Ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864.
Kapwa magsasaka ang ama at ina na sina Inocencio Mabini
at dionisia Maranan. Edukasyon Bata pa lang ang nakitaan na ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na angbigay-daan upang makapag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888-1894. Taong 1896 nang magkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Naging punong tagapayo siya ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. Nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong ika-10 ng Disyembre, 1898. Nabilanggo siya sa hanggang ika-23 ng Setyembre 1900. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ang nagdulot sa kanyang muling pagkakadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam ay naisulat niya ang la Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong ika-13 ng Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Ang pamagat ay nangangahulugan na dapat ang mga Pilipino
ay hindi lang ang pagiging makabayan at makatao ang kailangang ipairal dapat ipairal din ang pagkamaka-Diyos. Buod ng Akda Ang Diyos ang dapat na ibigin sa lahat ng bagay. Kailangan na samabahin ang Diyos sa kaparaanang lalong minamarapat ng ating bait. At dahil ipinagkaloob Niya ang pag-iisip ay kailangan na linangin ito sa pamamagitan ng pag-aaral. Pangalawa sa Diyos na dapat mahalin higit sa ating sarili ay ang ating Inang bayan na isang natatanging paraiso na pinaglagyan ng Diyos ng buhay ng tao; unahing ipagpilitan ang kalayaan ng bansa kaysa kalayaan ng sarili sapagkat kung malaya ang bansay malaya rin ang tao. Hindi dapat na kilalanin ang mga lider na hindi inihalal ng sambayanan ngunit kilalanin lamang yaong inihalal ng sambayanan sapagkat siya ang may tunay na kapangyarihan at ihanap ng pilit ng republika ang bayan.
Ang kapwa ay dapat na ibigin katulad ng pag-ibig sa
sarili sapagkat binigyan tayo ng Diyos at ng ating kapwa ng katungkulang makipagtulungan at ituring ang kapwa na isang kapatid, katoto o kasama man lamang dahil iisa ang ating kapalaran, tuwa at kapighatian. Pagsusuri A. Panahong Kinabibilangan
Panahaon ng mga Kastila.
B. Sariling Puna
Ang sanaysay ay puno ng ibat ibang pagmamahal na
maaaring iuri sa tatlo: 1. pagmamahal sa Diyos (nang higit sa ano mang bagay) 2. pagmamahal sa Inang bayan (na pangalawa sa Diyos) 3. pagmamahal sa kapwa (na katulad ng pagmamahal sa sarili) Ipinapahiwatig ng sanaysay na sa lahat ng bagay ay dapat na ilagay natin ang Panginoong Diyos sapagkat nakikita sa ating mga kilos at gawi ang tunay na pagpapahalaga at pagsamba natin sa Kanya.
Bukod pa rito, pinupukaw nito hindi ang ating pagka-
Kristiyano ngunit ang ating pagka-totoong Pilipino. Ninanais nito na sambahin natin ang nag-iisang Diyos at hindi ang mga nagpapaka-Diyos sa ating bansa na ang mga Kastila noon. Mapapansin rito na binigyang-halaga ang pagmamahal sa ating bansa na hindi (o kung mayroon man ay hindi tuwirang nakikita) sa Sampung Utos ng Diyos.
Katulad ng Sampung Utos ng Diyos, walang
sinumang tao ang kayang makagawa ng lahat ng utos lalo na sa kasalukuyan na kabaliktaran ang ginagawa ng mga tao dahil sa laganap na pagpapasakit sa kapwa, sa bayan at lalo sa Diyos.
Ang mga utos ay sumasalamin sa isang tunay na
Pilipinong nagnanais na makalaya at makatulong sa Inang bayan. C. Gintong Kaisipan
Walang sinumang taong malaya sa isang nakagapos
na bansa.
Kung saan may buhay, may paraiso.
Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa bansa
at ang pagmamahal sa bansa ay pagmamahal sa kapwa. Tanging Pilipino ang makatutulong sa Pilipanas at kapwa Pilipino. Implikasyon A. Kalagayang Panlipunan Tiyak na napakasarap mamuhay sa isang lipunan na may mabuting hangarin, matiwasay at may paggalang sa isat isa. Ang Tunay na Sampung Utos ay maaring gawing huwaran ng bawat isa. Kung ating isabuhay ang Tunay na Sampung Utos ni Apolinario Mabini hindi imposibleng makamtan ang ganitong uri ng pamumuhay. Higit sa lahat sa isang lipunan ay kailangang magtulungan ang bawat isa at ipagtangol ang bayan.
Bilang isang Pilipino ay mayroon tayong mga kautusan hindi
lang sa Diyos pati na rin sa ating lipunan. Sa kautusang ito ay dito tayo sinusubukan kung saan ang ating paniniwala nasusukat at nararapat lang na atin itong pahalagahan.Pahahalagahan natin ang pagkatao para sa bansa at sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod nitong kautusan. B. Kalagayang Pangkabuhayan
Mataas man o mababa ang estado ng buhay ng
tao mahirap man o mayaman. Hindi maiwasan na magkawatak-watak ang buhay ng isang tao dahil lahat ng pangyayari ay naaayon sa Diyos lamang. Angkop na angkop sa pagpapaintindi ni Apolinario Mabini sa atin na kung ano ang Pilipino dahil sa ating buhay ang utos ay natatanging daan para ang mga Pilipino ay may dangal, katarungan, pagiging matapang, may takot sa Diyos, at higit sa lahat pagmamahal sa sariling bayan. C. Kalagayang Pansarili
Ayon sa sanaysay ay kailangan nating mahalin ang
Diyos, ang ating Inang bayan at ang ating kapwa. Kalakip nito ay ang ating pagmamahal sa ating mga kabuhayan. Upang maipakita ang mga pagmamahal nating ito ay kailangan tayong maging malinis at matapat sa lahat ng bagay lalo na sa ating ikinabubuhay dahil ito ang magsasalamin sa kung gaano natin kamahal ang Diyos gayundin ang ating bansa at ang ating kapwa. Sa pagiging malinis ay ipinipahiwatig na ang kabuhayang ating pinanghahawakan ay hindi bunga ng masasamang gawi gaya ng pagnanakaw, pagdodroga at iba pa na makasisira hindi lamang sa ating reputasyon kundi sa ating puri bilang mga Pilipino. Mas mabuti pang mas mahirap kaysa daga na mayroon namang malinis na kabuhayan kaysa yaong napakayaman nga ngunit ang kabuhayan namay sindumi ng budhi ng gumagawa nito.
Sa pagiging matapat ay ipinapahiwatig na kahit sa
simpleng pagbabayad ng tamang buwis, panunukli, pagtitimbang at iba pa ay maisasakatuparan na natin ang tunay na pagmamahal. Hindi ang paninira ng ibang tao upang umangat at mas yumaman, panloloko at pagsisinungaling.