You are on page 1of 21

Isang Dipang

Langit
PANGKAALAMAN
Si Amado V. Hernandez ay kilala sa sagisag-panulat na
Amante Ernani, Herminia dela Riva, at Julio Abril. Nakilala
ang kaniyang kahusayan noong panahon ng mga
Amerikano. Tinagurian siyang National Artist in Literature
dahil sa kaniyang angking kahusayan sa larangan ng
panitikan. Ngunit minsan din siyang nakulong dahil sa
salang sedisyon at habang nasa kulungan ay naisulat niya
ang tulang Isang Dipang Langit na isa sa mga
pinakamahalaga niyang tula.
Isang Dipang Langit
ni Amado V. Hernandez
1
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
2
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
 
3
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
4
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
 
5
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala – kaladkad ng pang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
6
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

7
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat-may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
8
At ito ang tanging daigdig ko ngayon-
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
 
9
Ngunit yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis parin itong aking puso;
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng ‘di pagsuko.
 
10
Ang tao’t Bathala ay ‘di natutulog
at ‘di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
 
11
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha
sisikat ang gintong araw ng tagumpay,
layang sasalubong ako sa paglaya!
 
Gawaing sa Pagkatuto bilang 1
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
sinalungguhitan na ginamit sa tula. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan.
_______________1. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato,
bakal, punlo, balasik ng bantay.
_______________2. Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
_______________3. Kung minsan, ang gabi’y biglang
magulantang sa hudyat-may takas!- asod ng punlo;
_______________4. Kung minsa’y tumangis ang lumang
batingaw, sa bitayang moog, may
naghihingalo.
_______________5. Lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring
kahit buhay man ay patay.
_______________6. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-
kaladkad ng pang madugo.
_______________7. Ang tao’t Bathala ay ‘di natutulog at ‘di
habang araw ang api ay api,
_______________8. Tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may bastilya’y may bayang gaganti.
_______________9. Kung minsa’y tumangis ang lumang
batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo.
_______________10. Ang buong magdamag ay
kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Gawaing sa Pagkatuto bilang 2
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa mga akdang
binasa.
1.Ano ang nais ipabatid ni Amado V. Hernadez sa mga
mambabasa sa pagsulat ng tulang Isang Dipang Langit?

2. Anong suliraning panlipunan ang mababatid sa tula?

3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula? Ipaliwanag.


4. Bakit naisulat ng manunulat ang tulang Isang Dipang Langit?

5. Bakit pinamagatang Isang Dipang Langit ang tula?

B. Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga simbolong


ginamit sa akdang binasa.
1. puno
2. kuta
3. dungawan
4. tanikala
5. birang
Ano nga ba ang tula at mga anyo nito?

Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa


pamamagitan ng paggamit ng tayutay, at malayang
paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo, Kung minsan
ito ay maikli kung minsan ito ay mahaba.Ito ay binubuo ng
mga saknong at mga taludtod na karaniwang wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhing
pantig. https://brainly.ph/question/447250#readmore
 
Mga Anyo ng Tula
1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may
sukat,tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma.

3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma.


Ang anyo ng tulang ito ay siyang
nanaluktok na anyong tula sa panahon ng

paghingi ng pagbabago ng mga kabataan.


 
 

TULANG MAY MALAYANG TALUDTURAN


Ang tulang may malayang taludturan ay isang
makabagong anyo ng tula na walang sinusunod na sukat
at tugma. Sa ganitong anyo, maaaring mag-iba-iba ang
bilang ng pantig sa bawat taludtod at ang huling tunog ng
bawat isa. Ngunit hindi ito nangangahulugan na mas
madaling gawin ang isang tulang may malayang
taludturan kaysa sa isang tradisyunal dahil kailangan pa
ring panatilihin ang mga batayang katangian ng isang
akdang taludturan, gaya ng sumusunod:
1. TALINHAGA – Ayon kay Roberto Añonuevo, ito ang
“nagtataglay ng diwa o buod na nilalaman ng tula; ang
disenyong nagtatakda ng paraan ng pagpapahayag,
paglalarawan, o pagsasalaysay ng tula”. Sa madaling
sabi, ang talinhaga ang nagtataglay ng “misteryo” ng tula
na kapag natuklasan ng mambabasa ay magpapaunawa
din sa kaniya ng mensahe nito. Ayon naman kay Lope K.
Santos, ang talinhaga ng tula ay mauri sa dalawa:
mababaw o iyong madaling makuha sa pagbasa ng mga
salita at malalim iyong humihingi ng mas seryosong
pagsusuri bago makuha ang ipinahahayag.
2. HARAYA – ito ang paggamit ng angkop, malinaw
at masining na pananalitang lumilikha ng mga
imahen o larawang-diwa sa isip ng mga mambabasa
at nagpapadanas sa kanila ng pagiging totoo ng tula.
Kasama rito ang paggamit ng mga tayutay at
matatalinhagang pananalita na lalong
nakapagpapataas sa katangiang estetiko ng tula.
Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino” si
Alejandro G. Abadilla dahil sa paglaban niya sa nakagisnang anyo
ng panulaan na lubha umanong romantisado at nakatuon sa
paggamit ng sukat at tugma. Ang kaniyang tulang “Ako ang
Daigdig” ay ang nangungunang halimbawa ng tulang may
malayang taludturan. May malalim na talinhaga ang tula dahil
kailangan itong suriin nang mabuti upang maunawaan ang
paglaya na tinatalakay ng may-akda. May mabisa rin itong haraya
dahil kahit may tendensiyang magpaulit-ulit ang nilalaman ng
mga taludtod nito, napapanatili ng bawat isa ang pagiging
natatangi kaya natatangi din o magkakaiba ang bawat imaheng
nabubuo sa isip.
Elemento ng tula
1.Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
na bumubuo sa bawat saknong. Ito ay maaaring may
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, o
lalabingwaluhing pantig.

2. Saknong - Ito ay ang pangkat na kinapapalooban ng mga


taludtod. Ito ay kadalasang binubuo ng dalawang linya, ngunit
maaari ring magkaroon ng iba pang dami ng linya o taludtod. Ito
ay maaaring maging couplet, tercet, quatrain, quintet, setset,
septet, o octave, ayon sa gusto ng isang manunulat.
3. Tugma – Tumutukoy ito sa pagkakasingtunog ng mga huling
pantig ng huling salita sa bawat taludtod. Nakadaragdag ito ng
kagandahan sa pagbigkas ng tula at nagbibigay ng ritmo o indayog
dito.

4. Persona - Ito ay ang panauhan na nagsasalita sat ula. Maaaring


ito ay nasa una, ikalawa, o tatlong panauhan.

You might also like