You are on page 1of 1

Villasoto, Ira Mhae D.

ESFL 3-1

Gawain
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

1. Ano ang Barayti ng Wika?


- Ayon sa aking nasaliksik, ang barayti ng wika ay tumutukoy sa iba’t ibang
barayti o uri ng wika na ginagamit ng iba’t ibang bansa, nabibilang sa isang
pamilya at ginagamit ng iba’t ibang linggwistikong grupo.
DAGHAN(Variety) Hal. Wikang ginagamit ng mga estudyante, manggagawa,
mga tambay sa kanto, mga tindera at anumang grupo.
2. Ano ang Baryasyon ng Wika?
- Ito ang iba’t ibang manipestasyon ng wika.
- Ang baryasyon ay ang pagkakaiba sa pagbigkas, grammar o pagpili ng salita sa
loob ng wika.
- Ang baryasyon sa wika ay maaaring may kaugnayan saa rehiyon, sa uring
sosyal at/o sa uri ng edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng isang sitwasyon na
pinaggamitan ng wika ( Richards, Plaatt aat Platt,1992)
KALAHIAN(Variation) Hal. Ang Filipino at ang ibang wika sa Pilipinas
3. Paano nagkakaroon ng Barayti at Baryasyon ang isang wika?
- May iba-ibang uri ng wika kaya nga sinasabing may barayti ng wika.
- Ngkakaroon ng iba-ibang uri dahil may pagkakaiba o baryasyon sa mga aytem
na pangwika.
- Maaaring ang baryasyon ay nasa tunog, mga salita o bokabolaryo at sa
estrukturang gramatikal o sa lahat ng ito.
- Ang mga ito ay eksternal na paktor na maaaring heyograpikal o grupong
sosyal.

You might also like