You are on page 1of 16

WIKA AT USAPING

PANLIPUNIN
Taga-ulat:
Rannel Tulin Hingabay
• Wika, Kasarian at Seksuwaledad
• Wika at Panlipunang
Katarungan
• Wika at Kolunyalismo
Ang Pagkakaugnayan ng Wika at
Lipunan
• Lipunan
- Malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set
ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang
tiyak na teritoryo at itinuturing ang sarili bilang yunit.

• Wika
- Instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng
lipunang ito sa pakikipag-ugnayan nila sa isa’t-isa.
Wika, Kasarian at
Seksuwalidad
Sa sanaysay ni Santiago sa “Diskursong
Partiarkal sa Wika at Panitikang Bayan,”
(Constantino at Atienza, 1996), pinansin niya ang
ilang katangian ng Filipino at mga wika sa
Pilipinas kaugnay ng usapin ng kasarian. Sa
wikang Espanyol ang mga pangngalang nagtatapos
sa /a/ ay kadalasang feminine samantalang ang
nagtatapos naman sa/o/ ay masculine.
• Ang mga wika sa Pilipinas ay walang gendering o
pagsasari maliban sa ilang pangngalan o noun na self-
explainatory.
Hal. Ama, ina, binata, dalaga

• Ang mga panghalip o pronoun ay wala ring tiyak na


kasarian, at sa partikular ay walang makikitang sexual
biturcation o paghahati batay sa sex sa ikatlong
panauhan kaya’t hindi natin pinoproblema ang he or
she sapagkat sampleng siya ang ating ginagamit.
Samakatuwing, kung walang lexical na batayan ang
gendering, mas bukas ang ating pambansang wika at mga
wika ng bansa sa pagkakapantay ng mga kasarian.

Ang isa pang katibayang maipapanukala natin kung bakit


walang tiyak na kasarian o pagsasari sa ating wika ay ang
katunayang marami tayong terminong masasabing
gender neutral.
Kapatid- na ang pagkakakilanlan ay hindi
brother o sister kundi kapatid, di-tiyak ang sari.

Anak- hindi son o daughter kundi anak na di-


tiyak ang sari.
Dahil sa kasaysayan ng pagkasakop, ang wikang
Pambansa ay nalahian ng pagsasari na may bias o
kiling sa lalaki at patriarkal na diskurso.

manggagamot, doctor, abogado, Pilipino


Ang ganitong gendering sa wika ay hindi lamang
naglalagda ng pagbabago sa kaayusang
linggwistika. Tulad ng batid nating lahat, ang
anumang pagbabagong linggwistika ay
naglalagda ng malalim na pagbabago sa estilo ng
pamumuhay at sensibilidad.
Ang pagkapatahimik (silencing) ng babae sa
puntong pangwika ay higit na pinasidhi ng
nangyaring kolonyal, piyudal at patriarkal na
kaayusan.
Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
halimbawa, nagtakda ng mga koda ng mga
mabuting gawi at asal para sa mga babae ng mga
lalaki at ang mga kodang ito ay hindi galing sa mga
babae kundi sa mga lalaking prayle.
Wika at Panlipunang
Katarungan
Sa Pilipinas iba ang pagpapakahulugan ng hustisya sa
sarili nating konsepto na kung saan ang hustisya para
sa atin ay katarungan.

Ang tarong sa salitang ugat ay nagmula sa Viyasas


region, kung titignan natin sa Tagalog region ang
pinakamalapit na konsepto natin ay ang tuwid o
katwiran.
Ang pagmamanipula sa mga tao ay maaaring
maabot sa pamamagitan ng wika. Mababakas sa
kasaysayan kung paano ginamit ng mga kastila at
amerikano ang wika upang sakupin ang sensibilidad
at kamalayan ng mga katutubo.
Pinagkait ng mga kastila ang kanilang wika sa mga
Pilipino at sa halip isinalin sa mga katutubong wika
ang mga dasal. Wika mismo natin ang naging daan
upang sakupin ang ating kaisipan at yakapin ang
pananampalataya ng mga mananakop.
Malaki ang tungkulin ng wika sa panahong
kailangan ng pagbabago. Kung gagamitin ang mga
wika sa Pilipinas sa mga akademikong diskurso at sa
iba pang mga institusyon sa ating lipunan, magiging
ahensya ito sa pagsusulong ng pagkakapantay-
pantay ng kasarian at mga uri sa Lipunan upang
makamtan ang panlipunang katarungan.
Wika at Kolunyalismo
Ayon kay David (1988), mabisang sandata ng kolonyalismo
ang wika. Ang pananakop sa pamamagitan ng wika ay
pangmatagalan at nanunuot sa kamalayan ng bayan. Ginamit ng
mga social institution ang wika para isulong ang kolonyalismo
kaya nagiging lalong makapangyarihan, sestimik at malawakan.
Inaangat ang wika at kultura ng mananakop samantalang
binansagang subaltern ang wikang katutubo.
Sa ganitong lente rin sinuri ni Paz (1996) ang kalagayan at
pagturing sa wikang Filipino. Naging magkaiba ang sitwasyon
ng wikang katutubo at wikang Ingles.
Ang wika ay sumasalamin sa hindi pagkakapantay-
pantay sa lipunan. Maliwanag na maaaring
manipulahin ang wika upang sakupin ang
kamalayan ng mga pilipino at hubugin ang ating
mga pananaw tungkol sa kasarian at iba pang mga
usaping panlipunan. Kinasangkapan ito ng mga
mananakop upang iangat ang wika nila at
palawakin ang pagitan ng mga naghaharing-uri at
ng mga karaniwang pilipino.
WAKAS!

You might also like