You are on page 1of 7

BARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

LINGGUWISTIKO AT HEOGRAPIKONG
VARAYTI SA PILIPINAS

IPINASA NI: ROMMEL S. ALONZAGAY


Bsed Filipino 2a
IPINASA KAY: MRS. KIM L. CORPU

MGA AMBAG NG SALITANG ILOKANO SA ATING WIKANG PAMBANSA

Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang
wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak
ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa
Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.Tinatayang may mahigit 9 milyong
gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi
ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga
estado ng Hawaii at California sa Amerika.

Iloko at Ilokano
Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang tinutukoy. Ang
tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang katutubong
nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.

Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin
bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-
Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada(mga
Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi
nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano
at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano
sa Tagalog.

Idagdagpa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa
katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga may
pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may
kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum ng
wikang banyaga.

Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang dayuhang salita na
hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay
ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.

Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada.
Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay
gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga
Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.Idagdag pa na ang wika
ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano
ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang Heritage Language sa Hawaii.

Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo.

Salita ng mga Ilokano

Luzon
Kanlurang Ilokano (Western Ilocano)
(Salitang Malalim na "Ilokano, at sinmahan Pang-galatok (Pangasinense)).
Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon ng 1)
Ilocos Norte - 98%
Ilocos Sur - 97%
La Union -96%
Pangasinan -90%
Gitnang Ilokano (Central Ilocano)
(Salitang mayroong halong "Igorot", "Bontok" at "Apayao", ngunit Balarila ng wikang Ilokano).
Rehiyon ng Cordillerano (CAR)
Lalawigan ng Abra - 94%
Lalawigan ng Apayao -95%
Lalawigan ng Benguet - 89%
Lalawigan ng Ifugao - 93%
Lalawigan ng Kalinga - 92%
Lalawigan ng Mt. Province - 91%

Silangang Ilokano (Eastern Ilocano)


(Salitang Malalim na Ilokano at nahaluan ng "Igorot", "Apayao" at "Tuguegarao").
Lambak ng Cagayan (Rehiyon ng 2)
Lalawigan ng Cagayan - 89%
Lalawigan ng Isabela - 88%
Lalawigan ng Nueva Vizcaya - 87%
Lalawigan ng Quirino - 86%

Timog Ilokano (Southern Ilocano)


(Salitang Ilokano na mayroong salitang "Kapampangan" at salitang "Tagalog").

Gitnang Luzon (Rehiyon ng 3)


ilang bahagi ng Lalawiga-ng Aurora - 65% (Eastern Ilocano)
Lalawigan ng Bataan - 55%
Lalawigan ng Bulacan - 49%
Lalawigan ng Nueva Ecija - 70%%
Lalawigan ng Pampanga - 52%
Lalawigan ng Tarlac - 84%
Lalawigan ng Zambales - 77%

Timog Katagolgan (Southern Tagalog)


CALABARZON (Rehiyon ng 4-A)
(Salitang Caviteño, Calambeño na nahaluan ng wikang "Ilokano").
Lalawigan ng Kabite - 48%
Lalawigan ng Laguna - 47%
Lalawigan ng Rizal - 45%

Timog Katagolgan (Southern Tagalog)


MIMAROPA (Rehiyon ng 4-B)
(Salitang Palawenyo, (Mangyan) Mindoro na nahaluan ng wikang "Ilokano").
Lalawigan ng Kanlurang Mindoro - 44%
Lalawigan ng Silangang Mindoro - 43%
Lalawigan ng Palawan - 40%

Mindanaw
Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang ka-
Musliman).

Tangway ng Zamboanga (Rehiyon ng 9)


Lalawigan ng Zamboanga Sibugay - 39%
Lungsod ng Zamboanga - 38%

Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)


(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang Ka-musliman).
SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
Lalawigan ng Cotabato - 37%
Lalawigan ng Sarangani - 36%
Lalawigan ng Sultan Kudarat - 50%
Lalawigan ng Timog Cotabato - 35%
Lungsod ng Heneral Santos - 33%
REAKSYONG PAPEL TUNGKOL SA UMUUSBONG NA WIKA NG MGA KABATAANG FILIPINO SA
PAGLALARO NG DOTA O MOBILE LEGEND.

Ang umuusbong na mga komunidad dala ng pagbabago sa teknolohiya, particular na sa paksa ng


paglalaro ng computer game ay isnag panandang-bato sa pagdukal ng varayti at baryasyon ng wikang
Filipino. Ang mag-aaral na kasama sa komunidad na ito ay isang saksi sa umuusbongna wika ng mga
kabataang Filipino na nahuhumaling sa paglalaro ng DoTA at Mobile Legends. Lahat ng bagay ay
mayroong masama at mabuting epekto sa isang tao. Ang online games ay larong kinakailangan ng
computer, laptop o kaya ay cellphone at internet. Ito ang larong nauuso sa kasalukuyan na
kinabibilangan ng mga laro katulad ng League of Legends(LOL), DOTA, Mobile legends(ML), Rules of
Survival(ROS), Fornite Battle Royale, Apex Legend, Counter Strike at marami pang iba. Mas pinipili ito
ngayon ng mga kabataan lalo na sa siyudad kaysa sa mga larong pisikal katulad ng basketball, volleyball
at badminton. Tila unti-unti na ngang nilalamon ng mga modernong kagamitan at teknolohiya ang mga
kabataan maging ang mga may edad na . Ayon nga kay Bryan Mags, 2011, ang paglalaro ng mga online
games ay maaring makaapekto ng masama sa isang kabataan na gumagamit nito, mahirap itong
tanggihan lalo na at ito ay nasa paligid lamang. Ito ay nakakalibang at maaring makalimot tayo sa mundo
ng ating mga alalahanin, nagkakaroon ito ng masamang epekto katulad ng adiksyon.

Ang Online games ay uri ng laro na kung saan ay gumagamit ng network o data at isang uri nglibangan.At
sa mga online games na ito ay wikang nabubuo o naiimbento halimbawa na lng anglarong Mobile
Legends na kung saan ito ay inilabas noong July 11 2016 ng companyangMoonton at maraming
nahumaling sa larong ito dalhin unang una ito ay nilalaro lng sa telepunoo mobile phones.Gayun paman
madami ang naimbentong salita sa larong ito halimbawa na kngang GG WP,Kanser,Bubu, at iba pa na ito
ay ginagamit ng mga manglalaro sa trashtalk opakikipagtalastasan ng mga salitang may halung
mura.Dahil dito ito ay may epekto sa atingkultura dahil ang mga bata ay natotoo ng mga ganitong salita
na nagmumura na imbis namagaral o magreview ng takdang araling ay tinutuon nila ang kanilang
atensyon sa paglalaro atminsan pa ay unti unti ng nawawalan ng respeto ang mga bata sa matatanda
nakakalimutan na nila ang po at opo.At ayun sa pagaaral ng NPD group 91% ng edad 2-17 na taong
gulang aynaglalaro na ng online games,kung ating sususmahin napakalaki ng negatibong epekto
nito saating wika imbis na ang mga bata ay natoto ng tamang paggamit ng wikang Filipino aynahahaluan
ito ng kabastusan dulot ng wikang bunga ng online games.Na ang mga bata
aynamumulat sa kabastusan,pagmumura,pakikipagbangayan

Mag-ingat lamang sa mga masasamang epekto na dulot ng labis na paglalaro ng mga online games.
Kilalanin ang iyong sarili kung hindi mo kayang pigilan ang pagkalulong dito ay huwag mo na lang
subukan dahil baka ikaw ay mahirapan ng umalis sa ganitong uri ng sistema ng pamumuhay. Mas
mainam na ngayon pa lang ay mas isipin ang mga bagay na mayroong kapakinabangan at makakatulong
sa iyo upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang buhay natin ay iisa lamang kaya huwag na
natin itong sayangin sa mga walang kabuluhan.
REAKSYONG PAPEL TUNGKOL SA KULTURA AT SISTEMANG JEJEMON: PAG-AARAL SA BARAYTI AT
VARYASYON NG FILIPINO SLANG.

Ang wikang Jejemon ay isang Filipino slang na dumagdag sa yumayamang kultura at wikang Filipino na
umusbong mula sa malikhaing imahinasyon ng mga taong naghahangad na mapaunlad ang paraan ng
pakikipagkomunikasyon at may kalakip na epekto sa lipunan.
Ang salitang “Jejemon” ay sinasabing nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-type ng “hehehe”
bilang “jejeje” marahil dahil ang “jeje” ay nanggaling sa Kastila na ang mga nagsasalita ay ginagamit ang
salita bilang pantawa o dahil ang mga titik ng “h” at “j” ay katabi ang isa’t-isa at ang sinasabing “-mon”
ay nanggaling sa Hapones na anime na Pokémon. Ang “-mon” ay nangangahulugan bilang “halimaw”
(monster) at dito nagmula ang mga “jeje monsters” (literal na “mga halimaw na jeje”).

Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang simbolo ng solidaridad na mag-iisa sa mga indibidwal na
tagapagsalita ng naturang wika. Ang pagbabago sa wika ay karaniwan ng bahagi ng pagbabago sa
buhay. Ang pamamaraan ng komunikasyon ay sumasabay sa pagbabagong ito. Binibigyang-buhay
ng komunikasyon ang pagyabong ng kultura, lipunan lalo na ng wika. Sa patuloy nitong pagbabago,
umuusbong ang mga salita na tangi sa isang pangkat ng tao. Ang dimensiyong sosyal ang
nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga register, jargon,o sosyal na varayti tulad ng wika ng bakla
(gaylingo), wika ng LGBTQ+, wika ng kabataan, wika ng mag-aaral, wika ng kababaihan, register ng guro,
wika ng isports, at iba pa. Pinapatunayan nito na ang wikang pantao ay isang arbitratryo.
Gayundin, ito ay buhay dahil sa pagbabanyuhay ng mga salita. Tulad ng isang ilog, sumasabay ito
sa agos ng pagbabago sa ating lipunan, positibo o negatibo mang manipestasyon.Ang pagbabago sa
wika ay dumaraan sa ebolusyon at nakabatay sa bokabularyong napagkakasunduan ng mga
mamamayang gumagamit nito. Sa paglipas ng panahon, nakabubuo rin ng mga bagong salita
dahil sa pagiging malikhain ng tao. Ang wika ay sumasabay rin sa uso. Naging bahagi ng
kulturang popular ang swardspeak, jejemon, at konyo. Pangunahing wika ng kabataang Filipino
ang slang. Binubuo ito ng isang leksikon ng mga hindi estandardisadong salita at parirala sa isang
tiyak na wika. Ito rin ay isang impormal na wika na ginagamit sa karaniwang
pakikipagkomunikasyon. Bahagi ang slang ng isang wika na lagpas sa kombensiyonal o istandard
na gamit ng wika. Para sa akin ay hindi magkakaroon ng maayos at pormal na usapan kung gagamitin
ang wikang Jejemon sa pakikipagtalastasan. Ang paggamit ng wikang Jejemon ay nangangahulugang
paggamit ng maling balarila kaya’t maaaring mahirapan ang mga kabataan sa paghahanap ng trabaho sa
kasalukuyan kung masasanay silang gumamit ng wikang Jejemon. Hindi katanggap tanggap ang wikang
ito lalo sa mga pormal na trabaho kaya’t pinapaalalahanan ang mga guro at magulang na hikayatin ang
kanilang mga anak at estudyante na gamitin ng tama ang ating wikang Filipino at wikang Ingles.
Magdudulot ang jejemon language ng malaking kamaliang intelektuwal sa mga kabataang gumagamit
nito. Mas makakalito sa larangan ng wastong gamit, ng wastong gramatika, at wastong balarila ang
paggamit ng jejemon language. Imbes na makatulong para mas mapahalagahan ang wika sa tunay na
gamit nito, mas magugulo pa. Kahit pa nagbabago ang wika kasabay ng panahon, marapat pa rin na
gamitin ng mga kabataan kung ano ang tama at nakasanayang gamit ng balarila

Binubuo ito ng mga bagong hangong salita, parirala o may pinalawak na kahulugan na
nakapaloob sa bawat terminolohiya. Kadalasan itong nagbibigay ng impresiyon sa tagapakinig
tungkol sa pag-uugali o nakagawian ng nagsasalita. Tumutugon din ito sa kraytiryang: A) ibinababa nito,
kahit pansamantala ang karangalan ng pormal na pagsasalita o pagsulat; B) ang paggamit nito ay
nagpapahiwatig na ang tao ay may kaalaman sa mga terminong ginagamit ng ibang pangkat; C) ang
salita ay isang taboo sa ordinaryong diskurso sa pagitan ng mga taong may mas mataas na katayuan sa
lipunan o may mas higit na responsibilidad; D) ginagamit ito upang mabawasan o maiwasan ang
pagkayamot na dulot ng mahabang salita o mahabang paliwanag tungkol sa kahulugan ng salita.

You might also like