You are on page 1of 3

Pagsusuri ng Tula “Kabayanihan”

Ni: Lope K. Santos

1. Pamagat

Ang ipinapahatid na mensahe sa tulang ito ay ang kabayanihan ng ating mga bayani. Ang
mga paghihirap at sakripisyo nila na nagbunga ng kabutihan at kalayaan sa atin. Kahit na
walang kasiguraduhan ang magiging bunga ng kanilang mga sakripisyo ay ginawa pa rin nila
mula sa kanilang puso.

2. May Akda

Si Lope K. Santos ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang


kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K.
Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria
Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na
K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das
(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros
(Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng
Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula
na maihahambing sa larangan ng balagtasan. subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw
na Mang Openg. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at
itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipina.

3. Anyo ng Panitikan

Ang tulang Kabayanihan ay kabilang sa anyong panitikang pasalaysay na nagsasaad ng


kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao at ito ay isang halimbawa ng Epiko. Ito ay naglalahad ng buhay at mga pakikipagsapalaran
ng itinuturing na bayani ng isang lahi batay sa karanasan ng makata. Pasalaysay na inihayag
ng manulalat ang katangian na nasasaad sa akda. Ang manunulat ay malayang ibinahagi ang
kaalaman at karanasan ng isang natatanging bayani at deriktang ipinakikilala sa mambabasa
ang kanyang sariling damdamin at persepsyon bilang isang makata. Bayanihan ang
pinaghanguan ng paksa ng manunulat sa pamamagitan ng mga larawang diwa na ibinabahagi
niya sa ating damdamin.

4. Elemento ng Tula
a) Saknong: Ang tulang Kabayanihan ay mayroong limang saknong at bwat
saknong nito ay binubuo ng apat na taludtud at may tugmang di ganap.

Ang unang saknong ay naglalarawan ng kabutihang dulot bilang isang mabuting


mamamayan “na walang paupa sa hirap at pagod; minsang sa anyaya, minsang kusang-loob”
na may bukal sa kalooban na tumulong ng walang pag aalinlangan at kapalit. Ito’y inilarawan ng
may akda bilang pamukaw sa mambabasa.
Sa pangalawang saknong inihayag ng may akda ang maaring mangyari o kahihinatnan
ng isang pangyayari na nasasaad sa unang taludtud “Natatalastas mong sa iyong pananim iba
ang aani’t iba ang kakain”. Sa ikalawang taludtud ay nagsasaad ang madarama mo naroon ang
“datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw ang magpakasakit nang sa iba dahil”.

Ikatlong saknong inihayag ang sakripisyo na ibinigay ng isang mamamayang may


katangiang kabayanihan “Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay pinupuhunan mo at
iniaalay, kapagka ibig mong sa kaalipinan ay makatubos ka ng aliping bayan” na natatanging
mayroon ang isang tunay na bayani na handang iaalay ang kanyang sarili para sa ikararami ng
walang pag aalinlangan at pag dadalawang isip dahil ang tangis ninanais lamang ay ikabubuti
ng nasasakupan.

Sa ikaapat na saknong ay sinasalamin ng tunay na bayani ang pag asang maaring


matamasa ng mga mamayan ang bawat nasasaad sa akda “Sa tulong mo’y naging maalwan
ang dukha, sa turo mo’y naging mulat ang mulala, tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla” na hindi hadlang ang ano mang balakid basta’t ang
hangarin lamang ay makatulong at tulungan ang kapwa at mag bigay pag asa sa bawat
mamamayang nasasakupan ang kahulugan ng tunay na pagkakaisa.

Panghuling saknong ay binibigyang diin at pansin na maaring ang giinawa mong


kabutihan ay mag iwan ng isang napakahalagang aral sa bawat isa “Tikis na nga lamang na
ang mga tao’y mapagwalang-turing sa mga tulong mo; ang kadalasan pang iganti sa iyo ay ang
pagkalimot, kung di paglililo”.

b) Sukat:

c) Sesura
d) Tugma
e) Tono
f) Simbolo
g) Tayutay
h) Guni-guni
5. Teoryang Pampanitikan

Fhtu6

6. Bisang pam-panitikan
7. Pangkalahatang Reaksyon

KABAYANIHAN

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Lope K. Santos

You might also like