You are on page 1of 6

CRUZ, DHAN PATRICK S.

ARALING PILIPINO
BSED 1C Bb. MARIETTA CANDELARIO
NOBYEMBRE 28, 2018

A. Varayti at Baryasyon ng Wika: Historya, Teorya at Practika

Nilalaman

Ang babasahing ito ay isinulat ni Pamela Constantino, kung saan ay tumutukoy sa

varayti at baryasyon ng wika. Madaming katangian at uri ang wika at sa bawat varayti ng

wika ay may pagkakaiba-iba ang mga yaon at mayroon ding katangian ito na

nakapagbubuklod o nakapag-iisa. Nagkaroon ng baryasyon ng wika dahil sa baryasyon

ng teorya, historya.

Layunin

 Ipabatid sa mambabasa ang kahalagahan ng varayti at baryasyon nito.

 Ipabatid ang pagkakaroon ng baryasyon ng wika.

Natutuhan

Aking nabatid ang mga varayti at baryasyon ng wika, ang mga teorya historya na

nakapaloob sa akdang ito, isang halimbawa sa teorya ay ang binanggit ng isang pilosopo

na ang wika ay isang panlipunang bagay samantala ang salita o lenggwahe naman ay

pang-indibidwal subalit kung ito'y pawang magkapareha lamang.


Reaksyon

Wika, maraming baryasyon pero kakayanin natin matutunan kung ating

isasapuso. Ang wika ay hindi pang-isahang baryasyon lang maaari itong maging marami

at ang ating tanging kailangan ay tanggapin ito palaguin pa.

Aksyon

Ako o aking gagawin kung ano ang nararapat at hindi ako magbubulagbulagan sa

kung anong mga kaalaman ang aking nahinuha at natuklasan sa babasahing ito aking

pananatilihin sa aking kaisipan ang mga bagay na iyon at hindi lang itatago kundi

palalaguin.

B. Gay Lingo: Pagsusuri ng “Lenggwahe” sa Dekada Nobenta

Nilalaman

Alam naman natin na sa kasalukuyang panahon, ang “third sex” kung tawagin ay

umuusbong sa ating kapaligiran. At ang teksto o babasahing ito ay nakatuon sa mga

“bakla”, ipinapakita sa akdang ito ang salita ng mga bakla ang “Gay Lingo” isa ito sa

ginagamit ng mga tinatawag na mga bakla sa pakikipag-usap sa mga katulad at hindi lang

bakla kundi karamihan ngayon.

Layunin

 Maipakita ang mga bagay patungkol sa Gay Lingo.

 Magbigay o magdagdag kaalaman sa mga lenggwahe noong dekada nobenta.


Natutuhan

Gaylingo, ano mga ba ito? Natutunan ko na ang Gay Lingo ay isang lenggwahe

na lumitaw o umusbong noong dekada nobenta dahil sa aking akala ay lumitaw ito

ngayong ika-dalawang siglo.

Reaksyon

Bakla, mga dapat respetuhin gaya natin kailangan ng bawat isang tao ang

pagrespeto at ganun din sila. Gay lingo, mga salita o lenggwahe na kailangan din ng

respeto dahil bawat isa ay may paniniwala.

Aksyon

Bilang mamamayan, hindi ko tatalugsahin ang sarili nilang mga paniniwala

hahayaan ko sila na paniwalaan ang kung anong mayroon sila at itutuon ko ang isip ko sa

kung ano ang pinaniniwalaan ko.

C. Ugnayan ng Wika at Ideolohiya: Ang Paglalarawan sa Rehistro mg mga Magsasaka

sa Bulacan.

Nilalaman

Ang babasahing ito ay tumutukoy sa iisang bagay, ang wika. Ayon sa may-akda

ang wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad ng mga nagsasalita nito.

Naglalaman din ang akdang ito ng mga impormasyon patungkol sa wika tulad ng

tinatawag na "speech community" na nangangahulugang mga grupo ng tao na gumagamit

ng iisa o tiyak na wika; at "rehistro ng wika" na kung saan ay nangangahulugang salitang


ginagamit ng mga grupo ng tao ayon sa okupasyon o propesyong meron sila at dito

nagtuon ng pansin ang may-akda.

Layunin

 Nais ng may-akda na ipabatid ang mga bagay tulad ng speech community at

rehistro ng wika.

 Nais ng may-akda na palawigin ang kaalaman ng mga babasa nito.

 Pagbibigay kaalaman tungkol sa mga salitang ginagamit ng bawat grupo ng tao.

Natutuhan

Sa babasahing ito aking nahinuha ang pagkakaroon ng karagdagang kaalaman

tungkol sa mga salitang ginagamit mg bawat indibiwal at bawat indibidwal ay may

pagkakaiba iba sa bawat isa sa paraan ng kanilang pagsasalita at ang pinakamahalagang

kaalaman na aking nahinuha ay kahit anong propesyon o okupasyon mayroon ka

mahalaga ka dahil kahit ano ka man may parte ka ng pagiging isang bansa.

Reaksyon

Sa akdang ito, alam kong ang pakikipag-ugnayan sa iba ay napakahalaga sa

pamamagitan ng wika, at para sa pakikipag-ugnayan sa iba kailangan natin ng grupo,

grupo kung saan palalaguin tayo bilang tao.


Aksyon

Wika gamitin upang makipag-ugnayan. Gagamitin ko ang aking bibig hindi lang

para kumain kundi para makipag-usap o makipag-ugnayan sa iba.

D. Kulturang Popular: Imperyalistang Globalisasyon at Gawaing Kultural

Nilalaman

Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga ulat at nalalaman ng may-akda.

Binigyang diin ng may-akda ang mga bagay na nakahahadlang at mga bagay na kanyang

napapansin sa kanyang kapaligiran sa paglago ng bansa, at ito ay ang mga mamamayang

mas tinatangkilik ang likha o mga bagay galing sa ibang bansa kaysa sariling bansa,

maaari din itong maging mensahe hindi lang sa Pilipino kundi sa ibat ibang bansa subalit

sa kadahilanang ito ay nakasulat sa tagalog tanging tayong mga pilipino lang ang

makaiintindi nito.

Layunin

 Nais ng may-akda na ipabatid sa mga Pilipino ang mga bagay na kasalukuyang

nangyayari sa ating lipunan sa ngayon.

 Nais ipabatid ng may-akda na ang pag-unlad ay maisasagawa o maisasakatuparan

lamang kung ang mga mamamayan ng isang bansa ay matutunang mas bigyang

pansin ang sariling kultura at pinapa-unlad ito.


Natutuhan

Sa aking pagbasa ng akdang ito ay aking nahinuha at pumukaw sa aking isipan,

na hindi natin kailangan ng mga materyal na bagay para lamang maipakita ang pag-unlad

ng isang bansa, dahil ang tanging kailangan ng isang bansa ay ang pagtanggap at

pagpapalago ng ating kultura.

Reaksyon

Aking reaksyon lamang ay pagsang-ayon dahil alam ko at napapansin ko rin ang

mga bagay na yaon at dahil doon nakakalimutan na ng iba ang sariling kultura dahil sa

sila'y nakatuon lamang sa mga bagay na yaon.

Aksyon

Ako, Ikaw, Tayo ang magsimula ng hakbang sa pagmamahal ng sarili nating

kultura at pahalagahan ito, gaya nalang sa ngayon na may isang issue na may kauganayan

sa akda, ang pagtatanggal o pag-aalis ng Filipino bilang aralin sa kolehiyo at papalitan ito

ng ibang aralin na kaugnay sa ibang bansa, dito palang makikita na ang ating

pagkamamamayan sa pamamagitan ng pasulong ng araling filipino at imbis na tanggalin

ay palaguin pa natin ito.

You might also like