You are on page 1of 2

Villasoto, Ira Mhae D.

ESFL 3-1
PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Ano ang kahulugan ng salitang “titik” sa terminong PANITIKAN?


- Ang salitang “titik” ay nangangahulugang literature.
2. Alin sa mga nabanggit na pagpapakahulugan ng salita ang umaayon sa iyong
sariling pananaw? Ipaliwanag kung bakit.
- Ang aking napiling pagpapakahulugan ay ang nabanggit ni Salazar na “Ito ay isang
lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya ng isang ideyang
nagpupumiglas makawala.” Dahil ang panitikan ay maituturing na identidad at pinag-
ugatan ng ating tinatamasa sa kasalukuyan. Ang kasaysayan ang nagpapagalaw rin sa
kasalukuyan at ang panitikan ay may kakahayang magpalaya ng ideyang
nagpupumiglas kumawala kapag ang isang tao ay may nabubuong katanungan sa
kanyang isipan at pilit niya itong hinahanapan ng kasagutan. Kapag ang sagot ay
kanyang nakita sa panitikan o mga babasahin, maaari itong magsilbing susi upang
kumawala sa katanungang nasa kanyang isipan.
3. Paano makatutulong sa kahusayan ng panitikan na mabatid ng mga mag-aaral sa
ngayon ang kalakasan at kahinaan nito sa nagdaang panahon?
- Ang panitikan ay kaugnay ng ating kasaysayan kung kaya’t mahalagang mabatid at
mapag-aralan ng mga mag-aaral at mabigyan pagpapahalaga an gating panitikan.
Marami sa kabataan, lalo na sa kasalukuyan ang hindi hilig ang magbasa dahil sa pag-
aakalang ito ay mahirap unawain at nakakabagot basahin. Ngunit kung ang mag-aaral
ay patuloy na aaralin at tutuklasin ang ating Panitikan, malawak ang sakop nito at
maibibigay pang dagdag kaalaman. Magagawa ng panitikan na makapagpakilala ng
iba’t ibang kultura, makapagparamdam ng damdamin at sitwasyon, makapaglarawan
at makabuo ng larawan o imahe sa isipan ng mambabasa o tagapakinig sa
pamamagitan lamang ng akdang pampanitikan.
4. Ano ang pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na uri ng panitikan?
- Ang pasulat na uri ng tuluyan ay tumutukoy sa mga akdang naisusulat o naililimbag.
Ito rin ay maaaring maituring na nasa anyo ng tuluyan.
- Pasalita naman ang mga panitikan na binabanggit, kinukwento, nilalarawan o
isinasalin-dila.
5. Paano nagkakaiba ang Anyong Tuluyan at Anyong Patula ng panitikan?
- Ang anyong patula ay maaaring lirikal at may tinataglay na tugma habang ang
anyong tuluyan naman ay tinuturing na prosa ito ay maaaring pakwento, patalata at
may dalang aral.
6. Kung ihahambing ang sanaysay sa iba pang genre ng panitikan tulad ng dula at
tula, ano ang katangi-tangi sa sanaysay?
- Ang sanaysay ay parang maikling kuwento at nobela na mayroong pagsasalaysay o
pagpapahayag. Katangi-tangi naman sa sanaysay ay ang katangian nito na mula sa
dalawang salita na sanay at salaysay o sanay sa pagsasalaysay. Mababatid na ang
sanaysay ay inaasahang mayroong malaman, mapagbigay kaalaman at nakasaayos
ang bawat pahayag at salaysay.
7. Alin sa 5 genre ng panitikan ang masasabi mong mas higit mong kinagigiliwan?
Bakit?
- Para sa akin, ang tula. Ito ay isa sa aking hilig gawin dahil sa pamamagitan ng tula,
nagagawa ko ang magpahayag ng aking damdamin at kaisipan sa malikhaing
pamamaraan. Sa pamamagitan ng pagpili ng wasto at mabulaklak na salita
naisasaalang alang ang kasiningan ng akda. Bukod sa madaling gawin para sa akin,
ang sarap sarap basahin at bigyan interpretasyon ang bawat tula.

You might also like