You are on page 1of 5

Pangalan: Villasoto, Ira Mhae D.

Petsa: Mayo 6, 2021


Taon / Pangkat: ESFL 3-1 Subjek: Panunuring Pampanitikan

Pagpapakilala sa Sanaysay
Ang sanaysay ay may pamagat na Kaligtasan sa Pagkain at Pagkakaroon sa
panahon ng Pandemya ng Coronavirus, walang nakatala kung sino ang sumulat o
awtor nito. Matatagpuan ang sipi sa website na
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/kaligtasan-sa-pagkain-pagkakaroon-
sa-panahon-ng-pandemya-ng-coronavirus at ito ay pinost noong ika-1 ng Abril taon
2020. Sinubukan kong hanapin sa kanilang website ang sumulat ngunit walang ibang
detalye patungkol dito. Sa aking puna, ang manunulay ay may kaalaman sa kanyang
tinatalakay, siya rin ay may ipinapakitang estilo na siyang indikasyon na siya ay may
isinagawang pananaliksik at mayroong mga batayan na siyang nabanggit bilang mga
anotasyon sa sanaysay. Pumapasok ito sa teoryang sikolohikal dahil ginagamit ng
manunulat ang kanyang isipan sa pagbuo ng akda at maari ring nagkaroon ng pagkilos at
pagpapasilip ng kaugalian ng manunulat na magsagawa ng pananaliksik bago buuin ang
kanyang sinusulat.

Pagsusuri sa nilalaman ng Sanaysay

Paksa Ang nagsisilbing paksa ay ang Suplay at Ligtas baa ng pagkain


sa Estados Unidos.
Banghay Aking nakita na ang sanaysay ay sinimulan sa pagpapahayag sa
mga ginagawa ng United States Food and Drug Administration
upang siyasatin ang mga pagkain upang mapanatili ang kaligtasan
ng mga kumukonsumo nito. Ito ay papasok sa teoryang humanismo
dahil sa kanilang layunin na panatilihing ligtas ang buhay ng kapwa
nila tao, naipapakita na pinapahalagahan nila ang buhay ng isang
tao na siyang isa sa depinisyon ng nabanggit na teorya. Sumunod
na natalakay sa sanaysay ay ang pagiging ligtas ng pagkain sa
Estados Unidos at ang suplay nito. Masusing binubusisi ng mga
taga-FDA ang bawat pagkain upang malaman o matukoy rin kung
sakali mang ang pagkain ay puwedeng magdala ng virus na
maipapasa sa kakain nito. Hindi lamang coronavirus ang tinutukoy
dito dahil ang nasabing virus ay naipapasa naman kapag ikaw ay
naexposed sa infected. Ganunpaman, sinusuri pa rin ng mga
eksperto kung may iba pa bang virus o sakit ang pupwedeng
makuha sa pagkain. Sumunod ay patungkol sa kung nagkakaroon
ba ng kakulangan sa suplay ng pagkain dahil nabanggit sa akda na
magmula na kumalat ang coronavirus natakot na ang tao na
lumabas para mamili ng pagkain kung kaya’t naparami ang bilang
ng mga produkto na binibili ng bawat isa. Kumbaga nagkaroon ng
‘panic buying’ at kahit ganoon ang nangyayari. Pinayuhan naman
ng Retail Industry na walang dapat ikabahala dahil hindi naman
nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga pagkain. Sumunod
naman na nabanggit sa akda ay ang pag-iimbestiga at
pagsasakatuparan ng mga hakbang upang maiwasan at
masolusyunan ang mga sakit na pupwedeng makuha sa pagkain
lalo sa panahon ng pandemya.
Mahahalagang Datos Ang mahalagang datos na nakita ko ay ang anotasyon o pagbanggit
na Pinili sa US FDA at iba pang ahensya na nagbigay datos at nagpatibay sa
sanaysay. Mahalaga ang pagkakaroon ng hakbangin upang
maiwasan at maagapan kung sakaling may kaharapin mang
problema ang suplay at pagiging ligtas ng mga pagkain sa America.
Mahalaga rin ang na nabanggit na hindi lamang COVID ang dapat
iwasan na sakit sa panahong ito dahil maraming sakit ang pupwede
rin makuha lalo kung hindi ito nasuri ng maayos. Muling papasok
dito ang teoryang sikolohikal dahil sa matalinong pag-iisip at ang
kaugalian ng mga namumuno sa kanila upang mapangalagaan ang
kaligtasan ng kapwa nila. Pupwede rin ang teoryang sosyolohikal
dahil ang usaping ito ay may kinalaman sa lipunan.

Elemento/Prosesong Sa elemento, aking nabakas na nagkaroon ng simula, gitna at


Sangkot sa Pagsulat wakas. Kung saan sa sinimulan ang akda sa pagpapakita ng
aksyong ginagawa ng mga ahensya para matiyak ang kaligtasan at
suplay ng pagkain. Ayon kay Kellogg “Ang pag-uusap at
pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng
pagsulatay hindi matatamo kung walang kalidad ng isip.” Ang
pahayag na ito ay patunay na nagiging epektibo ang sulatin kapag
pinag-isipan ang lalamanin ng akda. Masasabi kong itong sanaysay
ay matagumpay na nagtaglay ng elemento o proseso at isa sa
halimbawa ay ang kaisahan, kung saan ito ay mayroong paksang
tinatalakay, at ito ay umiikot lamang sa paksa at hindi nalalayo o
lumihis. Sa sanaysay, masasabi kong ito ay may kaisahan dahil ang
paksa ay patungkol sa seguridad ng pagkain at suplay nito na siya
rin namang nagtapos pa rin sa paksaing ito at nagkaroon lamang ng
ilang dagdag paalala. Sumunod ay ang koherens, kung saan
naipakita naman ng may-akda ang pagkakaroon ng ugnayan ng
bawat pangungusap. Nagawa ring magbigay anotasyon ng
manunulat kung kaya’t masasabing kongkreto ang naging pahayag.
Isa pa sa dapat taglayin ng sulatin na aking nakita ay ang
kalinawan, na siyang tumutukoy sa pagiging malinaw at hindi
maligoy na pangungusap. Ang sanaysay ay impormatib at
persweysib kung kaya’t nararapat lamang na maging direkta at
hindi gaanong ‘malaro’ o ‘masining’ ang pagpapahayag. Panghuli
ay ang empasis dahil nagkaroon ng pagbibigay-diin at pokus sa
paksa.

Naratibo Ang nais iparating ng sanaysay ay ang pagtitiyak ng mga ahensya


sa kaligtasan at suplay ng pagkain. Ang akda ay nagpapahatid ng
impormasyon sa kung paano dumadaan sa proseso at pagsusuri ang
mga pagkaing kanilang kinokonsumo. Nagpaparating din ang
sanaysay ng mga dapat gawin upang maiwasan ang makakuha ng
sakit sa mga pagkain.
Punto-de-bista Sa aking pagtingin, ang punto-de-bista ng manunulat ay mabigyang
kaalaman ang mga mamamayan ng Amerika sa na mayroong
ahensya o tagapangasiwa na tinitiyak ang ligtas at masaganang
pagkain sa kanilang bansa. Nagbibigay din ito ng paalala na hindi
kailangan mag panic buying ang mag tao dahil hindi naman
magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain. Nais ding
bigyan kasagutan ng manunulat ang mag tipikal na tanong ng
nakararami kung kaya’t mapapansin na may bahagi ang sanaysay
na patanong ang pamamaraan at sinagot naman ito bilang bahagi ng
akda.
Katahimikan o Ang sanaysay ay impormatibo ngunit sa pamagat, hindi agad
Omisyon, kakulangan matutukoy kung saan ba ito, o hanggang saan ang napapabilang
dito. Ang pamagat ay tila nagpapahiwatig na ito ay para sa buong
mundo o pangkalahatan, ngunit matapos kong basahin ang akda ay
aking natukoy na sa Amerika lang pala ito. Dapat nating tandaan sa
pagsulat na kailangan mag-isip ng tawag-pansing pamagat ngunit
hindi dapat magkaroon ng pagmamalabis. Ito ay pinagtitibay ng
sinabi ni Monzon, na “ang pamagat ang nagbibigay ideya sa
mambabasa kung ano ang lalamanin ng akda, kung kaya’t nararapat
lamang maging mapili sa gamit ng salita.”

Iba Pang Pansin Aking napansin na hindi nabigyang pahapyaw sa pinagmulan ang
ginagawa ng US FDA. Hindi nabanggit kung nagsimula lang ba
ang mga hakbanging ito noong nagkaroon ng COVID o noon pa
ma’y mag ganito na silang sistema.

Tungkulin/Silbi ng Ang naging tungkulin ng panitikan ay ang makapagbigay


KP impormasyon patungkol sa seguridad sa pagkain at kahalagahan ng
panitikan ay ang tulong na naidudulot nito sa mambabasa.
Mahalaga ang panitikan dahil nagagawa nitong makapagpasilip ng
isang karanasan o katotohanan na limitado at hindi kadalasang
bukas sa nakararami. Nagsilbi rin ang panitikan na daan para sa
mga eksperto na mag bigay paaalala sa tao upang mapanatili ang
kaligtasan.

You might also like