You are on page 1of 12

Alfachino Santiago 2017-89953

FIL 180 Prop. Wilfreda Legaspi

Ang Pagsasalin ng Tomboy at Beki sa Kuwentong Pambata

Ang usapin patungkol sa larangan ng kasarian at sekswalidad ay hindi

mapagkakailang bata pa. Sa katatunayan nga, patuloy ang pag-aaral at pagsasaliksik

hinggil sa pag-iral ng iba’t ibang pag-ibig, ekspresyon at identidad. Marahil, ang mga pag-

aaral at mga teksto na ginagamit sa Pilipinas upang suriin ang kasarian at sekswalidad ay

nakaangkla sa mga teorya at pag-aaral ng kanluraning perkspektiba at kultura. Sa isang

banda, kailangan ito sapagkat kulang pa ang ating mga pananaliksik hinggil kasarian at

sekswalidad, ngunit, dapat ding isaalang-alang na magkaiba ang lipunang tinitirhan ng mga

LGBTQ+ sa Pilipinas at sa kanluraning bansa na siyang magbibigay ng magkaibang mga

panulat at terminong pangkasarian at pangsekswalidad. Kaya naman hindi rin mapipigilan

ang pag-usbong ng mga usapin hinggil sa komunidad ng LGBTQ+ sa pamamagitan ng

iba’t ibang pamamaraan tulad ng diskursong pang-akademiko, pelikula, at sining

pangteatro. Isa ang panitikan sa mga pamamaraan upang palaganapin ang diskuro ng

LGBTQ+ sa Pilipinas. Isa pa sa mga dahilan kung bakit patuloy na pinag-aaralan at

isinusulat ang mga karanasan ng komunidad ng LGBTQ+ ay dahil na rin mayroong iba’t

ibang klasipikasyong pangkasarian at pangsekswal ang umiiral na nakapaloob dito.

Bagaman ang usapin ng kasarian at sekswalidad ay iniiwasan madalas bilang ang pagtingin

dito ay isa pa ring taboo, hindi pa rin natigil ng mga konserbatibo na lumabas ang usapin
na ito sa “lahat” ng uri at genre ng panitikan – kasama na rito ang mga panitikan at

kuwentong pambata. Kaya naman umusbong ang mga manunulat na sila Bernadette

Villanueva Neri, Rhandee Garlitos at Eugene Evasco para ipakita at ipaintindi sa

pamamagitan ng panitikan ang karanasan na dinaranas ng sektor na ito ng lipunan; at

siyempre kasama rito ang mga kabataan. Ang patunay na ang Pilipinas ay kulang pa at

nangangailangan pa ng maraming pag-aaral hinggil sa kasarian at sekswalidad ay makikita

at lumalabas sa mga pagsasalin ng mga akdang mayroong temang LGBTQ+. Kaya naman

sumuri ang papel na ito ng tatlong pagsasalin ng pambatang panitikan mula sa Filipino

patungong Ingles, na may temang LGBTQ+, upang ipaghambing ang mga terminong

umiiral sa kultura ng kasarian at sekswalidad sa Filipino sa mga terminong umiiral sa

kultura ng kasarian at sekswalidad sa Ingles upang patunayan na hindi magkapareho ang

konsepto ng kasarian at sekswalidad sa Pilipinas at mga bansang nasa kanluranin. At upang

patunayan na ang usaping LGBTQ+ ay walang pinipiling edad upang ipaintindi ang

kahalagahan ng pag-ibig, ekspresyon at identidad.

Ang Kuwentong Pambata sa Pilipinas

Ayon kay Aguila, malawak at hindi makukulong sa kahon ang depinisyon ng

kuwentong pambata. Ang pinakamalawak na depinisyon ng kuwentong pambata ay mga

kuwentong tinatangkilik at binabasa ng mga batang nasa edad na labingdalawa pababa.

Ngunit, sa patuloy na paglaganap ng kuwentong pambata, ang kahulugang ito ay

nakukulong lamang sa mambabasa. Kaya naman ang kuwentong pambata ay binigyan ng


ibang kahulugan ni Aguila kung saan kasama ang tema, paraan nang pagkakasulat,

mambabasa at adbokasiyang nakapaloob dito. Maitutuin pa ring kuwentong pambata ang

mga kuwentong pangunahing tauhan ang bata na nakasulat sa paraang madaling

maintindihan ng mga bata at matatanda na ay bitbit na tindig hinggil sa iba’t ibang isyung

umiiral sa lipunan (178-179).

Sa panitikan ng Pilipinas, ang kuwentong pambata ay mayroong nakakapukaw ng

pansing oryentasyon dahil ito ay palaging may nakaakibat na Ingles na Salin. Karamihan

ng nalathalang kuwentong pambata sa Pilipinas ay nakasulat sa bilingual na oryentasyon

at mayroong tatak na “a book in two languages.” Kaya naman ang akda ni Neri na Ang

Ikaklit sa Aming Hardin ay mayroong nakasaklaw na “Ikaklit in our Garden;” ang akda

naman ni Garlitos na Ang Bonggang Bonggang Batang Beki ay mayroong nakasaklaw na

“The Fierce and Fabulous Boy in Pink;” at ang akda naman ni Evasco na Ang Tatay ni

Klara ay mayroong nakasaknong na “Klara’s Father.” Sa isang negatibong pagtingin, ito

ay lubos na nakapupukaw ng pansin sapagkat ito ay isang manipestasyon ng mala-kolonyal

na pag-iisip ng mga Pilipino kung saan tinitingala ang Ingles bilang wika ng akademya,

burgesya at edukado. Isa rin itong imahe ng hindi pagtangkilik ng mga Pilipino ng sarili

nilang wika.

Sa mas positibo namang pagtingin, masasabi ang oryentasyong ito ng kuwentong

pambata ay nabuo hinggil sa pagpapabilis nang pagkakatuto ng mga kabataan sa wikang

Ingles sa kaganapang pang-internasyonal na Lingua Franca ito. Bahagi rin ng curriculum


ng mababang paaralan ang pag-aaral ng Ingles at magandang daan ang kuwentong pambata

at panitikan tungo sa matatag na literacy ng mga mag-aaral.

Mahalaga ring mapag-aralan ang mga kuwentong pambata ng iba’t ibang bansa

upang sa murang edad ay mabuo na ang pag-iisip sa kabataan na mayroong ibang

nasyoonalidad at kultura na umiiral sa labas ng Pilipinas. Isa pa ay ang maagang

pagkamulat hinggil sa pagkakaiba at pagpapahalaga ng iba’t ibang uri ng kultura. Kaya

naman mahalagang maisalin ang mga kuwentong pambata dahil, sabi ng ni Aguila, ay

mayroon itong dalawang entertainment at lesson na siyang kailangan ng bata sa kaniyang

paglaki tungo sa pagpapaigting ng kaniyang pag-unawa at pag-intindi (178).

Ang Usapin ng Kasarian at Sekswalidad sa Pilipinas

Mayroong iba’t ibang terminong umiiral sa Pilipinas na nakapaloob sa usapin ng

kasarian at sekswalidad. Sa katunayan nga mayroong buong disertasyon si J. Neil Garcia

hinggil dito. At ayon sa kaniyang librong Philippine Gay Culture ang mga salitang

Tomboy, Lesbiyana at Tibo ay magkakaiba. Bagamat nagkakapareha minsan ng paggamit

ngunit ito ay mayroong magkakaibang mga kahulugan. Ang salitang Tomboy ay binigyan

ng diksyunaryo ng kahulugan na isang babaeng kilos o gumagalaw ng parang isang lalaki.

Bagkus, ang Tomboy ay isang babae na kumikilos ng parang lalaki o kumikilos ng parang

lalaki na may gusto sa lalaki o kapuwa babae (Garcia 63). Ang Lesbiyana naman ay

binaybay na salitang Ingles na Lesbian kung saan ang kahulugan nito ay isang babae na

nagkakagusto sa kapuwa babae (63). Kung ganoon, malinaw na malinaw na ang salitang
Lesbiyana ang umbrella term upang ipakilala ang mga babaeng nagkakagusto sa kapuwa

babae. Bagkus ito ay isang uri ng Sexual Orientation na nakapaloob sa uri ng

Homosexuality. Sa kabilang banda naman, Tomboy ay uri ng Gender Expression kung saan

ito ay mga babaeng nagkakagusto sa babae na nagdadamit babae na kumikilos ng parang

lalaki. Mayroon pang iba’t ibang uri ng Gender Expression, ngunit sa Pilipinas, ang

Tomboy ay ang siyang madalas na gamitin.

Ayon pa rin kay Garcia, ang mga salitang Bakla, Beki at Binabae ay nagkakapareha

ng gamit ngunit magkakaiba ang kahulugan. Ang salitang Bakla ay isang lalaking

nagkakagusto sa lalaki. Bagkus ito ay uri ng Sexual Orientation na nakapaloob sa uri ng

Homosexuality. Ang Beki naman ay uri ng Gender Expression na ang kahulugan ay

lalaking nagkakagusto sa lalaki na kumikilos ng parang babae. Ang binabae naman ay

lalaki na maaaring nagkakagusto sa lalaki na nagdadamit babae na kumikilos ng parang

babae. Ito ay hindi na uri ng Gender Expression, bagkus ito ay uri na ng Gender Identity

(39 – 81).

Totoong napakaraming termino ang nakapaloob sa usapin ng kasarian at

sekswalidad sa Pilipinas; at iilan lamang ito. Ngunit, hindi dapat ito lubos na inihahambing

sa mga termino ng kanluraning pagtanaw sa kasarian at sekswalidad sapagkat magkakaiba

ito. Madalas isalin ang salitang Bakla sa salitang Ingles na Gay. Ang salitang Tomboy

naman ay madalas na isinasalin bilang isang Lesbian. Ang Tibo naman, na pinaiksing

termino lamang ng Tomboy, ay inihahalintulad sa Dyke ng kanluraning perspektiba. Kaya

naman nang nalathala ang mga kuwentong pambata nina Neri, Garlitos at Evasco na
mayroong kalakip na pagsasalin, totoo ngang nakapupukaw ng pansin kung paano isinalin

ang mga terminong ito.

Ang Pagsasalin ng mga Terminong Tomboy at Beki sa Ingles

Isa sa mga kailangang isaalang-alang sa tuwing magsasalin ay ang mga kultural na

aspeto ng mga salita. Kung ang isang salita sa source language (SL) ay mayroong

katumbas na salita sa target language (TL) dapat itong gamitin kung ito ay pasok sa

konteksto. Kung mahirap makahanap ng katumbas na salita mula sa SL papuntang TL

dapat gamitin ang pinakamalapit na salin nito sapagkat kung mayroong naman itong

katumbas na gawain sa kultura ng TL, maaari itong gamitin (halimbawa rito ang salitang

cake kung saan minsan ginagamit ang bibingka at puto upang maisalin ang salitang ito sa

Filipino; minsan naman at pinapanatili ito sapagkat nakasanayan nang gamitin ang salitang

cake sa Pilipinas). Kung mahirap talagang maisalin ang salita ay maaring panatilihin ito sa

translated text at lagyan ng footnotes o glossary sa hulian na mayroong kaakibat na

pagpapaliwanag at pagbibigay kahulugan ng salita (Coroza “Ang Pampanitikan sa

Pagsasalin”)

Ang Ikaklit sa Aming Hardin

Ang Ikaklit sa Aming Hardin ay isang kuwentong pambata na isinulat ni Bernadette

Villanueva Neri kung saan ang kuwento ay nakatuon sa pamilya na mayroong dalawang
ina na isinalaysay sa pamamagitan ng perspektiba ng isang batang babae. Ang pagtahak sa

pamilyang LGBTQ ay panibagong ambag sa naratibo ng kuwentong pambata. Ito ay

isinalin sa Ingles ni Jennifer del Rosario-Malonzo. Sa kuwentong ito, ang batang babae na

si Ikaklit ay mayroong mga Tomboy na mga magulang. Hindi tulad ng Tomboy na

nagsusuot ng damit panlalaki ang dalawang Ina ni Ikaklit. Bagkus, babaeng babae ito kung

manamit. Sa pagsasalin ni Rosario-Malonzo, ang salitang Tomboy ay ipinanatili niya sa

Ingles na salin sa dalawang pagkakataon. Una ay nang kinukutya si Ikaklit ng kaniyang

mga kamag-aral:

Wala akong naisagot. Noon lang kasi ako I didn’t have any answer. It was only then

napaisip kung bakit dalawang nanay ang that I began to think why I have two

aking mga magulang. Hindi ko rin alam mothers for parents. I also don’t know why

kung bakit wala akong tatay. At lalong I have no father. And most of all I don’t

hindi ko alam kung kailangan kong know if I needed to have one. My

magkaroon nito. Tinukso ako g mga classmates teased me.

kaklase ko.

“Siguro tomboy ang mga nanay mo!” (Neri “Maybe your mothers are tomboys!” (Neri

10) 10)

Pig 1.

Makikita naman na isinaalang-alang ng tagasalin ang konteksto nang kasulukuyang

nangyayari sa kuwento. Hindi isinalin ang Tomboy sa pinakamalapit na salin nito sa Ingles

(Lesbian) dahil ang salita ay nakapaloob sa isang diyalogo. At dahil kultural ang salitang
ito at sa maraming taon ay inari na ito ng Filipino, naging bahagi na ito ng pantukoy ng

mga babaeng nagkakagusto sa babae. Ngunit sa isa pang pagkakataong ginamit ang

salitang tomboy, wala na ito sa loob ng diyalogo.

Gusto ko sanang isumbong ang panloloko I wanted to tell them how my classmates

sa akin ng mga kaklase ko. Gusro kong made fun of me. I wanted to tell them I

sabihing umiyak ako sa paaralan dahil sa cried in school because of the teasing. I

mga panunukso nila. Gusto kong itanong wanted to ask what “tomboy” means and

kung ano ang “tomboy” at kung bakit ayaw why my taunting classmates didn’t like it

ito ng mga nanunutil kong kaklase (Neri (Neri 15)

15)

Pig 2.

Hindi pa rin isinalin ni Rosario-Malonzo ang salitang tomboy sa pinakamalapit

nitong termino sa ingles. Ito ay sa kadahilanang ang konsepto ng tomboy sa Pilipinas ay

iba sa konsepto ng Lesbian at Tomboy sa Ingles. Tulad nga nang nabanggit kanina, ang

Tomboy sa Ingles ay isang babae na kumikilos ng parang lalaki. Ang salitang Tomboy sa

kuwento ay binigyang kahulugan ng may-akda bilang babae, nagdadamit at kumikilos na

parang babae, na nagkakagusto o mayroong karelasyon na babae. Kung tutuusin ito ay

papasok sa Lesbian na depinisyon ngunit ang depinisyon ng Lesbian ay napakalawak na

ang tiyak na pagpapakahulugan ng may-akda sa tomboy ay maaaring mabigyan ng ibang

kahulugan.
At kahit pa madalas na pinaghahambing ang salitang Tomboy sa ing ang salitang

Tomboy sa Dyke sa Ingles, hindi pa rin ito ginamit ni Rosario-Malonzo sapagkat, una)

maaaring mabago ang konteskto; at pangalawa) magkaibang magkaiba ang kahulugan ng

dalawa dahil na rin sa kulturang gumagamit sa kanila.

Kultura at konteksto pa rin ang kailangang isaalang-alang sa pagsasalin ng mga

terminong pangkasarian at pangsekswalidad. Kahit pa ito ay kuwentong pambata,

matapang na inilagay it inilathala pa rin ito ng may-akda at tagapagsalin sapagakat ang

unang layunin ng akdang ito ay ipakita at ipaintindi na mayroong iba’t ibang uri ng

pamilya. Tomboy man ang mga magulang ni Ikaklit, pamilya pa ring maituturin ito

sapagkat ang pamilya, ayon nga kay Neri, ay lugar ng pagmamahal at pag-aaruga (1).

Ang Bonggang Bonggang Batang Beki at Ang Tatay ni Klara

Ang Bonggang Bonggang Batang Beki ni Rhandee Garlitos at ang Tatay ni Klara

ay parehong tumatalakay sa karanasan ng Bakla. Ang naunang kuwento ay nakasentro sa

batang bakla at ang ikalawa naman ay naksentro sa baklang mayroon sariling anak. Sa mga

kuwentong ito ang batang si Adel ay hindi umaastang parang lalaki. Sa katunayan nga siya

ay mahinhin, manipis ang mga labi, at mahilig gumawa ng gawaing bahay. Baklang

maituturing ang bata ngunit pinili ng may-akda, na siya ring tagasalin na, isalin ang salitang

Beki sa pamamagitan ng paboritong kulay ni Adel – ang kulay pink. Kaya naman ang salin

sa Ingles ng pamagat ng Ang Bonggang Bonggang Batang Beki ay “The Fierce and

Fabulous Boy in Pink!” Napagpasyahan ito ng may-akda dahil na rin sa walang katumbas

na salita ang Beki sa Ingles. Ang salitang Bakla naman ay masyadong malawak ang
depinisyon sapagkat isa sa mga pangunahing kahulugan nito at lalaking nagkakagusto sa

kapuwa lalaki. Walang pangyayari sa kuwento kung saan nagkaroon ng pagtingin si Adel

sa kapuwa lalaki. Sadyang parang babae lang siyang gumalaw at magdamit. Ang salitang

Transgender ang pinakamalapit na salin ngunit ang salitang ito ay mayroong kahulugang

“Self-identified as woman.” Si Adel ay walang binanggit sa kuwento na kinikilala niya ang

sarili niya bilang isang babae. Ganito rin ang kaso sa ang tatay ni Klara. Sapagkat Tatay

ang ayroon si Klara ngunit hindi ito nagtratrabaho ng panglalaking mga gawain.

Isa pang dahilan kung bakit pink ang salin ni Garlitos sa salitang beki, ang kulay na

pink ay siyang kulay na madalas na ginagamit ng mga bakla sa katunayan nga ito ang kulay

ng simbolo ng kabaklaan. Hindi rin ginamit ni Garlitos ang salitang Gay sapagkat ito ay

mayroong dalawang kahulugan sa Ingles na hindi katangian ni Adel. Una ay ang salitang

Gay ay ginagamit sa mga lalaking umaastang lalaki ngunit nagkakagusto sa kapuwa lalaki.

At ikalawa ang salitang gay ay isang umbrella term na tumutukoy sa parehong babaeng

nagkakagusto sa babae at lalaking nagkakagusto sa lalaki. Muli, walang bahagi sa kuwento

kung saan sinabi o ipinakit ni Adel na siya ay nagkakagusto sa kapuwa niya lalaki. Ngunit

malinaw na siya ay lalaki (biologically) sapagkat my brother Adel (Garlitos 1) ang tawag

sa kaniya ng kaniyang kapatid sa Ingles na salin ng “Kapatid kong si Adel” (1).


Pagtatapos

Mahalagang maisalin ang mga kuwentong pambata sapagkat ito ay panitikan ng

mga nasa murang edad pa lamang. Ang mga kuwentong ito ay nag-aaliw at aral para sa

kahit sinong babasa nito. Lalo na’t umusbong na ang mga akda nina Neri, Garlitos at

Evasco na tumatalakay sa kasarian, sekswalidad at mga makabagong pagtingin sa pamilya

na kabataan ang pangunahing makikinabang ng mga ito. Ngunit dapat maging maingat ang

tagasalin sa pagsasalin ng mga akdang tumatalakay ng kasarian at sekswalidad sapagkat

baka makulong ito sa heteronormatibong pananaw kung saan dalawa lang ang uri ng

sekswalidad na umiiral sa mundo kaya naman kung ang babae ay ayaw maging babae,

tiyak na lalaki agad ang aastahin niya at kapuwa babae agad ang hahanapin niyang mahalin

(vice versa). Palaging isaalang-alang ang kultura at konteksto ng SL sapagakat ito ang

mahalang masalin at lumitaw sa translated text.

Totoo ngang hindi magkapareho ang konseptop ng kasarian at sekswalidad sa

Pilipinas at kanluraning mga bansa sapagkat ang mga salitang Tomboy at Beki at walang

tumpak at iisang kahulugan sa salitang Ingles. Isang dahilan ang pagkakaiba ng kultura at

siyempre ang pagkakaiba ng nakaraan at kasaysayan ng dalawang panig. Ngunit hindi

dapat magtunggali ang mga konseptong ito, bagkus ay magtulungan na punan ang mga

pagkukulang ng bawat konsepto. Kunin ang hindi makasisisra at itabi ang hindi naman

kailangan.
Sanggunian

Aguila, Christine Joy. "Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at

Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa

Panitikan." The Normal Lights, Volume 11, No. 1 (2017): 176 - 197. PDF.

Coroza, Michael. Ang Pampanitikan Sa Pagsasalin. Unknown, 3 May 2019. PDF.

Garcia, J. Neil. Philippine Gay Culture: Binabae to Bakla, Silahis to MSM. Hong Kong:

Hong Kong University Press, 2009. Book.

Garlitos, Rhandee. Ang Bonggang Bonggang Batang Beki. Manila: Vibal Group

Publishing House - LG&M Corporation, 2013. Book.

Neri, Bernadette Villanueva. Ang Ikaklit sa Aming Hardin. Nuvali: Pumplepie Books,

2012. Book.

You might also like