You are on page 1of 6

MODYUL 4

WIKA AT USAPING PANLIPUNAN

PANIMULA

Ang tuon ng modyul na ito ay wika at usaping panlipunan. Tatalakayin dito ang
silbi ng wika sa higit na pag-unawa ng mga usaping panlipunan at kung sa paanong
paraan nagkakaroon ng pagbabago sa pag-unawa at pagbuo ng kahulugan ng mga
salita kapag ginamit ang wikang Fiipino. Makikita mo rin kung paanong ang wika ay
minamanipula upang makabuo at makapagpanatili ng mga istruktura ng kapangyarihan

m
er as
sa lipunan.

co
eH w
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO

o.
rs e
ou urc
Matapos ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Makapagbabalangkas ng masalimuot na pinagdaanan ng mga wika sa Pilipinas
o

bunga ng kolonyalismo upang matalakay ang implikasyon nito sa panlipunang


aC s

katarungan;
vi y re

2. Makapagpapaliwanag hinggil sa ugnayan ng wika upang higit na masuri ang mga


usaping panlipunan; at
3. Makatutukoy ang katangian ng wikang Filipino bilang gender neutral na wika, at
ed d

ang silbi ng wikang Filipino upang higit na masuri ang mga usapin sa lipunan na
ar stu

may ugnayan sa uri, lahi at etnisidad.

1. Wika at Kasarian
sh is
Th

Sa bahaging ito ng modyul, tatalakayin ang paggamit ng wika sa pagtatakda ng


konsepto ng kasarian.

————————————————————————————————————
Gawain 1 (30 minuto)

Panoorin ang video ni Judith Butler (2012) na Your Behavior Creates Your
Gender. I-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=WRw4H8YWoDA

Page 1 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng pagiging performative ng kasarian?
2. Paano binabago ng konsepto o nosyon ng gender performati vity ang ating pagtanaw
sa kasarian?

——————————————————————————————————————

Alinsunod sa biyolohikal na batayan ng pagiging babae o pagiging lalaki, may


mga papel na dapat gampanan ang mga ito na itinakda ng lipunan. May mga
makapangyarihang institusyong kumokontrol sa kung ano ang dapat at hindi dapat

m
gawin ng mga babae at lalaki. Kultura ang bumubuo o humuhubog sa kasarian; hindi ito

er as
nakabase sa biyolohiya. Isa itong mundong malaya na maaaring gamitin upang labanan

co
ang karahasang dulot ng paggigiit ng mga gender norms.

eH w
o.
rs e
ou urc
Gawain 2 (1.5 oras)
o

A. Basahin ang “Wika, Kasarian at Sekswalidad” at “Ang Diskursong Patriarkal sa Wika


aC s
vi y re

at Panitikang-Bayan” ni Lilia Quindoza-Santiago at sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang naging papel ng pananakop sa gendering ng Filipino at iba pang wika sa
ed d

Pilipinas?
ar stu

2. Paano nabahiran ng seksismo ang panitikan sa Pilipinas?


3. Paano natin babaguhin ang kasalukuyang sexist na pagkiling ng Filipino at iba pang
wika sa Pilipinas?
sh is

B. Basahin ang artikulong “Pagiging Lalaki, Pagkalalaki at Pagkamaginoo” ni Leonardo


Th

De Casto at sagutin ang sumusunod:

1. Anu-ano ang iba’t ibang konsepto ng pagiging lalaki at pagkalalaki na tinukoy sa


teksto?
2. Sa paanong paraan itinatakda ng lipunan ang papel na dapat gampanan ng mga
babae at lalaki sa lipunan?
3. Paano binura ng teksto ang hangganan ng pagiging lalaki at pagiging babae?

———————————————————————————————————————

Page 2 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/
Sa pagsusuring ginawa ni Quindoza (1998) sa leksikon ng mga wika sa Pilipinas,
napansin niyang walang tiyak na kasarian ang mga pangngalan. Ito ang naging
basehan niya upang makarating sa konklusyon na bukas ang mga wika sa Pilipinas sa
pagkakapantay ng mga kasarian. Nalahian lamang ito ng patriyarkal na diskurso bunga
ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano. Naging gendered ang mga wika sa
Pilipinas at “nagkintal ng malalim na pagbabago sa estilo ng pamumuhay at
sensibilidad” (218) ng mga Filipino. Tumagos ito sa larangan ng panitikan, kultura at
pamumuhay kaya kinakailangang magkaroon ng “pagbabago ng mga istrukturang
panlipunan at mabago o maaaring mabago ang mga ito sa paglulunsad ng mga klusan
na siyang liligalig” (219) sa kamalayan nating mga Filipino.

m
Ayon naman kay De Castro (1995), lipunan ang naglalagay sa mga lalaki at mga

er as
babae sa kanilang tamang lugar upang ang mundo ay hindi masaliwa. Ang kasarian ay

co
nakikita bilang isang katangian kung saan nakasalig ang pagkilala sa isang tao, ang

eH w
pagtingin at pagpapahalaga sa kanya, ang pag-asa sa kanyang magagawa at hindi
magagawa, at ang pagsuri sa dapat at hindi niya dapat gawin. “Maaari itong

o.
rs e
makapagbunga ng pang-aapi dahil sa pagtawag ng pansin sa kasarian sa halip na
mismong pagkatao “(129).
ou urc
o

2. Wika, Relihiyon, Panlipunang Katarungan at Kolonyalismo


aC s
vi y re

Sa bahaging ito ng modyul, tatalakayin ang ugnayan ng wika, relihiyon, at


kolonyalismo. Mabibigyang-linaw rito na bagaman ang relihiyong ipinalaganap at ang
edukasyong ipinatupad ng mga mananakop ang lumikha ng istratipikasyon sa lipunan,
ed d

maaari rin itong kasangkapanin upang makamtan ang panlipunang katarungan.


ar stu
sh is

Gawain 3 (2 oras)
Th

Basahin ang “Wika ng Naghaharing-Uri” ni Consuelo Paz (1996) at “Ang Wika


bilang Instrumento ng Pambansang Pagpapalaya” ni Randy David (1988).

Pagkatapos ay panoorin ang sumusunod:


1. Wika, Nasyonalismo at Panlipunang Katarungan ni Dr. Gonzalo Campoamor
(2016) sa https://www.youtube.com/watch?v=sHGzcoWMKto ,

Page 3 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/
2. Wika at ang Kolonyal na Karanasan ng Pilipinas ni Dr. Bienvenido Lumbera
(2016) sa http://networks.upou.edu.ph/wika-at-ang-kolonyal-na-kasaysayan-ng-
pilipinas/

Sagutin ang sumusunod:


1. Sa paanong paraan nagiging politikal ang wika? Ano ang politika ng wika?
2. Paano ginamit o minanipula ng mga Kastilang prayle ang wika upang
maimpluwensiyahan ang pananampalataya at kamalayan ng mga katutubong
Filipino?
3. Anu-ano ang naging bunga ng paggamit sa Ingles bilang wikang panturo sa mga
eskwelahan mula noong panahon ng mga Amerikano hanggang sa kasalukuyan?
4. Paano maiaangat ang estado at mabibigyan ng tunay na pagpapahalaga ang mga

m
wika sa Pilipinas?

er as
5. Sa paanong paraan magagamit ang wika bilang instrumento ng pagpapalaya ng

co
kamalayan ng mga Pilipino?

eH w
———————————————————————————————————————

o.
rs e
ou urc
Ang pagmamanipula sa mga tao ay maaaring maabot sa pamamagitan ng wika.
Mababakas sa kasaysayan kung paano ginamit ng mga Kastila at Amerikano ang wika
o

upang sakupin ang sensibilidad at kamalayan ng mga katutubo. Ipinagkait ng mga


Kastila ang kanilang wika sa mga Filipino at sa halip ay isinalin sa mga katutubong wika
aC s
vi y re

ang mga dasal. Wika mismo natin ang naging daan upang sakupin ang ating kaisipan at
yakapin ang pananampalataya ng mga mananakop.
ed d

Sa pamamagitan naman ng pagtawag sa mga wika sa Pilpinas na diyalekto,


ar stu

ibinababa ang antas ng mga ito na nagbunga ng mababang pagtingin ng mga Filipino
sa kanilang sariling wika. Nagsimula ito sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano
dahil Ingles ang ginamit na wikang panturo sa mga pampublikong paaralan. Ginagamit
ang Ingles sa mga akademikong diskurso samantalang ang mga rehiyunal na wika ay
sh is

naisantabi. Pinalawak din nito ang agwat sa pagitan ng mga naghaharing-uri at


Th

ordinaryong Filpino. Napagsamantalahan ang kamangmangan ng ordinaryong Filipino


na walang oportunidad na matuto ng Ingles. Masosolusyunan ang problemang ito kung
gagamitin ang mga wika sa Pilipinas bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan at sa
iba pang mga institusyon upang maiangat ang mga ito.

——————————————————————————————————————

Page 4 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/
Gawain 4 (180 minuto)
1. Magsulat ng isang sanaysay na may 500-750ng salita base sa iyong pananaliksik na
tutugon sa tanong na ito: Sa paanong paraan magiging ahensya ang wika sa
pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at mga uri sa lipunan upang
makamtan ang panlipunang katarungan?

2. Iulat sa klase ang mahahalagang punto ng iyong sanaysay sa pamamagitan ng


paggawa ng vlog o powerpoint presentation.

Bibigyan ang iyong isusulat na sanaysay ng marka ayon sa sumusunod na


pamantayan:

m
• masinop na tugon sa tanong;

er as
• lalim at lawak ng pag-unawa sa paksa;

co

eH w
paglalapat ng angkop na mga konsepto at pagtatasa sa pagtalakay sa paksa;
• angkop na gamit ng tamang citation; at

o.
• malinaw at mahusay na paggamit ng wika.
rs e
ou urc
PANGWAKAS
o
aC s
vi y re

Ang wika ay sumasalamin sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa mga


paksang tinalakay sa modyul na ito, maliwanag na maaaring manipulahin ang wika
upang sakupin ang kamalayan ng mga Filipino at hubugin ang ating mga pananaw
tungkol sa kasarian at iba pang mga usaping panlipunan. Kinasangkapan ito ng mga
ed d

mananakop upang iangat ang wika nila at palawakin ang pagitan ng mga naghaharing-
ar stu

uri at ng mga karaniwang Filipino.


sh is

Malaki ang tungkulin ng wika sa panahong kailangan ng pagbabago. Kung


gagamitin ang mga wika sa Pilipinas sa mga akademikong diskurso at sa iba pang mga
Th

institusyon sa ating lipunan, magiging ahensya ito sa pagsusulong ng pagkakapantay-


pantay ng kasarian at mga uri sa lipunan upang makamtan ang panlipunang
katarungan.

SANGGUNIAN

Butler, Judith.Your Behavior Creates Your Gender. 7 Agosto 2012. Youtube,


https://www.youtube.com/watch?v=WRw4H8YWoDA. Naakses 15 Enero 2018

Page 5 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/
de Castro, Leonardo. “Pagiging Lalaki, Pagkalalaki at Pagkamaginoo.” Philippine Social
Science Review. Tomo 52, Blg 1-4, 1995, mp. 127-142.

Campoamor, Gonzalo. (2016) Wika, Nasyonalismo at Panlipunang Katarungan 7


Disyembre 2016. Youtube, https://www.youtube.com/watch?v=sHGzcoWMKto.
Naakses 15 Enero 2018

David, Randy. “Ang Wika bilang Instrumento ng Pambansang Pagpapalaya”. Diliman


Review Vol. 36 No. 4, 1988. pah 3-4.

m
er as
Lumbera, Bienvenido. Wika at ang Kolonyal na Kasaysayan ng Pilipinas. 13

co
Nobyembre 2016. Youtube, http://networks.upou.edu.ph/wika-at-ang-kolonyal-

eH w
na-kasaysayan-ng-pilipinas/. Naakses 5 Enero 2018.

o.
rs e
ou urc
Paz, Consuelo J. “Wika ng Naghaharing-Uri.” Nasa Constantino, Pamela C. at Monico
M. Atienza. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod Quezon: UP
Press, 1996, mp. 69-78.
o

Quindoza Santiago, Lilia. “Ang Diskursong Patriarkal sa Wika at Panitikang-Bayan.”


aC s
vi y re

Nasa Constantino, Pamela C. at Monico M. Atienza. Mga Piling Diskurso sa


Wika at Lipunan. Lungsod Quezon: UP Press, 1996, mp.

____________________. “Wika, Kasarian at Sekswalidad.”(papel na binasa sa Ika-8ng


ed d

Konggreso ng Linggwistiks sa Pilipinas noong 15-17 Disyembre, 1998).


ar stu
sh is
Th

Page 6 of 6
https://www.coursehero.com/file/35222424/WIKA-1-Modyul-4-WIKA-AT-USAPING-PANLIPUNANpdf/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like