You are on page 1of 9

UP

Talks
Wika, Nasyonalismo at Panlipunang Katarungan
Gonzalo Campoamor II, Ph.D.
University of the Philippines

Transcript

Wika, Nasyonalismo at Panlipunang Katarungan, tatlong napakahirap na mga konsepto yan
pero susubukan nating ipaliwanag ngayong araw na ito. Siguro mas maganadang magsimula sa
isa lamang sa mga ito. Ang unang una siguro ididiscuss ko sa inyo ay ang nasyonalismo. Pag
nasyonalismo ang sinabi sa inyo siguro ang unang unang naiisip ninyo ay ang pambansang
watawat. Bakit? Kasi ito ang ating national symbol. Sa mga laro ng basketball lumalabas ito.
Kahit nung kabataan natin, ito rin yung sinusumpaan natin ng panatang makabayan o panatang
nasyonalista. Yung ibang mga simbolo, isa isahin ko sa inyo, tignan natin kung maalala pa
ninyo. Pambansang awit, hindi ba ito yung lupang hinirang. Dati ang tawag lang naming dyan
ay bayang magiliw, pero noong 1998 ginawa/nilagyan na ito ng pangalan ito nga yung Lupang
Hinirang. Isa pa, pambansang damit ng mga lalaki, di ba’t ito ang barong tagalog pagka sa
babae ito naman ang baro’t saya. Pamansang ibon, naalala niyo pa ba? Noong bata ako
actually Maya yan o ang Ingles niyan ay rice bird, kasi nga ito yung nagnanakaw lang ng butil
butil ng bigas sa kalsada. Later on gagawin itong Philippine Monkey Eating Eagle, pero nung
nawala ang mga unggoy sa Davao hindi na rin kumakain ng unggoy ang mga ibong ito kaya
naging eagle na lang. Pambansang prutas, siyempre mangga, hindi indian mango, hindi star
mango, hindi yung kung ano-ano pang mango, ito yung pinaka malaki nating manga, yung
kalabaw at yun din ang pambansang hayop natin. Pambansang bulaklak, sampaguita.
Pambansang sasakyan, ay ang dyipni. Pambansang sayaw, naalala niyo pa ba? Ito ay ang
Carinosa, dati tinikling. Isa itong imitation dance ng ibon na tikling pero pinalitan, ginawang
Carinosa. Ito pinakapaborito ko sa lahat ang pambansang dahon, anahaw, diba?

Ngayon, ano ang problema ng mga simbolong ito? Maganda ang simbolo kasi sa isang simpleng
bagay nakikilala natin ang iba’t ibang mga konsepto. Paglumabas ang watawat ng Pilipinas,
alam na natin na nirerepresenta nito ang buong bayan ng mga Pilipino. Pero ang mga simbolo
rin ay may kanya kanyang suliranin. Halimbawa may mga nagcocontend na ang ating
pambasang damit, yung barong tagalog ay sinusuot lamang ng mga indio noong panahon ng

1
pananakop ng kastila. Dahil ang nakasanayan na nagtatuck-in ng damit noon ay ang mga kastila
lamang o yung mga pinanganak sa Espanya at kahit yung mga pinanganak sa Pilipinas. Kaya
nagiging simbolo ito ng pagiging kolonya natin ng mga Espanyol. Ang pambansang sayaw natin
ay Carinosa na nagmula sa wikang Espanyol. Maraming nagsasabing sana tiniklng na lang, kaya
lang ayaw din nila yun eh. Kasi imitation dance lang yun ng isang ibon. Ako, kung ako ang
tatanungin ninyo, baka mas maganda pa ang maglalatik kasi war dance yun. Yung atin naman
pambansang sasakyan yung dyipni, originally nanggaling yan sa mga naiwan na sasakyan ng
mga Amerikano. Yun yung GP o general purpose vehicles o later on tatawaging GP or Jeep at
siya namang magiging dyipni natin. Kaya ko paborito yung pambansang dahon yung anahaw,
kasi sa lahat at ng mga dahon natin sa Pilipinas ito yung isa sa pianka walang silbi sa
kasalukuyan. Kasi dati ang anahaw ginagamit sa pamaypay. Pamaypay na nakikita niyo na
ginagamit sa isawan. Pero kasi yung mga pamaypay na binebenta ngayon ay hindi na rin yari sa
anahaw. Kung saan-saang mga dahon na yari yan. Matigas din ang anahaw, hindi rin ito
nakakain. Di tulad ng gabi na nagagawang bikol express at iba pang mga putahe. Ang anahaw
ay walang silbi sa atin. Tapos magiging makabayan ka ba kung halimbawang umuulan ng
napakalakas tapos sabihin mo sa nanay mo, “Nay, umuulan sa labas, gusto kong maging
makabayan ngayon, paki labas po ng dahong anahaw, gagamitin ko ito.” Di ba hindi rin naman?

Nandoon pa rin ang tanong. Ano ang nasyonalismo? Isa ito sa mga ismo na pinamakahirap
ipaliwanag kasi lahat ng mga ismo ay meron palaging personahe na nakakabit ang Marxismo –
nakakabit kay Marx. Ang Kristiyanismo nakakabit kay Jesus Christ. Ang Mohammenadismo ay
nakaconnect kay Mohammad. Ang Natzismo nakakabit kay Hitler. pero ang nasyonalismo,
napakahirap tukuyin kung sino yung nakakabit sa kanya. Sabi ni Benedict Anderson mahirap na
konsepto ang nasyonalismo at kung tutuusin, isa lamang itong pakiramdam, isang pakiramdam
na nagbebelong na kayong mga tao ay nasa isang kumunidad kaya nga na “Imagine
Communities” yung pangalan ng kanyang libro. Isa pang libro o isa pang thinker bago ang turn
of the twentieth century si Ernst Renan sabi niya, bukod sa pagiging pakiramdam ito rin ay
kaluluwa ng grupo ng mga tao. Kapag ang isang tao ay kinaligtan na niya yung pansarili niyang
kapakanan at lahat ng mga bagay na ginagawa niya ay inaalay na niya sa mas maraming
bahagdan ng tao sa lipunan, ito ay matatawag nan a nasyonalismo. Mahirap pa rin ano? Siguro
para maipaliwanag ang nasyonalismo, kailangan nating ipasok yung mga tinatawag nating

2
sangkap ng nasyonalismo.

Merong mga lima o anim yan: teritoryo (estado), relihiyon, lahi, kasaysayan, kostumbre at
tradisyon (kultura/kalinangan) at pinakahuli yung wika.

Teritoryo, halimbawa ang Pilipinas ay meron tayong malinaw na teritoryo. Kaya lang nagiging
problema rin ito paminsan-minsan. Ang ating Scarborough Shoal ay inaagaw sa atin ng China.
May sarili rin tayong tawag sa teritoryong yan, actually sa buong mundo Scarborough Shoal ang
tawag dyan. Pero pagtinanong mo yung mga taga Zambales na mga mangingisda ang tawag
nila diyan ay kalburo. Ang North Borneo ay inaangkin pa rin ng ilang pamilya sa Mindanao. Sa
relihiyon, oo malaking porsyento ng Pilipino ang Katoliko pero di rin naman matatawag na
katoliko sarado. Nasa sampung utos halibawa ng katolisismo ang bawal sumamba sa ibang
Diyos, pero pag nagsimba tayo linggo linggo nakikita natin ang mga Pilipino ay sumasamba sa
kanikaninong, kung sino sinong mga santo. In fact natuwa o nagdiwang yung buong bayan diba
nung nagkaron ng Pilipino o mga Pilipino sa mga listahan ng santo sa Vatican. Finally sabi natin
makakadasal na tayo sa sarili nating wika.

Lahi. Sa lahi pa lang kahit tignan moa ng mga tao sa paligid mo, hindi mo kamukha. May mga
mestizo, merong instik, merong indiong indio, merong mukhang amerikano, mukhang kastila at
merong mukhang di mo na maintindihan.

Sa kasaysayan din, iba-iba rin naman ang kasaysayan natin sa Pilipinas. Ang karamihan sa atin
sa populasyon ng mga Pilipino dumaan sa pananakop ng mga Espanyol, mga Amerikano at later
on mga Hapon. Pero marami ring Pilipinong hindi naman dumaan sa Parehong kasaysayan.
Halimbawa ang mga Moro o Muslim ay hindi naman nasakop ng Kastila. Sila rin yung matinding
lumaban sa mga Amerikano. Isa sa mga armas na nilikha ng mga Amerikano ay nilikha nila para
sa labanan sa mga Moro sa Mindanao. Kung ako nga minsan yung tatanungin, baka dapat
gamitin na natin yung armas na yun na simbolo ng bayan natin. Hanapin niyo na lang sa Google
kung ano yung armas na yun.

3
Kostumbre at tradisyon, ganun din magkakaiba rin tayo kostumbre. Ang mga Ilokano ay
kuripot, ang mga bisaya ay masyadong galante. Sabi nga ni Jun de Leon, sabi niya meron ba
kayong kilalang mangaawit mula sa Ilokos, siguro wala. Pero sa Visayas Region napakarami.
Sabi niya, isa sa mga eksplanasyon diyan isa sa mga paliwanag dyan ay ang folk songs nila. Ang
mga folk songs ng mga Ilokano ay napakaili ng range, ibig sabihin hindi lumalampas sa cycle ng
do-re-mi-fa-so-la-ti-do (manang biday). Nasa isang range lang yun. Pero yung mga kanta yung
mga folk songs sa Visayas ay kalalayo, usahay, lumalayo, kaya natetrain ang mga bisaya
kumanta. So magkaiba ng kostumbre mula sa Norte hanggang sa may Visaya.

Ang wika, meron tayong, sabi ng Summer Institute of Linguistics, meron tayong umaabot na
108 na wika sa Pilipinas sa buong bayan natin. Hindi pa nga tayo yung pinaka dehado
Ang Indonesia ang pinakamalaking archipelago sa buong mundo ay umaabot sa isang libo ang
wika nila. Sa bayan natin ay isang daan at walo. Iilan lang sa isang daan nay an ang meron isang
milyong nagsasalita o higit pa. Sa sarili kong pananaliksik, maihahanay ko sa inyo yung mga
salitang major o merong isang milyon o higit pa ang nakapagsalita. Pangunahin siyempre ang
pambansang wika, Filipino, na hindi pa rin naman, malinaw na malinaw sa atin wala pang
standard ang wikang Filipino. Ikalawa hanggang pang labing isa, Tagalog, Sebwano, iloko,
Hiligaynon, Bikol, Ingles, Waray, Kapampangan, Pangasinense, at Maguindanao. Sumusunod
dito yung Tausug, Maranaw, Capiznon, Bontok at Ibanag. So malinaw na maging sa wika ay
magiging suliranin natin ito sa pagtutukoy ng ano ba ang ating bayan ano ba ang ating
nasyonalismong Pilipino. Hihinto muna tayo dyan. Dahil ngayon naman ipapaliwanag ko sa
inyo kung ano ang panlipunang katarungan. Ang katarungan bilang konsepto ay hindi likas
naman sa atin, yung konsepto ng hustisya. Ang pinaka simbolo ng hustisya sa buong mundo ay
tinatawag nating si Lady Justice. Ito yung nangagaling sa Roman Mythology yung Roman
Goddess ng hustisya ito si Justitia. Siya yung nakikita ninyo na babae na minsan may damit
minsan wala. Meron siyang bitbit na scale, nagsusukat siya kung ito ba ay tama o mali, wasto o
hindi, oo o hindi. Sa kanilang kamay usually ang dala niya espada. Kasi nga pag nasukat na niya
na mali itong ginagawa ng isang tao, pwede niya agad parusahan. Sa Pilipinas, hindi naman,
magkaiba ang konsepto ng hustisya ng Europa o yung pinasok na hustisya ng mga Espanyol sa
atin sa sarili nating konsepto. Kaya nga ang translation natin sa hustisya sa sarili nating wika ay
katarungan. Ang tarong na salitang ugat ay nagmumula sa Visayas Region. Sa Tagalog Region

4
siguro ang pinakamalapit na konsepto natin sa hustisya ay tuwid o katuwiran ginagamit din ito
ng mga bayani natin noong panahon ng pakikibaka. Iba rin ang panlipunang katarungan, kung
yung kanina ay may konsepto ng katarungan na may judiciary system, merong judge, merong
korte, may mga lawyer. Ang panlipunang katarungan ay kasama rin doon pero mas
maipapaliwanag sa kung ano baa ng mas mahalaga para sa mga tao. Sa kaso natin sa mga
mamamamayang Pilipino. Tatlo lang naman ang basic na mga pangangailangan natin bilang tao,
ito ang food, shelter at saka clothing , pagkain, tirahan at pananamit. Sa Pilipinas, hindi lahat ng
tao ay mayroon ng lahat ng yan. Hindi tayo kumakain ng tatlong beses sa isang araw.
Maraming Pilipino ang walang bahay. Maraming Pilipino ang walang sapat na damit. Sa isang
banda napakaraming mahihirap na mga Pilipino. Pero ang Forbes magazine halimbawa taon
taon ay naglalabas ng listahan ng mga Pilipino na pinakamayayaman sa ating bansa at sa buong
mundo. Sa ating bansa ang pinakamayaman si Henry Sy. Sumusunod sa kanya ang mga ito,
John Gokongwei Jr. Lucio Tan, George Ty, David Consunji, Andrew Tan, Tony Tan Caktiong,
Enrique Razon, Jr., Lucio and Susan Co, Robert Coyiuto, Jr. at Manuel Villar. Sino sino ba ang
mga ito, sila yung pangunahing may pagmamayari ng pinakamalalaking investment company sa
ating bansa. Si Henry Sy, ang SM investment corporation. At sumusunod dito ang halos lahat ng
11 na binanggit ko ay may pagaari ng financial companies sa buong bansa. Sa kanila rin
nangagaling ang mga pangunahin nating kinakain sa araw-araw. Siguro kilala niyo naman yung
Payless, Nissin, Jack and Jill, C2. Siguro pag may nagbibirthday din sa pamilya ninyo, madalas
kayong pumupunta sa Jollibbee o kaya McDonalds. Ang Jollibbee, pagmamayari yan ni Tony
Tan Caktiong ang Mcdonalds naman, lahat ng prangkisa ay si Andrew Tan ang nagaapruba. Ang
mga minerals na mahalaga sa isang bayan, particular ang gold, copper, nickel in a sense ay
pagaari rin ng mga taong ito. Ang Semirara Mining ay pagmamayari rin ng isa sa mga ito.
Gayundin ang lahat ng mga damit natin. Tandaan ninyo ang textile industry natin ay malaon
nang namatay Siguro noong 1980s, 1970s pa malakas ang ating textile industry. Pero ngayon
ang sinusuot natin sa araw araw ay infact nanggagaling lang din sa mga imports na itong mga
taong rin ang nagpapasok sa ating bansa. Tandaan natin na 25 tao na pinakamayayaman na
Pilipino sa ating bayan na mayroong taunang kita na umiikot sa 44.1 billion dollars. Kung
itatranslate natin ito sa buong bayan, 76 milyon ng mga Pilipino ang kumikita ng parehong
halaga. So makikita ninyo, 25 tao sa isang banda 76 na milyong Pilipino sa isa pa ang parehong
kinikita. Anong punto ng lahat ng ito? Unang-una, hindi tunay na demokratiko ang ating bayan.

5
Konting konti yung mga mayayaman at napakarami namang mahihirap. Pangalawa, hindi
makabayan ang ekonomiya ng Pilipinas. Hindi ito ang ekonomiya na nagtatakda na magiging
mayaman tayo sa hinaharap. Pangatlo, mababa ang antas kundi man walang panlipunang
katarungan sa ating bayan. Na makikita natin sa 76 na milyong Pilipino na naghihirap sa araw-
araw.
Masasalamin natin ito sa wika. Ngayon naman maaring tignan natin ang wika bilang isang
produkto and then later on papaliwanag ko sa inyo paanong kahit ang mga jokes ay nagiging
salimin ng ating hindi pagkapantay pantay sa lipunan at panghuli ano ang nagiging papel ng
wika sa trabaho ng mga Pilipino. Ang wika ay hindi naman talaga produkto. Lahat ng tao
pagpinanganak ka mayroon kang kakayahan na matuto ng wika. Ang tanong lamang ay kung
ano ang matututunan mo. Sa ating bayan mayroong hierarchy ang mga wika. Syempre
pangunahin ang wika ng edukasyon. Ingles ang pinakamataas na anyo ng wika natin sa bansa,
susunod dito yung mga wikang nasa sentro partikular ang tagalog. At habang lumalayo ka sa
sentro ay lalong masmababa ang halaga ng mga wika na ito. Halimbawa yung mga jokes. Ang
pansariling tingin ko sa mga jokes ng mga Pilipino ay mahahati lamang sa dalawa. Una, kalahati
ng mga jokes ng mga Pilipino ay bastos. Hindi na ko magbibigay ng example sa inyo. Kalahati
naman ay linguistic. Halimbawa, lahat ng knock-knock jokes ay linguistic jokes. “Knock-knock,
who’s there, ako maba, ako maba who?” Tapos matatawa na tayo. Isa pa, “sinong nagsabing
bisaya ako wala naman kayong ibidinsya.” Kung natawa kayo dun, ibig sabihin isa kayo sa
milyon milyong Pilipino na napaka elitist, nakakatawa kasi hindi na pronounce ng maayos ang
ebidensya at naging ibidinsya. “Anong tawag sa dalawang binti, kuwarinta.” Hindi siya
nakakatawa sa ibang bansa pero sa bayan natin nagiging katawatawa siya. Anong tawag niyo
dito (nakaturo sa labi) Labi diba. Anong tawag niyo dito (nakaturo sa taas ng labi) balcony o
kaya second floor. Ganundin magkahalo yan na Ingles at tagalog, ang labi na lips ay iniintindi ng
joke na to na lobby o unang bahagdan ng isang building. Huli na lang, ano ang pinagkaiba ng
opinyon sa konklusyon? Matagal niyong pinagisipan no? Pero ang sagot dyan, kongklusyon
(kung close) edi hindi opinyon (open yun) kung sarado edi hindi bukas. Ganun din, napakarami
nating jokes sa ating bayan na umiikot lang sa mga laro ng wika. Pero kung aanalisahin niyong
mabuti, malalaman ninyo na mayroong elitismo nanagaganap sa bawat mga joke na ito. Pagka
bastos, kadalasan diyan ay anti-women or kung minsan nga anti-women na, anti system, anti –
church, anti-politics, anti-government. Pagka linguistic na makikita niyo rin na kung di ka

6
marunong mag Ingles, mababa kang tao, hindi ka matalino hindi ka. Kung di mo
napopronounce ng maayos ang mga bagay bagay either di ka marunong mag Inlges di ka
marunong mag Tagalog, Bisaya lang ang kaya mong salitain. Ganun naman tayo sa bansa natin
eh, yung mga nagaaral sila yung marunong mag Ingles. Yung mga nasa sentro ng Maynila sila
yung nagtatagalog. Yung nagtatrabaho ng manual labor, katulong mga karpintero, tubero ay
nanggagaling sa ibang bahagi ng ating bayan. Pag dating sa trabaho naman, mayroon tayong
tinatawag na limang pangunahing trabaho sa bayan natin. Hindi ito halos nagbago sa panahon
ng Espanyol at sa kasalukuyan. Engr., lawyer, doctor, pari at teacher. Yung teacher nawawala
na kasi di naman luxurious sa Pilipinas ang pagtuturo. Ang pagpapari isa pa rin sa pinaka
nagugustuhan yan dahil wala naman tayong kilalang paring mahirap diba. Yung tatlo, doctor
lawyer at engr. ang yumayaman. May tendency yang yumaman sa ating bayan. Sa kasaysayan
ng ating bansa ngayon naman ay babangitin ko sa inyo kung ano ang kinalaman ng wika sa
trabaho. Noong natapos ang pananakop ng mga kastila sa atin, umabot yan ng 333 years.
Umaabot lang sa 2.2% ng mga Pilipino ang marunong mag Espanyol. Ibig-sabihin kasi niyan sila
lang ang mayroong kakayahan noon, mayroon pera para ipadala ang mga anak nila sa Europa.
At kahit nga yung pag papa-aral nay an ay naganap lamang noong 19th century. Noon marami
sa mga namumuno sa ating lipunan ang nagkaroon ng kakayanan na makipag trade sa ibang
mga bansa. Kaasama dyan ang mga bayani natin, sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo Del Pilar. 2.2% lang yan. Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano nagsimula
noong 1898 at magtatapos ng 1935 sa pagsisimula ng Commonwealth, 37 taon lamang yan.
Lumalabas sa isang survey o Monroe survey na 37.79% ang nakapagsasalita na sa Ingles. Isang
generation lang yan ng mga Pilipino. Ibig sabihin hindi pa nga nagkakaapo yung mga dinatnan
ng mga Amerikano, ay karamihan sa kanila ay marunong na magsalit ng Ingles. Bakit kaya?
Malaking bagay dito ang pagtuturo ng mga Amerikano ng public education sa bayan natin. Ibig
sabihin niyan libre ng mag aral ang kabataan sa lahat ng eskwelahan. At syempre tinuturo sa
kanila ang Ingles. Sabi nga ng historians na kilala ko, kung ang mga Kastila tinuruan nila ang
mga kababaihan kung paano magdasal, mas matalino ang mga Amerikano kasi tinuruan nila ang
mga bata kung paano mag Ingles. PAgbalik nila sa kanikanilang bahay ang mga magulang ay
mapipilitan ding mag-aral ng Ingles. Isa yun, pero ang madalas di nakikita ng historians ay yung
lure ng pagtatrabaho. Ang civil service noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay
ginagawa lamang sa pamamagitan ng wikang Ingles. Lahat ng exam para maging civil servant ay

7
kinakailangang marunong ka sa wikang Ingles. At lahat ng pinakamataas na sweldo kasama na
ang pagtuturo ay nasa gobyerno, nasa civil service. Kaya di nakapagtataka na halos kalahati na
ng Pilipino ay marunong na mag Ingles bago matapos ang pananakop ng mga Amerikano. Sa
kasalukuyan, ang pinaka sikat na trabaho siguro sa ating bayan ay ang call center agency o ang
pag pasok bilang call center agent. 1990s nagsimula ang mga yan pero yung karurukan ng
pagdami ng call center agents sa bayan natin ay noong 2000s. Nakakagulat lang ang
pangyayaring ito, noong 2006, ang Kennedy Center ang unang nagbalita sa buong bayan na sa
sampung nag aapply ng call center isa lang ang nakakapasok bilang call center agent, siyam ang
hindi. Doon sa siyam nay un, 2-3 ang pwede pang turuan ng kaunti. Ibig sabihin dadaan lang
sila sa finishing school, tuturuan kung paano makipagkomunika sa wikang Ingles. Pero sabi ng
Kennedy Center sa 2-3 yun isa o dalawa lang eventually ang matatanggap sa call center. So sa
bawat sampu na nagaapply 2 hanggang 3 lang ang matatanggap bilang call center agent.
Kinatakot ito ng maraming Pilipino. Sabi nila, bakit ganun. Dati ang galing galing natin sa Ingles,
ngayon hindi na. 2006 rin nagkaroon ng executive order ang dating pangulong si Gloria Aroyo
na nagsasabi na dapat Ingles lang ang gamitin ng mga mag-aaral mula Grade 1-6, Ingles ang
dapat maging pokus ng ating pagaaral. Ano bang significance ng 2006 sa ating bayan? Ang
average na Pilipinong bata ay nag aaral ng 20 taon mula elementary hanggang college,
hanggang makatapos ng college. Kung imemenos natin sa 2006 ang 20 years na yan,
mapupunta tayo sa 1986. Ano bang significance ng 1986, ito ay kalian nagkaroon tayo ng
bagong konstitusyon kasama dyan ang bagong probisyon sa wika. Sa konstitusyong 1986
nakalagay na ang pambansang wika ng ating bayan ay Filipino at lalo pang naipush ang pag
gamit ng pambansang wika na ito. Halimbawa naalala ko noong bata ako ang sikat na news sa
tv noon ay ang News Watch, kasi may balita siya at mayroong watch may relo sa tv. Nasa
wikang Ingles lang yan. In fact wala akong naalalang balita noon o palabas sa telibisyon maliban
sa soap opera ang nasa wikang sarili natin. Karamihan sa mga yan ay nasa Ingles. Pero pagsapit
ng 1986 lahat halos ng mass media natin kabilang na ang balita, TV Patrol at iba pang balita,
dyaryo mga palabas na dating nasa ingles ay tinatranslate sa Filipino. Ang Voltes 5 na sikat na
sikat bago ang 1986 ay magiging Filipino na pagkatapos ng 1986. Ang Sesame Street na dati
naming pinapanood ay magiging una Kalye Sesame hanggang sa magiging Batibot na ito. So ibig
sabihin niyan lahat ng bata na pinanganak noong 1986 ay mas sanay na sa Filipino kaysa sa
Ingles. Pag dating ng 2006 kung kailan sila gagraduate kung kailan magkakaroon sana sila ng

8
oportunidad mag trabaho na may malakilaking sweldo sa pamamagitan ng call center, humina
na ang kanilang Ingles.
Dalawang huling punto na lamang. Una, ang pambansang wika natin ay Filipino, makabayan
ito, kailangan nating ipaglaban ito. Kahit na may nakikita tayong weaknesses dito hindi ito
weakness ng wikang pambansa natin, weakness ito ng sistemang panlipunan natin. Kung ano
ba yung dapat pahalagahan. Sabi nga ni Rizal sa El Filibusterismo, tanging sarili nating wika
mapauunalad ang ating bayan. Sa sariling wika lamang natin mapalalawig ang pagtingin sa mga
bagay bagay. Pangalawa, paraan ang wika tungo sa demokrasya, nasyonalismo at panlipunang
katarungan. Pero hindi dapat deterministiko ang tingin sa wika. Marami kasing language
advocate ang nagsasabi na kung Filipino ang wika natin yayaman tayo, ang pinanggagalingan
kasi niyan kung ang Japan may sariling wikang Hapon yumaman sila. Germany may sariling
wikang aleman, yumaman din sila. Pero walang direktang kinalaman ang wika nila sa pagyaman
nila. Of course may kinalaman diyan ang ilang kaganapang pangkasaysayan na nakatulong sa
pagyaman nila. Ganun din sa ating bayan. Hindi ko naman sinasabi sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay hindi tayo yayaman. Magandang baligtarin siguro ng kaunti. Mayroong problema
ang ating bayan. Siguro mas magandang ayusin muna ang systemang ito susunod, at susunod
din ang ating pambansang wika.

You might also like