You are on page 1of 3

Bernie U.

Antipuesto

BSED FILIPINO 2

FIL106/W10

November 2, 2021

Gawain:

1. Gumawa ng pagsusuri sa mga dahilan ng mabilis na pagbabago ng programang pangedukasyon sa


PIlipinas. Ilahad ang nilalaman ng bawat pagbabago.

Sagot:

Pagkahuli sa sistema ng edukasyon sa kapwa Asyanong bansa.

Sa pagkakaroon ng mabilisang pagbabago sa uri ng edukasyon na meron ang mundo ay patutloy na


nagkakaroon ng malawakang pagpapalit ng kurikulum upang tayo ay matatawag na “globally
competitive”.

Programang K-12

Para magkaroon tayo ng mga mamamayang may pakinabang sa proseso ng pag-unlad ay tinaasan ng
ilang taon ang pananatili sa paaralan upang mabigyan ng benepisyo ang mag-aaral sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng sapat na kaalaman.

2. Paano nakaapekto ang kalagayang pang-edukasyon ng mga karatig bansa sa Asya at mula sa Kanluran
sa pagbalangkas at implementasyon ng pamahalaan sa programang pang-edukasyon sa Pilipinas.

Sagot:

Ang ating bansa ay walang sariling uri ng balangkas para sa pagpapatupad ng edukasyon kaya tayo ay
kilala sa paggamit ng mga banyagang pamamaraan ng pagtuturo sa eskuwelahan. Dahil sa matinding
pananalisik ng ating gobyerno ay nagpadala tayo ng mga skolar sa ibang bansa upang doon mag-aral
ng sa ganon ay magkaroon tayo ng sapat na kaalaman kung paano ang tamang pamamalakad ng isang
sistema ng edukasyon sa ating bansa. Ang impluwensya ng banyagang bansa ay Malaki dahil ito ang
nagiging blueprint ng ating pamamalakad.

3. Saliksik at ilahad ang pagkakaiba at/o pagkakatulad ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 at ang MTB-
MLE na nakapaloob sa Enhanced Basic Education Act ng 2013.

Sagot:

Ang dalawang nabanggit ay may parehong layunin na palawigin ang sistema ng edukasyon ng ating
bansa upang mas kompititev ito sa bansang karatig natin kasama na ang mga banyagang bansa.
4. Batay sa naging tugon sa unang katanungan, gumawa ng isang mungkahing batayan upang mapanatili
at/o mapalakas ang Filipino sa mga programang pang-edukasyon ng bansa.

Sagot:

Sa aking naging tugon sa unang katanungan mas mapanatili at mapalakas ng ating bansa ang sistema
ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na suporta galing sa ating gobyerno upang
bigyan ng sapat na pondo ang ating edukasyon. Sa pamamagitan nito ay magiging konsistent ang
magiging hakbang ng ating gobyerno sa pagpapalakas ng ating edukasyon.

5. Paano binago ng mga Kastila ang kaisipan ng katutubong Pilipino sa pamumuhay?

Sagot:

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay meron na tayong organisadong
pamamalakad na hindi ginagamitan ng pananakot at dahas kasabay nito ang madugong
pagpapalaganap ng kanilang paniniwala. Binago ng mga kastila ang pamumuhay ng mga Pilipino sa
patuloy na pagsipsip ng yaman nito upang magamit nila laban mismo sa atin. Nabago sa paraang
naging alipin ang turing natin sa ating sarili na dugo at pawis ang binigay para magsilbi na sa sa kanila.

6. Gumawa ng talahanayan paano nagbago ang mga tuon ng kurikulum at pag-aaral sa bansa sa pagdaan
ng panahon?

Sagot:

PANAHON NG MGA KASTILA (1521-1898)

 Ginamit na paaralan ang mga kumbento at pari ang nagsilbing guro.


 Ginamit ang mga akda nilang dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang palganapin ang
kristiyanismo.
 Ginamit nila ang mga isinalin na akda upang turuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga
katutubo.

PANAHON NG MGA AMERIKANO (1898-1946)

 Naitayo ang mga paaralang pampubliko, naging guro ang mga kawal na amerikano, ginamit
nilang aklat ang mga dalang babasahin at itinuro ang wikang ingles.
 Itinuro ang pagbasa, pagsulat , pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan at iba pa.
 Binigyang diin nila ang paghahanda ng mga pilipino para sa sariling pamamahala at ang
matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan.

PANAHON NG HAPON (1942-1945)

 Ipinagbawal ang pagtuturo ng wikang ingles at sa halip ay ang pagtuturo ng wikang niponggo
at wikang filipino.
 Isinama ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity sphere at land reform, pagpapatibay
sa pagpapahalaga ng Pilipino.
PANAHON NG MARTIAL LAW AT 1986 REBULUSYON

 Ipinatupad ang bilingual education at family planning, taxation at land reform, pagpapatibay
sa pagpapahalagang Pilipino.

7. Ano ang kalagayan ng Filipino sa mga pagbabagong naganap sa paglinang ng kurikulum sa bansa?

Sagot:

Ang kalagayang ng bansa sa mga pagbabago ay hati sa iba’t ibang ideya dahil may mga naapektuhan
dito at meron ding nakinabang. Ang nangyari sa K-12 ay hindi sumasang-ayon sa lahat ng uri ng tao sa
bansa dahil mas lalo itong nagpahirap sa mga mahihirap. Ngunit, sa kabilang dako naman ng
pagbabagong ito ay tumaas naman ang antas ng ating edukasyon sa bansa.

8. Mananaliksik (kahit online) ng mga teorya bilang salalayan sa pagbabagong naganap sa kurikulum sa
bansa.

Sagot:

Ang teoryang ginawang batayan para sa bagong kurikulum ay ang behaviorism, cognitivism, at
constructivism.

You might also like