 Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran sa mga pagkakaugnay ng
bawat indibidwal na ibinabahagi ang iba’t ibang kultura at mga institusyon.
 Ito ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at iba’t ibang istruktura sa paligid.
 Pagkakaisa ang pangunahing katangian ng lipunan.
 Tinatawag na malaking pangkat ng tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa
isang tiyak na teritoryo at itinuturing na isang pamayanan o yunit.
 Ito rin ay kinapapalooban ng iba’t ibang relihiyon at mga sekta.
 Kinapapalooban din ito ng kultura na nabuo dahil sa wika.
 Dahil sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nabuo ang isang lipunan.

Mga Dulog Pampanitikan

Pormalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa o manonood ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang
panitikan.
 Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalalimang pagsusuri’t pang-unawa.
 Layunin: pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo ng akda. Pisikal na katangian ng akda
 Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian, at paraan ng pagkakasulat
 Masuri ang tema o paksa ng akda, sensibilidad ng mga tauhan at pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora,
imahen at iba pang elemento.
SINESOSYEDAD PELIKULANG PANLIPUNAN 4

Marxismo/Markismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao ang sumasagisag sa tao, siya ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

Feminismo
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan.
 Babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan.

Realismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
 Katotohanan kaysa kagandahan.

Romantisismo
 Kakikitaan ang akda ng pag-aalay ng tao ng kanyang pag-ibig. Maraming paraan ito, maaaring pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa
lipunan, pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa hayop at sa iba pang bagay.

Historikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog.
 Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Bayograpikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda
 Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamlalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng awdyens sa kanyang
karanasan sa mundo.
Humanismo

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita rin na ang tao ang sentro ng mundo
 Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent.
SINESOSYEDAD PELIKULANG PANLIPUNAN 4

Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior
(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda
 Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o
mabuo ito

Moralistiko
 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang
tao—ang pamantayan ng tama at mali
 Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan
Queer
 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual
 Kung ang babae ay Feminismo ang mga homosexual naman ay Queer

Sosyolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
 Ipinapakita rito ang paraan ng tao sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na sagsisilbing gabay sa mga awdyens sa
pagpuksa sa mga katulad na suliranin

Kultural
 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
 Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi
 Ipinapakita rin dito na bawat lipi ay natatangi

Feminismo-Marxismo
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap
 Halimbawa, ang pagiging prostitusyon bilang tuwirang tugon sa dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Eksistensyalismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)
SINESOSYEDAD PELIKULANG PANLIPUNAN 4

Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

1. Sinematograpiya
 Ang pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng ng
wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera

2. Direksyon
 Kung paano ipinapahatid ng director ang mensahe ng pelikula

3. Paglalapat ng Tunog
 Dapat nasa tamang oras at panahon hindi nahuhuli at di rin nauuna ang tunog sa bawat eksena

4. Editing
 Dapat lang ng pangunahing pangyayari ay nabibigyan ng pantay pantay na atensyon at haba ng eksena

5. Musikal iskoring
 Dapat ang tunog o musika ay nakatugma sa bawat eksena kung nakakatakot ang eksena dapat ang tunog ay nakakagulat
o nakakakaba

6. Pagganap
 Dapat nagampanan ng mga actress o actor ang kanilang karakter na para bang natural lang sakanila

7. Disenyong Pamproduksyon
 Ito ay tungkol sa lugar na pinaganapan ng pelikula dapat swak ito sa karakter.

8. Istoryang Pampelikula
 Itinatalakay ito ang daloy ng kwento o kung gaano kayos ang isyorya.

You might also like