You are on page 1of 6

WIKA, KASARIAN AT SEKSWALIDAD

Lilia Quindoza-Santiago
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Sa aking sanaysay na "Diskursong Patriarkal sa Wika at Panitikang


Bayan," (Constantino at Atienza, 1996), pinansin ko na �ang mga
· · ·
katangian ng Fili ino at m a wika n
kasanan. Kapag sinuri natin ang lexicon ng mga wikang Filipino at mga wika
sa 1 1pinas, mapupunang una, ang mga noun o pangngalan lalo na kung
tunmtukoy sa mga bagay (hal. mesa), ay alan f ak na kasan Ang mga
pangngalan, halimbawa, sa Espanyol ay "la mesa", ibig sabihin, feminine o
"el nirio". ibig sabihin, masculine. Ang mga pangngalan na nagtatapos sa /a/
ay kadalasan ay feminine samantalang yaong nagtatapos sa lo/ ay masculine.
Sa Tagalog at mga wika sa Pilipinas ay walang ganitong gendering o
pagsasari. Halimbawa, ang makata o ang maglalako ay maaaring turnukoy sa
lalaki o babae. Ito ay maliban sa ilang pangngalan o noun na self­
explanatory, ibig sabihin. tukoy na agad ang kasarian sa bansag pa larnang,
i.e., ama, ina, binata, dalaga, inahin, kalakyan, tatyaw, mga bansag na
tumutukoy sa mga tao o hayop, etc. Ang mga panghalip o pronoun ay wala
ring tiyak na kasarian, at sa partikular, walang rnakikitang sexual bifurcation
o paghahati batay sa sex sa ikatlong panauhan kaya hindi natin pinoproblema
ang hehhe sapagkat simpleng siya (Tag) o isuna (Ilk) ang ating ginagarnit.
Ang ating Maykapal at Bathala ay Siya at hindi He.

Samakatwid, kung walang lexical na batayan ang gendering_ mas


bukas ang ating pambansang wika at rnga w1k:a ng bansa sa pagkakapantay ng
m a kasarian. -Puweden m rzvi ege o pmapa urang asanan kung
le on ang pagbabatayan. Puwede ring sabihing may sari-saring mga
kasarian sa bansa, isang katunayan kung bakit mayroon tayong mga generic
na termino para sa rnga taong may kakaibang kasarian bukod sa pagiging
babae at lalaki. Halimbawa nito ang bakla. Ang bakla o bayot ay _hindi
katu.mbas ng homosexual dahil isa itong pagsalabat ng kasarian (gender
crossing). Ang pagsalabat ng kasarian sa bakla ay isa nang partikularidad na
kultural at makikilatis din halimbawa sa pagkakaroon ng "paring babae" sa
katutubong pagsamba. Kung susuriin ang etymology ng paring babae tulad ng
nakamihasnang itawag sa mga taong nagsasagawa ng mga ritwal ng pag­
samba sa bundok Banahaw, mapapansin natin na ang katawagang ito ay pag­
salikop ng dalawang kasarian dahil ang pari, nagmula sa pater/padre ay
lalaki, pero ito ay naging babae sa paring babae. Kaugnay nito, ginagamit din
216 Wika, Kasarian at Sexwalidad

ng mga katutubong sekto ng pagsamba rito ang konsepto ng "haring babae"


na kung tutuusin, tulad ng paring babae ay isang pagsalabat ng kasarian.

Sa kasalukuyan may mga tinatawag namang "baklang babae". lbig


sabihin, hindi babae, hindi lalaki, hindi rin bakla na babae. Sa kasong ito,
nagmurnukhang may sariling sari na ang bakla dahil ginagamit na bilang
pang-uri ng babae at lalaki. Ang bakla sa kasong ito ay tila nabibigyan na ng
awtonomiya bilang kasarian dahil kung may baklang babae e di mayroon ding
baklang lalaki. Sa kanyang persona (baklang babae), mamamalas marahil
ang mga katangian ng pinaghalong babae/lalaki at pagiging babae.

Sa mga kasong ito ng pagsasalabat ng mga kasarian matutunton pa


natin ang maraming bansag sa mga babae at lalaki sa bansa na nagmumula sa
tunguhing magkahalo o mapaghalo ang iba't ibang katangian ng mga sari.
Halimbawa, ang pagtuya na ang isang lalaki ay isang "ander di saya" ay
isang paglalarawan ng pagsakop ng babae sa katauhan ng kanyang bana o
asawa. Ang ander di saya mangyari pa ay katawagang nauso lamang nang
durnating na sa atin ang Ingles dahil ang antler ay mula sa Ingles na "under"
na ang ibig sabihin ay sa ilalim. Kaya ito ay tumutukoy sa lalaking sakop ng
babaeng nakasaya. lsang pagtuya sa mga asawang lalaki na napaiilalim sa
kapangyarihan ng mga rnisis.

Matatawag na isa ring pagsalabat ng kasarian ang nangyayari sa


tomboy. Ito naman, pansinin natin ay tumutukoy sa babaeng-lalaki. Pansinin
na ang salitang tomboy, kahit pa coinage ito sa pagdurugtong ng "tom" at
''boy" sa katunayan ay hiram, ibig sabihin sumulpot din lamang ito nang
dumating din sa atin ang wika at kulturang anglo-saxon dahil ang tomboy ay
may deribasyon sa wikang Ingles. Pero tulad ng salitang bakla, ang tomboy
ay di rin katumbas ng homosexual. Hindi kasingkahulugan ito ng lesbian
pagkat ang tomboy tulad ng bakla ay mga katangian ng pagkalalaki ng isang
babae kahit na may_kasintahan o asawa ang babae.

Ang isa pang katibayang maipapanukala natin kung bakit walang


tiyak na kasarian o pagsasari sa ating wika ay ang katunayang marami tayong
terrninong masasabing gender neutral. Pambalaki ang itinawag dito ni Lope
K. Santos. Halimbawa nito ang mga salitang "kapatid" na ang pagkakilanlan
ay hindi brother o sister kundi kapatid, di tiyak ang sari. Ganito din ang
katayuan ng katawagang "anak" hindi son or daughter km1di anak na di-tiyak
ang sari. Mapupunang ang mga katawagang ito ang naging palasak na
bansag sa isa't isa ng mga kasapi ng Katipunan noong himagsikan sa pagta­
tapos ng nakaraang siglo. Sila'y mag-kakapatid ng mga anak ng bayan -
Quindoza-Santiago 217

pagbibigay-halaga na rin ito sa pagkakapantay ng mga kasarian at


pagkakaroon ng parehong responsibilidad ng mga babae, mga lalaki, maging
mga bayot at bakla sa ikagagaling ng bayan.

Bukod sa katawagang kapatid, pansinin natin ang iba't ibang


katawagan ng mga kasapi ng Katipunan batay sa kanilang designasyon sa
organisasyon - yaong mga ordinaryong kasapi ay katipon, yaong mga nasa
larangan ng labanan ay kawal at yaong mga pinuno ay bayani (Agoncillo at
Guerrero, 1973). Lahat ng designasyong ito mangyari pa ay puwedeng lalaki,
puwedeng babae at pinatitibayan ito ng pagkakaroon ng aktibong mga kasapi
ng Katipunan na mga babae at lalaki sa lahat ng antas ng kasapian.

Sa gayon masasabi natin na may malalim na ugat sa kalinangan at


kasaysayan ang kawalan ng tiyak na pagsasari ng mga pangngalan sa ating
wika.
Sa kontekstong linggwistikong ito kung gayon, maaaring suriin din
ang ilan sa mga asersiyon _ni Neil Garcia hinggil sa Gay Liberation Movement
sa Pilipinas. Sa kanyang libro (1996), iginigiit ni Garcia na walang Gay
Liberation Movement sa Pilipinas, maipapanukala na marahil, ang kawalan
ng Gay Liberation Movement sa Pilipinas ay ang katunayang hindi naman
totoong dumanas ng matinding diskriminasyon batay sa kanilang sari ang mga
bakla sa Pilipinas. Yan ay kung ang mga bakla ang siyang katumbas ng
tinatawag na gay, bagama't ang pasubali ni Neil Garcia ay hindi
magkapareho ang bakla at ang gay o homosexual. Ang bakla ay isang
katangian ng pagkababae, sang-ayon sa kanya at maaaring maraming bakla
ang may-asawa o heterosexual, di tulad ng homosexual na ang ninanasa ay
pakikipagrelasyon sa kabaro o kasari. Tungkol sa usapin ng mga bakla kung
gayon, isang nakikiliting larangan ng pananaliksik ang maaaring buksan sa
posibleng kaugnayan nila sa kapangyarihan ng mga prayle o pari sa Pilipinas.
May pangkasaysayang pinag-ugatan kaya ang kakaibang "lakas" o pag­
tanggap sa mga bakla sa pagkatanggap ng mga prayle bilang mga iginagala.ng
na. mga persona.lidad sa mga komunida.d. Pagka't kung tutuusin, ang mga.
prayle sa unang tingin ay mga lalaking nakabaro (nakasutana) at may buong
daigdig ng di berbal na signipikasyon · at simbolisasyon na nagpapa.liwanag sa.
katauhan ng prayle. Ang simbolikong pagpapakahulugang ito mangya.ri pa ay
pinanday na rin ng mga katutubo sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga
prayle. Pagkat para sa mga katutubo, maaaring hinalinhan ng mga. prayle ang
mga babaylan ng sinaunang panahon na. na.gsilbing lider ng ·mga ritwal pag­
samba. Ang mga babaylan, sa.ng-ayon na rin sa pananaliksik ng mga
historyador, ay ang kadalasang pumapasok sa katauhan ng baba.e o uma­
angkin ng katangian ng pagkababae upang manalangin o sumamba (Salazar,
218 Wika, Kasarian at Sexwalidad

1988). Pagdating ng mga prayle, naulit ang gayong asta ng pagsamba, iba
nga lamang ang relihiyon at kaayusang pulitikal na kinapalooban ng prayle at
ng babaylan. Pero, hindi malayo na dito natutunton din kung bakit tila, sa
kaayusang kolonyal, ay may pribilehiyo o nagmumukhang may espasyo para
sa mga bakla. Ang kanilang lakas o kapangyarihan ay maaaring mare­
reinforce dahil sa·pagtamo ng kapangyarihan ng mga prayle sa Pilipinas.

Dahilan sa ganitong lexical at kultural na mga partikularidad, may


rnga maaaring maggiit na hindi sexist and wikang Filipino at mga wika sa
Pilipinas. Dito ngayon may pagtatalo. Dahil sa kasalukuyang anyo at gamit
nito, lumilitaw na napakaraming sexist na manipestasyon ang wika at kultura
sa Pilipinas. Ito'y sa kadahilanang kahit palasak ang pag-iiba-iba ng mga
sari, kahit may sandigan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, ang
buong wika naman ay binubuo ng iba't ibang aspekto bukod sa mga
katawagan. Kahit mahalagang larangan ng wika ang lexicography, may
istruktura rin ito na may mapagpasiyang kahalagahan din. Bukod dito, may
isang buong kaban ng pagpapakahulugan, may kasaysayan, may diskurso at
semantiks at hermenyutiks na mahuhukay sa pinagdaanan nitong kasaysayan,
isang kasaysayan na nakaugat sa kasaysayan ng lipunang gumagamit at
nagsasalita nito. Pumapanday din ang kasaysayan ng gamit ng wika ng isang
kamalayan na nag-uukit ng pag-iiba at sa kalaunan ay pagpapabor sa iisang
kasarian, na sa puntong ito ay ang lalaki.

Dahil sa kasaysayan ng pagkasakop, ang wikang ambansa _ay


nalahian/nalahiran ng pagsasari na may bias o kiling sa lalaki at patriarkal na
diskurso. Ang manggagamot, nang ito ay isalin ayon sa impluwensya ng wika
at kultura ng mananakop ay naging doktor, ang manananggol ay naging
abogado, at ang mamamayan ng bansa ay Pilipino. Kung mga babae ang
tinutukoy sa mga pangngalang ito, kailangang gawing doktora/
abogada/Pilipina. Dahil sa pagsasari na ito, higit na ginamit ang mapang­ r
sakop na doktor, para sa propesyon ng panggagamot at kung ang nagsa­
sagawa nito ay babae, kinailangang gawing /a/ ang huling letra para matiyak
na babae ang tinutukoy. Samakatwid, ang gendering, maipanunukala, ay isa
ring malalim na pagtagos ng kulturang dayuhan sa kalinangang katutubo.

Ang ganitong gendering sa wika ay hindi lamang_J}aglagda ng


pagbabagd sa kaayusang linggwistika. Tulad n aticLnating lahat� an_g
anumang pagbabagong linggwistika ay naglalagda o nakikintal ng malalim na
pagbabago sa estilo ng pamumuhay at sensibilidad. lbig sabihin, hindi
lamang simpleng linggwistikang pagbabago ang naganap nang mas maging
palasak ang salitang doktor kaysa manggagamot. Nalahian na tayo ng
Quindoza-Santiago 219

Espanyo at Amerikano ka nakalimbag na rin sa ating kamalayan at mga


texto ng ating panitikan/panitikang bayan, ang 1sangananaw na misogynous,
1g sabihi'y may pagkiling sa iisang kasarian. Ang agkap�ik ng ba ae
sa usapin ng gendering sa larangan. ng wika ay tumagos sa larangan ng
panirikan, sa larangan ng kultura at pamumuhay.

Ang ga ka atahimik (silencing) ng babae sa puntong pangwika ay


_ higit na pinasidhi ng nangyaring kolonyal, piyudal at patriarkal na kaayusan.
Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol halimbawa, nagtakda ng mga koda
ng mabuting gawi at asal para sa mga babae ng mga lalaki at ang mga kodang
ito ay hindi galing sa mga babae mismo kundi sa mga prayleng lalaki o bakla.
Nagkaroon din ng idealisasyon sa kasarian ng babae (Santiago, 1997).
Tingnan ang mga halimbawa ng mga pagtatakda ng kagandahang asal at
mabuting gawi, sa Urbana at Felisa na sinulat ni Padre Modesto Castro at
ang mga larawan ng pagpapakasakit at pagkamartir sa iba't ibang pasyon, at
ang pagsasapedestal o pagtatanghal ng ikon ng kadalisayan sa pag-ibig sa
Jocelyn, ang Baliwag, etc. Ang mga textong ito ay naglimbag ng napakalalim
na epekto sa sexwalidad ng kababaihan sa Pilipinas.

PapaanoJJatio babagubin kung gayon ang kasaluku - ang sexist na-


pagkiling ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas? Una, hindi rin lamang
mguzstic ang kinakailangang gawing pagbabago, i.e., pagpapanumbalik at
pagpapatingkad sa mga katawagang walang gendering o nyutral (ha. kapatid,
kabsat, etsetera), kailangan mas panlipunan ang pagbabago upang tumagos sa
mga gawi at kaugaliang kultural. Ibig sabihin, hindi na natin puwedeng
tanggalin sa bokadura ang pagkakaroon ng mga salitang abogado/a o
doktor/a, pero puwede nating sikaping igiit sa praktika na may pantay na
kagalingan ang doktor na lalaki at doktor na babae. Pangalawa kung gayon,
masidhi ang pangangailangan ng pagbabago ng mga istrukturang ganlipunan
• at mababago o maaaring mabago ang mga ito sa paglulunsad ng mga kilusan
na siyang liligalig sa ating kamalayan. Dito gumaganap ng mahalagang papel
pwa ang kilusang feminista at kilusang mapagpalaya ng bansa.

BIBLIYOGRAPI

Agoncillo, Teodoro and Milagros Guerrero. A History of the Filipino


People. Manila: National Bookstore, 1973.

Constantino, Pamela at Monico Atienza. Mga Piliping Diskurso sa Wika at


Lipunan. Quezon City: U.P. Press, 1996.

- �---
-- -- -- -
-
220 Wika, Kasarian at Sexwalidad

Garcia, J. Neil C. Philippine Gay Culture: The Last 30 Years. Quezon


City: U.P. Press, 1996.

Santiago, Lilia Quindoza. Sa Ngalan ng Ina: Sandaang Taon ng Tulang


Feminista sa Pilipinas. Quezon City: U.P. Press, 1997.

Santos, Lope K. Balarila ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng


Wikang Pambansa, 1956.

Salazar, Zeus. "Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas." Women's Role


in Philippine History. Quezon City: University Center for Women's
Studies (UPCWC), 1989.

You might also like