You are on page 1of 4

Villasoto, Ira Mhae D.

Panunuring Pampanitikan
ESFL 3-1 Mam Antiola

1. Sipi

Bayan Ko
by José Corazón de Jesús

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

2. Elemento/Sangkap ng Tula

A. Sukat- Ang tula o awit na ito ay walang sukat dahil hindi pare-pareho ang bilang ng
pantig sa bawat taludtod.

B. Tugma- Ang tula o awit na ito ay parehong nagtataglay ng tugmaang ganap at


tugmaang di-ganap.

 Unang Saknong: ang tugmaan nito ay maituturing rin na tugmaang di-


ganap. Makikita ang padron na a-b-c-d.
 Ikalawang Saknong: ang tugmaan naman nito ay tugmaang ganap.
Makikita ang ikalawang saknong ay may padron na e-e-e-e.

 Ikatlong Saknong: ang tugmaan sa ikatlong saknong ay maituturing rin


na tugmaang di-ganap. Makikita ang padron na c-b-a-d.

 Ika-apat na Saknong: ang tugmaan sa huling saknong ay tugmaang


ganap na may padron na e-e-e-e.

Legend:
a=c
b=k
c=d
d=g
e=a

Kabuuang suri sa tugma ng tula:


Ang tugmaan sa tulang ito ay halo ng tugmaang ganap at hindi ganap. Sa apat na
saknong dalawa ang mayroong tugmaang ganap at di-ganap. Napansin ko rin na ang
padron sa saknong dalawa ay pareho sa saknong apat habang ang unang saknong ay
halos kapareho ng mga ginamit sa ikatlong saknong, nag-iba iba lang ang posisyon o
pagkakasunod sunod pero iisa ang letrang ginamit.

C. Sensura- ito ay ang pansamantala o bahagyang pagtigil sa gitnang bahagi ng taludtod


na mayroong labindalawa at labinwalong pantig sa loob ng isang taludtod. Ang tulang
ito ay mayroong labindalawang pantig sa bawat taludtod kung kaya’t ang sensura ng
bawat taludtod karamihan ay nasa ika-anim na pantig. Nasa ibaba ang sipi na may
pinakikitang sensura:

Ang bayan / kong Pilipinas


Lupain ng ginto't / bulaklak
Pag-ibig na / sa kanyang palad
Nag-alay ng / ganda't dilag.

At sa kanyang yumi / at ganda


Dayuhan / ay nahalina
Bayan ko, / binihag ka
Nasadlak / sa dusa.

Ibon mang may layang / lumipad


kulungin mo / at umiiyak
Bayan pa kayang / sakdal dilag
Ang di magnasang / makaalpas!

Pilipinas kong / minumutya


Pugad ng luha / ko't dalita
Aking / adhika,
Makita kang / sakdal laya.

D. Saknong- ito ay ang grupo sa loob ng isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang
linya o taludtod. Sa kabuuan ng tula, mayroon itong apat na saknong na binubuo ng
apat na linya o taludtod (quatrain) bawat isang saknong.

E. Aliw-iw o Indayog- Ang tula o awit ni Jose Corazaon De Jesus na Bayan Ko ay


nagtataglay ng aliw-iw o indayog, kung babasahin ang tula sa tulong ng sensura,
nagkakaroon ng Indayog o taas-babang pagbigkas.

F. Larawang Diwa- Ang imahe o larawang nabuo nito sa aking isipan ay isang bansa na
may kagandahan at kapayapaan na napalitan ng poot at dusa.

3. Pagsusuri

1. Mga Teoryang Pampanitikan

1.1 Pormalismo

 Uring Pampanitikan – ito ay isang uri ng Tula.


 Istilo ng Paglalahad – ang istilo ng paglalahad ay payak, ngunit naisaalang-
alang pa rin ang kasiningan.
 Sensibilidad ng tauhan- ang tauhan ay may kamalayan sa nangyayari sa
kaniyang bayan. Siya ay kinikilala ang bansa na maganda at may kaayusan
ngunit ito’y unti unting nawala dahil sa mga dayuhan.
 Pag-uugnayan ng mga salita- ang mga salitang ginamit ay mayroong
ugnayan kahit na ito ay isang tula. May mga salitang hindi literal ngunit
maiuugnay pa rin ang mas malalim na kahulugan nito sa mga kasunod pang
salita.
1.2 Realismo
- Ito ay naglalarawan ng mga kaganapan na nangyayari sa totoong buhay at ang
mga nangyayari sa paligid. Ipinakita sa tula ang katotohanan kahit na hindi
magandang karanasan.

1.3 Historikal
- Dahil ito ay patungkol rin o nagpapahapyaw sa kasaysayan ng ating bayan. Kung
paanong ang kapayapaan ng Pilipinas ay naging karahasan dahil sa mga dayuhang
mananakop.

4. Sariling Reaksyon

- Ang tula o awit na ito ay nagsisilbing tagapagbigay ideya kung ano ang Pilipinas
noon at noong ito’y nasakop na. Maituturing na kalakasan ang pagiging maiksi ng
tula o awit ngunit malawak nararating ng mensahe.

You might also like