You are on page 1of 5

Pinal na Awtput 

Pangalan: Mae Jean Lemente Iskor: __________________

Kurso at Seksyon: BSED – FILIPINO 2A Instraktor: MR. ARNEL T. NOVAL

Panuto: Balikan ang nasaliksik na tekstong teknikal. Isalin ito at sundin ang pormat na
nasa  ibaba. 

I. Introduksiyon (250 salita) 

Sa kasalukuyan panahon , hindi maitatatwa na maraming mga tao ang nagkakaroon


ng "stress" dulot ng mga krisis na kinakaharap ng ating bansa. Ang “stress” ay isang
pangkatawan, pandadamin at pangkaisipang kabigatan na nararamdaman ng tao kung
binubuhusan ng buong sigla ang mga ginagawa na naging sanhi ng pagkasakit ng tao
maging puno't-dulo kung bakit marami ang nagkaroon ng "mental breakdown" at "
suicide" dahil na rin sa kakulangan sa pangangasiwa nito. Hindi maiiwasan ang stress
ngunit pwede itong mapapangasiwaan. Kaya't kinakailangan na magkaroon ng sapat na
mga kaalaman ang mga tao ukol sa mga pamamaraan sa pangangasiwa nito para
maiwasan ang iba pang komplikasyon. Ilan sa mga pamamaraang ito ay ang
pagkakaroon ng isang masinsinang pag-uusap sa mga minamahal sa buhay upang
mabigyan at mapagkunan ng lakas ng loob, pag-aalaga sa sarili gaya pag-eehersisyo at
pagkain ng masustansyang gulay at prutas maging pag-iwas sa mga alcoholic na mga
likido at paggamit ng tobacco , paghahanap ng makakatotohanan impormasyon ukol
nararanasan upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano ito pangngasiwaan
at pagkakaroon ng kahiligan gaya ng pagguhit, pagsasayaw at pagkanta para malihis
ang sarili .Sa karagdagan, ang paglilimit ng sarili sa mga social media ang
pinakadahilan ng pagkastress ng maraming mga kabataan ngayon kung kaya't
kinakailangan bigyan ng limitasyon ang sarili sa paggamit ng social media.

Maraming mga teknikal na sulatin na kung saan tumatalakay sa mga pamamaraan


kung paano mapamahalaan ang stress ngunit karamihan sa mga ito ay nasa wikang
Ingles. Kung gayon ,nilalayon ng pagsasalin na ito na mabigyang impormasyon ang
mga tao hinggil sa pangangasiwa ng stress maging mapalawak ang intelektwalisayon
sa wikang Filipino . Nasusukat din ang tiwala sa sarili , lakas ng loob at
intelektwalisayon ng tagasalin sa mga terminolihiyang mahirap hanapan ng katumbas
mula sa orihinal teksto hanggang sa Tunguhang lenggwahe upang mapagtagumpayan
ang ginagawang pagsasalin.

II. Dahilan sa Pagpili ng Paksa (isang talata) 

Ang isinasaalang-alang sa pagpili ng paksa ay nararapat na ito ay isang teknikal na


sulatin. Kinakaikailagan na naaayon ito sa napapanahong isyung kinakaharap ng ating
bansa. Sa karagdagan, saklaw nito ang kakanyahan at abilidad ng tagasalin ibig
sabihin dapat kayang isaling ang napiling teksto upang lubos na mapagtagumpayan
ang gawain.

III. Mga Hamon at Hakbang sa Pagsasalin (dalawang talata)

Maraming mga balakid ang naranasan habang isinasagawa ang pagsasalin sa piniling
teknikal na teksto, una ay ang pagpili ng teksto na saklaw sa abilidad ng tagasalin
maging sa kung paano makamit ng awtor ang mga layuning makapagbahagi ng
impormasyon hinggil sa pamamahala sa “stress” na kung saan laganap sa buong
mundo. Ikalawa, ang mga paggamit at pagpili ng mga angkop na terminolohiya na
akmang-akma sa mga mambabasa. Dagdag pa nito, ang pagpapanatili ng diwa ng
orihinal na tektso.

Ang pinakaimporateng isinasaalang-alang upang mapagtagumpayan ang pagsasalin


ay ang pagpili ng teksto at paghahanda sa sarili sa gagawing pagsasalin. Pagbabasa
sa napiling teksto upang makapagebalwayt at makapag-analisa sa diwa ng orihinal na
tesksto upang maisalin ito sa pinakamalapit nakahulugan nito.
IV. Saling Teksto 

Orihinal  Ebalwasyon ng  Komento  Pinal na Salin


Sali
Orihinal  Ebalwasyon ng  Salin Komento  Pinal na Salin

V. Pakinabang ng Saling Teksto (isang talata) 

 Talakayin kung ano ang magiging ambag ng pagsasalin sa tekstong  napili sa lipunan at sa akademiya. 

VI. Kongklusyon 

 Pangwakas na pahayag, paghuhusga, realisasyon o di kaya’y mga  natutuhan at payo sa pagsasagawa ng


pagsasalin. 

You might also like