You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

DYNAMIC LEARNING PLAN 3


PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
ASIGNATURA
SA PANANALIKSIK
PAKSA TEKSTONG PERSUWEYSIBO
Mahusay na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
SANGGUNIAN
pp. 11-15 ni Leticia C. Paglinwan et.al
LINGGO ARAW

Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng Tekstong


Persuweysibo;
LAYUNIN
Nasusuri ang iba’t ibang bahagi ng Tekstong Persuweysibo;
Nakasusulat ng isang Tekstong Persuweysibo.
KONSEPTO
TEKSTONG PERSUWEYSIBO
 Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning
manghikayat o mangumbinsi sa pamamagitan ng mga
salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng mga
matibay na patunay o ebidensya.
 Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa na
maniwala, o kung hindi na ma’y magkaroon ng matibay
na posisyon hinggil sa isang isyu.
 Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng
tekstong gagawin ng isang manunulat, kinakailangang
mayroon itong katangiang mapanghikayat upang
mapaniwala at mapasang- ayon ang mga mambabasa

Sangkap ng Tekstong Persuweysibo


1. Pili, Maayos, at Epektibong gamit ng mga Salita
 Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang
makapanghikayat. Isinasaalang- alang din ang target
na mambabasa sa paggamit ng mga salita upang
masiguro na maunawaan nila ang teksto.
ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Kinakailangang makuha, hindi lamang ang interes,


kundi pati na ang “puso” ng mga mambabasa.
2. Disposisyon
 Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga
nanghihikayat, at kung siya ba ay naniniwala sa
kanyang inilalahad o hindi. Mababakas ang
paninindigan ng manunulat, batay sa paghabi niya
ng mga salita sa organisadong paglalahad ng mga
ideya.
3. 3. Matibay na Patunay
 Makikita ito sa pamamagitan ng mga datos ayon sa
napatunayang pag- aaral , sinaliksik, o istatistika.
Marami sa mga tekstong persuweysibo ay nagpapakita
rin ng grap o tsart.

3 Uri ng Panghihikayat ayon kay Aristotle


 ETHOS- naiimpluwesyahan ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa
ganitong paraan,kailanagng nagtataglay ng sapat na
kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o
tagapagsalita.
 PATHOS- pag- apila sa damdamin ng tagapakinig. Ito
marahil ang pinakamahalagang paraaupang
makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag
naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang
tinatalakay.
 LOGOS-paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip.
Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa
ay labis na nakaaapekto sa panghihikayat.

Halimbawa ng Tekstong Persuweysibo


1. Talumpati sa pangangampaya at rally
2. Catalog
3. Brosyur
4. Editoryal sa pahayagan
5. Mga advertisement sa radyo at telebisyon
6. Flyers
ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan at sagutin ito.
(10 puntos)

1. Bilang isang indibidwal, sang-ayon ka ba na TAMA ang manghikayat


KATANUNGAN kahit na minsan ay alam mo sa sarili mo na mayroong mali at wala
/ itong katotohanan? Bakit? Ipaliwanag. Bilang isang individual Hindi
tama ang manghikayat lalo na Kung Hindi ka sigurado sa iyong
AKTIBIDAD sariling palagay. Bago mo ito gawin maigi munang pag-isipan ito
ng mabuti, siguraduhing maigi at para narin maiwas an ang
anumang aksidente ang mangyari sa taong hihikayatin.

2. May pagkakataon ba sa iyong buhay na nanghikayat ka o nangumbinsi


ng tao na paniwalaan ka sa iyong mga sinasabi kahit na ito ay may
halong kasinungalingan? Bakit? Ipaliwanag. Oo, dahil kung ito ay
may kasinungalingan ito ay hindi tama, dahil kapag may taong
naniwala sa sinabi nito ay maraming mapapahamak at
madadamay sa kasinungalingang pinakalat.
Panuto: Gumawa ng isang simpleng video tungkol sa Tekstong Persweysibo
at gawin itong simple ngunit malikhain. Maaring gawin ito bilang isang
patalastas o advertisement na nakikita at napapanood sa mga telebisyon,
tulad ng mga produkto at serbisyo na ini-endorso (life insurance, health
insurance atbp.)

Ang mahalaga’y maipakita ang katangian ng Tekstong Persweysibo, at kung


paano mo mahihikayat, makukumbinsi at mapapaniwala ang iyong
tagapanood.
PAGLALAPAT

PAMANTAYAN BAHAGDAN
Pagkamalikhain 15%
Pagkamasining 15%
Panghihikayat/ 20%
Pangungumbinsi
Kabuuan 50%
ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PREPARED BY: NOTED BY: CHECKED BY:

G. Jimmy D. Lumampao G. Homer D. Maduro G. Daniel John S. Cariazo

Subject Teacher Subject Coordinator Principal, High School Department

You might also like