You are on page 1of 22

Mga Artikulo

NASAAN ANG LESBIANA SA PANITIKAN? PAGSIPAT SA LESBIANANG PERSONA


SA PILING MAIKLING KUWENTO NG PILIPINAS (1987 – 2008)

Ni Sharron Anne Briones Pangilinan

May alam ka tungkol sa kaniya pero wala kang alam.

– ang kabalintunaan ng pagiging lesbian ayon kay Nicky Hallett

NANG MINSAN AKONG MAGTURO SA KLASE NG ISANG TULANG


TUMATALAKAY SA KABAKLAAN, napatawag ako ng tagapangulo ng aming
departamento para ipaalam na may nagreklamong magulang dahil sa
pagpapabasa ko sa klase ng naturang tula (kabubungad pa lamang
ng semestre nang ipabasa ko iyon pero patapos na nang sitahin
ako). Nagpahaging muna ang tagapangulo na mula sa mayamang
angkan ang magulang na nagreklamo bago niya sambiting bakit
naman daw ako nagtuturo ng isang “tasteless” na tula.
Nangangatwiran pa lang ako nang walang babalang umasinta sa akin
ang litanya. Tinanong niya kung inilalantad ko ba sa mga
estudyante ko ang oryentasyong kasarian ko. Dahil kikimi-kimi at
baguhang guro pa lang ako noon, ang naging tugon ko lang ay,
“Ako po siguro ang pinakahuling taong magpapangalandakan ng
anumang bagay tungkol sa sarili ko.” Tapos, sinabi niyang, “Baka
nasa pananamit at pagkilos mo….”

 Una, ang pagkitil sa academic freedom,


 Ikalawang isyu, bagaman may tangkang maging subtle,
naging matingkad pa rin ang paggamit ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagbanggit ng uring pinanggalingan ng
dumadaing (na mula ito sa isang mayamang angkan),

1
 Ikatlo ay ang pagparatang sa tulang bakla bilang
tasteless,
 Ang huli ay ang pagbuwelo ng diskurso mula sa akademikong
usapin (tulang bakla) tungong personal (kasarian ng
nagtuturo).

Ang Ebolusyon ng Lesbianang Karakter sa Maikling Kuwento

Sa kabila ng umuusbong nang panitikang kababaihan, kilusang


peminista, at pagbasang malay sa kasarian sa panahong papasigla
na rin ang usapin at aktibismong lesbiana (pansinin na sa
pagbungad ng 1990 ipinanganak ang lesbianang aktibismo at
kalagitnaan naman hanggang huling bahagi ng naturang dekada
naglabasan ang mga antolohiya ng panitikang Pilipino /panitikang
kababaihan), wala pang nagawang komprehensibong pagtatala ng
lesbianang panulat sa kasaysayang pampanitikang Pilipino /
kasaysayan ng kababaihang panulat. (Pangilinan 2009, 226)

Mula noon hanggang ngayon, masasabing hindi parin


napagtututuunan ng pansin o naisasawalang bahala ang mga akda na
gawa ng mga lesbian. Mayroon namang ibang mga storya gaya ng
“Tender Rituals” ni Rebecca Crisostomo sa librong Forbidden
Fruit: Women Write the Erotic (Cuyugan 1992) at sanaysay na “Out
With It: My Coming Out Story” ni Natty Manauat na nasa Sexuality
and the Filipina (Santiago 2007). Iilan lang ito sa mga
Panitikang nag papakita sa mga karanasan ng isang lesbiana,
ngunit kulang parin ito para tuluyang maikalat o mapansin ito.

Ang Babaeng “Crossdresser” sa mga Metriko Romanse

Ang pag crocroosdress ng mga kababaihan bilang isang lalaki


ay Hindi lamang minsang lumitaw sa mga metriko romanse na dala
ng mga kolonyalistang Espanyol sa Pilipinas. Ilang halimbawa
lang dito ay g isang prinsesa ng damit ng isa sa mga manliligaw

2
na prinsipe at kalauna’y nanungkulan bilang hari ng isang bayan.
Mayroon din namang nagpanggap na sundalo na nakapanligaw at
nakapagpaibig pa ng isang prinsesa (Eugenio 1987, 197-199).3
Maging sina Laura at Flerida ng Florante at Laura ni Balagtas ay
nagdamit-lalaki o nag-crossdress din. Maaaring basahin ang
pagdadamit o pag-astang lalaki ng mga babaeng karakter bilang
pagtatangkang tuklasin ang karanasang labas sa kinagawian—na
lalaki lamang ang nakatakdang maging sundalo at hari, na lalaki
lamang ang dapat na nanliligaw, na lalaki lamang ang kayang
magsalba ng mga nasa panganib. Kumbaga ay pagbasag ito sa
idinidiktang dalawahang (binary) sistema ng kasarian—eksklusibo
lamang sa heteroseksuwal na babae at lalaki.

Ang mga “Pars” at “Mars” sa Maikling Kuwento

Hindi na sapat na sukatan ang pagdadamit o pagkikilos-


lalaki ng isang babae para tagurian itong lesbiana. Sa dakong
ito, mahalagang balikan ang pagbibigay-kahulugan at pagkilala
kung sino ang lesbiana.

Ang lesbiana, ayon sa kritikong si Lilian Faderman,


“naglalarawan ng relasyon kung saan ang pinakamasidhing damdamin
at pagmamahal ng dalawang babae ay nakatuon sa isa’t isa. Ang
pagkikipagtalik ay maaaring maging bahagi ng ugnayang ito ngunit
maaari rin namang hindi. Inilalaan ng dalawang babae ang panahon
at ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa isa’t isa sang-
ayon sa kanilang kagustuhan.”

“isang organisasyon ng mga Pilipinang lesbiana, ang


lesbiana ay “babaeng naaakit/may marubdob na atraksiyon
sa kapwa babae sa aspektong pisikal, sexwal, emosyonal
at/o ispiritwal. Babae siyang umiibig sa kapwa babae”.
Idinagdag pa nilang maaaring magmula sa iba’t ibang uring
panlipunan, propesyon, o ordeng panrelihiyon ang mga

3
lesbiana (ibid). Sa kulturang Pilipino, ang mga terminong
pars, papa, tungril, t-bird, tomboy, tibo, uno, magic,
shumboy, shungril, mars, dos, o pa-girl ay ilan lamang sa
mga katawagang katumbas ng lesbiana. (Lesbian Advocates
of the Philippines (LeAP!).

Ang Kondoktor at Tindera sa “Every Full Moon” (1993)

Ang kwentong “Every Full Moon” ay tungkol sa kay Remedios


at sa kanyang trabaho.Kontrol at liksi sa pagkilos, malalim na
boses, pisikal na lakas—ito ang mga kasanayan at katangiang
kailangang linangin ni Remy upang tumagal sa pagiging konduktor
ng bus. Isang kahingian ang pagpoposturang lalaki sa trabahong
nakagisnan nang panlalaki.

Tinatapalan niya ng band-aid ang kaniyang mga utong para


hindi mapagkamalang babae. Hangga’t maaari’y idinidikit niya ang
sarili sa mga bagay at gawaing ipinagpapalagay niyang panlalaki,
tulad ng pakikibarkada sa mga sigang lalaki at pagsama sa mga
ito sa panonood ng mga babaeng nagsasayaw sa club o iyong mga
tinatawag na go-go dancer noong dekada 1980 kung kailan
nagaganap ang kuwento. Sa gayong exposure, nabuo kay Remy ang
machong pagtingin na “ang babae at ang beer ay iisa,” na ang mga
babae ay pawang mga sex object o pang-aliw lamang.

Ito ay isa sa mga istoryang nag kukwento sa buhay ng isang


lesbiana. Isang babaeng nag bihis lalaki, nagpakalalaki para sa
kanyang trabaho,ngunit unti unti siyang nasanay sa pamumuhay
bilang isang lalaki at natutong umibig ng kapwa babae.

Ang Pagpapaunlad ng Lesbianang Komunidad at Kamalayan

Hindi huwaran/natatangi ang buhay ng mga lesbiana,


Itinuturing lang ito na tila ganoon.

– Nicky Hallett

4
Ang pagkakakilanlan ng isang babae ay hindi lamang
naitatakda ng kaniyang relasyon sa mundo ng kalalakihan at
tradisyong pampanitikan ng kalalakihan (ang ugnayang
mahusay na tinilad-tilad ng mga peministang kritiko), na
ang makapangyarihang ugnayan sa pagitan ng mga babae ay
isang mahalagang salik sa buhay ng kababaihan, at ang
oryentasyong seksuwal at emosyonal ng babae ay matinding
nakaaapekto sa kaniyang kamalayan at sa kaniyang
pagkamalikhain.
– Bonnie Zimmerman

Ang Pag-iral ng mga Lesbianang Persona sa Maikling Kuwento

Naging matimbang ang impact ng kani-kanilang mga personal


na kasaysayan (uri/ relihiyon/edukasyon) sa kanilang mga naging
pagpapasya. Bagaman ang pagiging lesbiana at/o ang romantikong
pagtatangi sa kapuwa babae ay isa nang mahalagang hakbang o akto
ng pagbalikwas sa mga alituntunin ng heteropatriyarka, hindi
ito nangangahulugan ng tuluyang pagpapalaya sa sarili. Mayroon
pa ring nahuhulog sa bitag ng makalalaking pananaw o malay/di-
malay na nagsasakatuparan ng mga mapaniil na kalakaran.

Ang Magkatuwang na Pagsulong ng Panitikang Lesbiana at


Lesbianang Aktibismo

Umiiral na ang paglikha ng mga lesbianang teksto ng


Pilipinas bago pa man umusbong ang lesbianang aktibismo rito.
Ngunit karamihan sa mga ito’y pawang nalathala sa mga dayuhang
bansa.

Ang Pag-iimahen at mga Karaniwang Temang Binabaybay sa mga


Akdang Lesbiana

Kung babalikan ang tanong na kung may pagkakaiba ba sa


representasyon ng mga lesbiana (o lapit sa usapin ng

5
lesbianismo) ang mga lesbiana at di lesbianang awtor, ang sagot
ay oo. Hindi nangangahulugang laging positibo ang pag-iimahen ng
mga manunulat na lesbiana sa kaniyang mga lesbianang karakter.

Ang Wikang Lesbiana Bilang Naratibo ng Pagbalikwas

Tinatangan at muling binabago ng mga lesbiyana ang


estilo ng mga umiiral na wika ng pag-ibig, at
nakikipagnegosasyon sa loob ng puwersang likha ng tao at
mga pormulasyong idinisenyo ng sarili. Hindi laging
nalulutas ang mga tensiyon, gayumpaman sinisikap ng
lesbianang manunulat na magtaguyod ng pamamaraang maisulat
ang sarili. Umusbong ito mula sa engkuwentro sa tradisyong
pampanitikang nagsasaisantabi sa kaniya.

–Nicky Hallett

Kahit na patuloy nasasawalang bahala ang mga akda na gawa


ng mga lesbiana, patuloy parin sila sa pag babago ng
kanikanilang mga estilo upang kahit minsan ay mapansin din ang
mga gawa nila.

Ang Kritisismong Pampanitikang Lesbiana bilang Daluyan ng mga


Posibilidad

Hindi tulad ng ibang pangkat panlipunan, ang mga


lesbiana, gaya ng ating nasaksihan, ay hirap na itatag ang
bersiyon ng realidad na nagbibigay-kabuluhan sa ating mga
karanasan
- Bonnie Zimmerman

Kung ngayon ay bihira na ang mga Pilipinang Lesbianang


gumagawa, ng panitikang lesbiana at pag-ugnay sa lesbianang
aktibismo, lalong bibihira iyong mga gumagawi sa pag-aaral ng
pag-unlad ng panitikang lesbiana ng bansa. Binibigyang-diin sa
pag-aaral na ito ang halaga ng pagpapasigla sa kritisismong

6
pampanitikang lesbiana sa paghawan ng espasyo para sa diskursong
lesbiana.

“Madalas, ang posisyong ito’y nagsasangkot ng pag-


aninag sa mga anino, sa mga puwang sa pagitan ng mga
salita, sa kung anong mga nasabi at bahagyang
ipinagpalagay. Ito ay isang mapanganib na
pakikipagsapalaran na maaaring lumabag sa mga kilala nang
pamantayan ng tradisyonal na kritisismo. Ngunit maaari rin
nitong baguhin ang ating nosyon ng mga pampanitikang
posibilidad.”
-Zimmerman (1993)

Kinakailangang taglayin ng mga manunulat, kritiko, at


mananaliksik ang tapang, abilidad, matibay na paninindigan at
malikot na imahinasyon sa kanilang pakikipagsapalaran sa
pagtuklas at pagsiyasat ng lesbianang panulat.

7
#INGRATA AT SI MARY JANE VELOSO: MGA BAKAS NG TROLLING SA
SPREADABLE MEDIA

Ni Vladimeir B. Gonzales

Hashtag – napapangunahan ng simbolong pound o number sign (#)


ang anumang impormasyon o paksa.

Trolls – isang internet user na gumagamit ng mapanggulo o


mapang-asar na pananalita o gawain sa kaniyang online presence.

Si Mary Jane Veloso at #ingrata

Mahalaga ang naging papel ng paggamit ng hastag, Twitter,


at iba pang social media sa karanasan ni Mary Jane Veloso at ng
kanyang pamilya. Abril 25, 2010 hinuli siya ng Customs and
Excise Authorities ng Indonesia dahil sa diumano’y 2.6 na heroin
sa kanyang bagahe. Limang taon makalipas siyang hulihin ay
hinatulan si Mary Jane Veloso ng parusang kamatayan sa
pamamaraang firing squad. Dito nagsimula ang mga kampanya upang
siya ay maligtas, at nagbunga ito ng #SaveMaryJaneVeloso.
Tumulong din sa promosyon nito ang Promotion of Church People’s
Response at Church Task Force to Save Mary Jane Veloso.

Abril 29, 2015, binigyan ng pansamantalang reprieve si Mary


Jane Veloso mula kay pangulong Joko Widodo. Kumalat ang
#MaryJaneLives matapos ang hindi matuloy ang pagbitay.

Abril 30, 2015, nagpahayag si Celia Veloso na hindi sa


tulong ng gobyerno ang kadahilanan ng pagreprieve ng kaniyang
anak. Dahil dito, nagkaroon ng pagkadismaya ang mga netizens at
nagbigay ng mga opinyon tulad na lamang ng “walang utang ng loob
ang pamilya Veloso”. Dito rin nagsimula ang #ingrata.

8
Pag-uusisa sa Konsepto ng Trolling

Ang troll ay tinatawag ding “shill” o “stooge”. Isang tao


na sumusuporta o dumidepensa sa isang tao o organisasyon nang
hindi hinahayag na may malapit silang ugnayan sa tao o
organisasyon.

Tatlong Klasipikasyon ng Troll

1. Real Troll – naniniwala sa adbokasiyang sinusulong at


gumagamit ng personal na account.
2. Paid Troll – maaring naniniwala sa adbokasiyang sinusulong;
“basta may bayad, may kilos”.
3. Robot o Bot – isang programa na awtomatikong sasagot sa mga
komento base sa mga susing salita o keyword.

Ayon sa online article na “The Latest From The Aquino Crew


And His Trolls”, pinopondohan daw ng Malakanyang ang mga trolls.
Partikular sa kaso ni Mary Jane Veloso at pinupuntirya ng mga
trolls ang mga posts na kumokontra sa pahayag na ang Malakanyang
ang may dahilan ng pag-reprieve ni Veloso. Pinatunayan ito ng
article sa paglalahad ng mga sumusunod:

a. Pag-post ng mga meme na may larawan ni Pangulong Aquino


na may caption na “I am proud of my President”.
b. Pagbansag sa pamilya Veloso bilang #ingrata at ang
panawagang ipapatay sila.
c. Ang pagdiin sa pahayag ni Tony Spontana na instrumental
ang presensiya ni Pangulong Aquino sa pagbibigay ng
reprieve.
d. Binayaran ng mga kontra-pamahalaan at komunista ang
pamilya Veloso para sisihin si Pangulong Aquino sa kaso
ni Mary Jane.

9
Ayon kay Quijano, maaring maka-impluwensya ang mga troll sa
opinyon at pagpapasiya ng isang ordinaryong internet user.
Inilista niya rin ang pitong katangian ng mga trolls.

1. Kawalan ng pansariling larawan at impormasyon sa profile.


2. Paggamit ng marahas na pahayag na may bahid ng rasismo at
ad hominem upang matigil ang diskusyon.
3. Tinatangkang magpalabas ng tugon na may bahid ng galit.
4. May mga ‘di-lohikal na bintang o akusasyon.
5. Mga argumentong hindi tugma sa datos na nakapaligid sa
isyu.
6. Nag-uulit ng mga datos na parang totoo ngunit walang
basehang kapag sinaliksik.
7. May pakiramdam na “overkill” dahil halos palaging magpuno
ng mga puna.

Etika sa Social Media Bilang Batis ng Pagsusuri at ang Twitter


bilang Spreadable Media

Nasa estruktura ng Twitter ang pagiging bukas nito sa iba’t


ibang impormasyon. Para sa mga pampublikong post, nakasaad sa
Terms of Service ng Twitter na agaran at malawakang ang bawat
impormasyong isusumite rito.

Ang modelo ng “spreadability” ay ginamit nina S. Ford, J.


Green, at H. Jenkins upang ipaliwanag ang potensyal ng Twitter
at iba pang social media. Inilarawan ang spreadability bilang
katangian na nagpapadali sa sirkulasyon ng impormasyon nang may
pagdidiin sa kakayahan ng tagakonsumo ng maging taggawa rin ng
bagong anyo, at kahulugan.

Nagmula sa negatibong konsepto ang “viral”, kinakabit ito


sa pagkakaroon ng impeksyon at sakit na maaring makahawa sa
ibang indibidwal. May potensyal ang media event na kumalat
bilang ng walang kamalayan at pahintulot sa mga nakakatanggap at
10
nakakapangloko sa iba na ikalat din ito kanilang kakilala na
maaring magdulot ng “mass hysteria”.

Paghihimay sa #ingrata

Ayon sa pag-aaral ni Allison Shapp, may dalawang kategorya


sa paglalahok ng hashtags.

1. Tag hashtag – ito ay paggamit ng hashtag para magtakda ng


isang bungkos ng clickable characters na patungkol sa isang
paksa.
2. Commentary hashtag – paggamit ng hashtag na may kasamang
opinyon, ebalwasyon, o pagtatasa.

Mayroong ding syntactic nag pagkakaiba sa paggamit ng


hashtag.

1. Syntactic Inclusion – kung saan bahagi ng pangungusap ang


hashtag.
2. Syntactic Exclusion – kung saan tumutukoy sa katangian o
paksan ng isang pangungusap.

Ang #ingrata ay isang halimbawa ng hashtag na nasa anyo ng


yunit ng salita. Kung makakalap ang mga kaugnay na public tweet
mula noong Abril hanggang sa Mayo 2015 ay magiging mas
komprehensibo pagsusuri kung may katangian ng trolling ang
paggamit ng #ingrata. Gumamit ng computer aided-tools na may
kakayahang kumalap ng impormasyon tungkol sa particular na
hashtag. Masusuri nito ang dami ng gumagamit, heograpiya ng mga
gumagamit, sex, dami ng reposts at favorites. Gumamit ng
programa mula sa Topsy.com ang pag-aaral upang mangalap ng
impormasyon.

Sa artikulong “Confessions of a Troll”, may mga umaamin na


taong sila ay binabayaran ng pamahalaan bilang isang troll.
Bumubuo sila ng mga pekeng account upang magpa-uulit-ulit sa

11
pag-copy paste ng mga impormasyon, pekeng balita, makipagtalo
upang malihis ang isyu, pagpanig sa isang tao, at magsulong ng
adyenda. Binabayaran ang mga baguhang ng halagang 2000-3000 PHP
kada araw. Ito ay para sa pagsulong ng DRUMS:

D – Disinformation

R – Rumors

U – Untruths

M – Myths

S – Smears

Ayon pa sa troll na nakapanayam, naarkila siya ng isang


kandidato para sa pagkapangulo noong Eleksyon 2016, at
nagpaplanong maglaan din ng pondo para sa mga trolls sa mga nais
tumakbo sa pambansang halalan sa darating sa Eleksyon 2022.

12
PRAYMER HINGGIL SA TWO-TIER WAGE SYSTEM (2TWS)
Ni Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

Ang “two-tier wage system” (2TWS) o dalawang-antas na


sistema ng pasahod ay modipikasyon sa kasalukuyang sistema ng
pasahod. Agresibo itong itinutulak ng administrasyong Aquino
pati na rin ng mga grupong negosyante, para umano mapalago ang
produktibidad ng bansa at maitaas ang sahod ng mga manggagawa.
Pero sa esensya ay anti-manggagawa ang iskemang ito dahil higit
nitong hihilahin pababa ang sahod sa pamamagitan ng:
1. pagtatanggal ng mga regulasyon sa pagtatakda ng minimum na
sahod
2. pleksibilisasyon na binihisan sa iskemang “productivity-
based pay” o sahod na nakabatay sa “performance” ng
manggagawa.
3. buong-buong paglalagay sa kamay ng kapitalistang pagtatakda
ng pasahod sa bawat empresa.

Sa ilalim ng 2TWS, may dalawang antas ang pasahod ng mga


manggagawa. Ang unang antas (first tier) ay ang floor wage na
itatakda ng gobyerno at kalauna’y hahalili sa umiiral na
regional minimum wage. Ibabatay ito sa itinakdang “poverty
threshold” kada rehiyon, o halaga na kailangan ng isang pamilya
para masabing hindi ito mahirap batay sa pamantayan ng gobyerno.
Ang Poverty Threshhold ay halaga na kailangan ng isang
pamilya para masabing hindi ito mahirap batay sa pamantayang
itinakda ng gobyerno. May dalawa itong batayan:

1. minimum na gastos sa pagkain ng pamilya (food threshold)


2. gastos sa edukasyon, tubig, kuryente at iba pa (non-
threshold)

13
Samantala, ang pangalawang suson (second tier) ayang
“productivity-based” na sahod na nakabatay saantas ng
produktibidad ng isang kumpanya o industriya. Iba-iba ang
“productivity-based pay” kada kumpanya dahil iba-iba ang antas
at batayan ng produktibidad sa iba’t ibang pagawaan.
Papalaganapin ang ganitong sistema ng pagpapasahod para saklawin
ang iba pang-industriya at sektor ng ekonomiya.

Pagpapatupad ng Wage Orders


Sa Region IV-A (Calabarzon) kauna-unahang ipinatupad ang
2TWS sa bisa ng Wage Order No. 15 na inaprubahan noong Abril
2012 at nagkabisa noong Mayo 15, 2012. Sa ilalim ng Wage Order
No. 15, ipinako sa P255 ang floor wage mula May 15, 2012
hanggang May 15, 2016 (o sa loob ng limang taon) para sa
agricultural at non-agricultural workers sa buong rehiyon.
Ibinatay ito sa poverty threshold na itinakda para sa
Calabarzon, hindi sa inflation rate at aktwal na pangangailangan
ng mga pamilya.

14
Ang mga manggagawang sumasahod ng mas mababa sa P255 nitong
Mayo ay makakatanggapng P2 hanggang P90 umento na ipapatupad
nang utay-utay (o by installment) kada taon hanggang sa maabot
ang P255. Samantala, ang mga manggagawang sumasahod ng higit sa
P255 nitong Mayo ay makatatanggap ng P12.50 “Conditional
Temporary Productivity Allowance (CTPA).” Dahil “conditional”
ito, walang katiyakan na matatanggap ito ng mga manggagawa.
Bakit anti-manggagawa ang 2TWS?
Anti-manggagawa ang 2TWS dahil iskema ito para pababain ang
napakababa nang sahod ng mga manggagawa sa pamamagitan ng:
1. pagtatakda ng poor wage na higit na mas mababa sa
minimum wage at nakabatay sa poverty threshold.
2. higit na pleksibilisasyon ng sahod alinsunod sa kapritso
ng kapitalista gamit ang pakulo na productivity-based pay.
Dahil dito, higit na mahirap kamtin ang nakabubuhay na
sahod sa ilalim ng iskemang ito.
Ekstensyon ang 2TWS ng neoliberal na atake sa pambansang
minimum na sahod. Sa pagpapatupad noong 1989 ng Wage
Rationaliation Act, inilarga ang rehiyunalisasyon ng pagtatakda
ng sahod na nagresulta sa iba-ibang minimum wage at umento kada
rehiyon.
Wage Rationaliation Act o Republic Act no. 6727

AN ACT TO RATIONALIZE WAGE POLICY DETERMINATION BY


ESTABLISHING THE MECHANISM AND PROPER STANDARDS THEREFOR,
AMENDING FOR THE PURPOSE ARTICLE 99 OF, AND INCORPORATING
ARTICLES 120, 121, 122, 123, 124, 126 AND 127 INTO,
PRESIDENTIAL DECREE NO. 442, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS
THE LABOR CODE OF THE PHILIPPINES, FIXING NEW WAGE RATES,
PROVIDING WAGE INCENTIVES FOR INDUSTRIAL DISPERSAL TO THE
COUNTRYSIDE, AND FOR OTHER PURPOSES

15
Ngayon, sa ilalim ng 2TWS, tahasang buburahin ang konsepto
ng minimum wage sa pamamagitan ng konsepto ng poor wage habang
higit na bibigyang laya ang mga kapitalista na magtakda ng sahod
gamit ang palusot na “productivity-based wage setting.”
a. Pagpako ng sahod sa napakababang antas. Ang pagtatakda
ng poor wage kada rehiyon, na mas mababa sa umiiral na
minimum wage, ang siyang hihila pababa sa napakababa nang
minimum wage.
b. Pagpapatindi ng kompetisyon sa hanay ng mga manggagawa
pagpapalakas sa kapangyarihan ng mga superbisor at manager.
c. Mapanghati ang 2TWS. Magiging malaki ang pagkakaiba-iba
ng sahod ng mga manggagawa sa kumpanyang magpapatupad ng
productivity-based pay.
d. Sinasagasaan nito ang pakikipagtawaran sa CBA bilang
moda ng paggigiit ng umento. Maaaring gamitin ng mga
kapitalista ang 2TWS (partikular ang productivity-based
wage setting) para unti-unting pahinain ang
pakikipagtawaran para sa Collective Bargaining Agreement
(CBA).
Collective Bargaining Agreement (CBA)- Ang isang kontrata sa pag-
hire, mga kondisyon ng trabaho at paglutas ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng isang employer at isang unyon, ang
huli na kumakatawan sa mga empleyado ng isang tinukoy na grupo.
Solusyon?
Malalabanan ang salot na 2TWS sa pamamagitan ng sama-
samang pag-aaral, pagsusuri at pagkilos ng mga manggagawa hindi
lang sa antas-pabrika kundi sa antas-pambansa. Mahalagang
maikasa ang isang malakas na pambansang laban para ipanawagan
ang pagbasura sa iskemang ito ng rehimeng Aquino.

16
PANGKALAHATANG PROGRAMA NG SENTRO NG WIKANG FILIPINO DILIMAN
Ni Rhod V. Nuncio, PhD

Bilang pag-alinsunod sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad


ng Pilipinas ,may dalawang pangkalahatang programa ang Sentro ng
Wikang Filipino sa UP Diliman:

I. Filipino bilang wikang panturo

 Pagpapalaganap ng Filipino sa iba’t ibang


kolehiyo at opisina ng UP.
 Pagbuo ng mga Lupon sa Wika sa iba’t ibang kolehiyo at
opisina ng UP.
 Paghahanda at paglalathala ng mga aklat, sanggunian, at
iba pang kasangkapan sa pagtuturo.
 Pagdaraos ng mga seminar at kumperensiya upang mapalakas
ang tangkilik sa Filipino ng mga guro at mag-aaral.
 Pagtataguyod sa mga timpalak at gawad pangwika at
pampanitikan.
 Pagtataguyod sa mga gawain at samahang pangwika sa labas
ng unibersidad.

II. Filipino bilang wika ng saliksik

 Pagbuo ng UP Diksiyonaryong Filipino upang maging


kasangkapan sa mga saliksik.
 Pag-aaral at pagbuo ng mga paper writing
service bokabularyo sa mga katutubong wika.
 Pagbuo ng glosaryong akademiko.
 Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at
sanggunian sa saliksik pangwika.

17
 Pagsasalin ng mga batayang aklat sa iba’t ibang larang
akademiko.
 Pagsusulong ng sining at agham ng pagsasalin.
 Sa pamamagitan ng SWF Grant sa Saliksik-Wika,
pagtataguyod sa mga saliksik pangwika at pangkultura sa
Filipino.

Sa ilalim ng Filipino bilang wikang panturo, itinataguyod


ngayon ng SWF ang sumusunod na proyekto: Komite sa Wika
Nagtatag ng Komite sa Wika sa bawat kolehiyo at opisina sa
Unibersidad ng Pilipinas ng binubuo ng mga propesor at iba pang
kawaning akademiko sa ilalim ng isang tagapag-ugnay.
Ang bawat Komite sa Wika ang inaasahang bubuo ng mga gawain sa
loob ng kolehiyo tungo sa pagpapalagangap ng kaalaman sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo.

1. Aklatang Bayan
Pagpapasulat at paglalathala ng mga batayang aklat sa iba’t
ibang larang akademiko na may diin sa mga batayang aklat
pangkolehiyo at sa mga larang ng agham at matematika.

2. Uswagan
Mga pagkilos para pabilisin ang pagtanggap sa Filipino sa
mga rehiyong di-Tagalog gaya sa pagdaraos ng timpalak
pagsulat ng sanaysay para sa mga estudyante ng UP Visayas.

3. Ugnayan
Aktibong pakikilahok at networking sa hanay ng mga
organisasyong pangwika sa buong bansa, gaya ng SALIN,
FIT, WIKA, NCLT, PSW.

Sa ilalim naman ng programang Filipino bilang wika ng


saliksik, itinataguyod ng SWF ang sumusunod na proyekto:

18
1. UP Diksiyonaryong Filipino
Isang komprehensibo, modernisado, at monolingguwal na
diksiyonaryo na naglalaman ng mga salita mula sa korpus na
Tagalog, mga salita mula sa mga katutubo at banyagang wika,
at mga salita na bagong hiram at likha alinsunod sa
nagaganap na paggamit sa Filipino ngayon.

2. Bokabularyo at Glosaryo
Pagbuo at paglalathala ng mga bokabularyo sa mga wika ng
Filipinas, kabilang na ang mga bokabularyong nalathala na
may pakahulugang Espanyol o Ingles, at mga glosaryo sa
iba’t ibang larang akademiko.

3. Daluyan
Refereed journal na lumilikom sa mga pangunahing akda at
saliksik sa wika at kultura na nakasulat sa Filipino.

4. Pintungan
Pagtitipon at pagpapayaman sa aklatan at koleksiyon ng mga
materyales at sanggunian sa saliksik pangwika.

5. Salinan
Mga gawain kaugnay ng pagsusulong sa pagsasalin sa Filipino
gaya ng workshop para sa mga tagasalin, paglalathala ng mga
babasahin at gabay sa pagsasalin, at paghahanda sa
propesyonalisasyon ng pagsasalin sa Filipinas.

6. SWF Grant sa Saliksik-Wika


Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga panukalang
saliksik na tumutugon sa Adyenda sa Saliksik ng
Unibersidad lalo na sa saliksik pangwika.

19
“ORKESTRADONG KILIG SA ROMANTIKONG KOMEDI”
Ni Rolando Tolentino
Ang artikulong ito ay pumapatungkol sa pelikulang
Unofficially Yours ni Cathy Molina Garcia. Ang pelikulang ito ay
pumapailalim sa genre na RomCom o pagsasama ng romansya at
komedya. Sa artikuong ito ni Tolentino ay binabanggit nya kung
gaano ka-epektibo ang ginawang pelikula na ito ni Molina , at
kung paano nito nabihag ang puso ng masa sa pamamagitan ng
napiling genre para sa pelikula.
” Si Cathy Molina Garcia na ang pangunahing arkitekto ng
kasalukuyang pamamayagpag ng romantikong komedi. Ito ang genre
na namamayagpag sa takilya, at pinaghalong romans at komedi:
romans na “pagkahaba-haba man ng prusisyon, happy ending pa rin
ang tuloy,” at komedi dahil ang balakid ay ang isang kakatwang
sitwasyong pinanggagalingan ng lalake’t babaeng makaiba ang
mundo o pananaw hinggil dito.”
Tinalakay din ni Tolentino kung paano nga ba naging isang
mabisang pelikula ito , at kung ano ang mga dahilaan o
impluwensya sa pagkahumaling ng mga manonood dito.
“Manipulado ang manonood na ma-in love, matuwa, kumampi sa
pag-ibig ng mga bida, umasang magkatuluyan ang dalawang nilalang
na nababagay sa isa’t isa, at kasama ng mga bida, magtagumpay sa
pagwawakas ng pelikula. Sa kasalukuyan, matagumpay itong
formularyo ng romantikong komedi dahil regular itong
nakakapanghatak ng manonood sa manakanakang pelikulang Filipino
na umaabot sa sinehan.”
Ang tinutukoy ni Tolentino sa kanyang pahayag sa itaas , ay
ang paggamit ng genre na patok sa mga manonood , dahil sa
pamamagitan ng paggamit ng genreng ito ay nasasalamin ng mga
manonood ang kanilang mga sarili bilang mga bida na tila
napapaloob lang din ang kanilang buhay sa isang pelikula , at
binibigyan sila ng mga ekspetasyon o mga pangarap na gusto
nilang maranasan.
Masasalamin dito ang paggamit ng Filipino sa humanidades at
agham panlipunan sa pagkat ang pag-pili ng genre ng isang
pelikula ay napatunayang napaka-busisi , dahil kailangan mong i-
konsidera ang mga pupunteryahin mong mga manunuod.

20
“HUMANTONG NA BA TAYO SA GANITO?”
Ni Rolando Tolentino
Ang artikulong ito ay isang rebyu sa isang Video Journal na
pinamagatang “Staying Alive:Safety for Journalists”. Ayon kay
Tolentino , “Ang Staying Alive ay isang praktikal na manwal o
survival kit para sa mga mamamahayag para hindi sila mapaslang,
tulad nang marami na sa kanila na nagbigay-reputasyon sa bansa
bilang isa sa pinakamapanganib para sa profesyong ito.”.
Tunay na hindi natin maikakaila na ang trabaho ng mga journalist
ay hindi biro at may taglay na panganib sa ibang pagkakataon.
Halimbawa na lamang ay ang mga journalist na nagpupunta sa
mismong eksena ng gyera o kaya ay sa mga lugar na tinamaan ng
sakuna o kalamidad. Ngunit sa video na ito , di lamang ito ang
mga panganib na tinukoy. Tinukoy din dito ang mga personal na
panganib na hinaharap ng mga journalist.
“Ang trahedya sa patuloy na repetisyon ng pagpaslang sa
mamamahayag ay ang kompartamentalisasyon ng usaping pang-
seguridad sa antas ng mga individual na mamamahayag sa
pangunahin. Dito papaloob ang iba pang “praktikalidad” sa isyu:
ang pag-aarmas sa mamamahayag, ang mga aktibidad sa larangan ng
patuloy na edukasyon hinggil sa media safety, at iba pang mga
bagay.”
Nais imulat ni Tolentino ang masa sa mga panganib na
kinahaharap ng mga journalist , at pagbibigay na rin ng sariling
opinyon tungkol sa mga maaaring gawin ng mga journalist upang
mapag-ingat nila ang kanilang sarili sa kanilang larangang
tinatahak.

21
“VIRAL RANTS”
Ni Rolando Tolentino
Sa artikulong ito ay pinasalingan ni Tolentino ang iba sa
mga banyagang nag bigay ng kritisismo sa ating bansa sa
pamamagitan ng mga sosyal na platapormang natatagpuan sa
internet.
“Exaherado ang 20 dahilan pero bawat isa naman ay may
katotohanan, kalabisan, kakulangan. Provokatibo pero tila may
batayan naman. May batayan naman pero provokatibo. May
inaasahan bang mas may dekorum na paraan ng paglalahad ng
kritisismo sa bansa? May orientalismo bang ubod ang sinasaad?”
Ito ang sabi ni Tolentino ukol sa isang video na “20
reasons why I dislike the Philippines” ni Jimmy Siezcka. Sa
kanyang pahayag , tila ba tinitimbang nya ang mga pahayag sa
video at ang tugon ng mga Pilipino. Hindi ikinakaila ni
Tolentino na pawang may katotohanan sa mga pahayag ni Siezcka ,
ngunit ayon sa kanya ay medyo may pagka-exaherado ang pagkaka-
pahayag nito sa kanyang mga kritisismo.
“Ang viral rant ay ampaw na pananalita sa internet. Walang laman
dahil walang pwersa ng materialidad, lumalabas na imahinaryo
lang ng walang magawa. Kaya roon nagsimula at nagtatapos. Para
magkaroon ito ng politikal na pagtuligsa, kailangang ibuyanyang
ito sa antas ng tunay (real)”
Sa natitira pa nyang mga pahayag , masasalamin mo ang
kanyang opinyon , na pawat may katotohanan ngang laman ang mga
pahayag ng mga kritiko tungkol sa ating bansa , kung naman sana
sila’y maglalabas ng kritisismo ay lapatan nila ng sapat na
materyales at pananaliksikang mga ito. Ipinapayo din nya na sana
ay mas konkreto , at di lang barabara ang kritisismong
binibitawan.

22

You might also like