You are on page 1of 2

Aralin 3: Mga Uri ng Teksto (PERSUWEYSIB)

MGA LAYUNIN:
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
• Nabibigyang-kahulugan ang tekstong persuweysib
• Naisasagawa ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib
References
https://youtu.be/m9RrTxIn_Ac
TALAKAYAN
Ang isang persuweysib na teksto ay naglalayong makuha ang loob ng mambabasa. Napakahalaga
na makilala ng manunulat ang mga mambabasa dahil naaayon dapat sa kanila ang pagkakahubog ng
kanyang isinulat. Upang maging matagumpay ang panghihikayat, kinakailangang ang lahat ng
impormasyon ng akda at mailahad ito sa mambabasa sa parang mababago nito ang kanyang paniniwala
o di kya ay lalong tumibay ang pinapaniwalaan. Nagbabahagi ng kanyang sariling opinyon at
kinakailangang may mga patunay ang kanyang mga inilahad. Masusukat ang kanyang tagumpay kung
mapapaniwala niya ang isang indibidwal at mapapakilos ito. Sa tekstong ito mas nangingibabaw ang
subhetibong bahagi.
PARAAN ng PAGSULAT ng TEKSTONG PERSUWEYSIB
1. PAGGAMIT NG DAMDAMIN
Ang tagumpay ng isang tekstong persuweysib ay nakasalalay sa pagkumbinsi ng may-
akda sa mga mambabasa na sumang-ayon sa kanyang isinulat. Gamit madalas ng tekstong ito ang
damdamin upang mas mapadali ang pagkuha ng loob ng bumabasa. Mula sa pinakamababaw ay unti-
unti niya itong nahuhubog na maging malalim na damdamin.

2. MAHUSAY na PAGBUO ng mga IDEYA

Upang lubusang maging matagumpay ang pagkuha ng loob ng mga mambabasa


kinakailangang mahusay ang paggamit ng mga salita ng may akda. Ito ang kanyang kasangkapan para
maging matagumpay. Mainam kung naipadarama niya ang kanyang nararamdaman o kaya ay
nadidiktahan niya ang puso ng bumabasa. Dapat ay mahusay niyang nailalahad ang paksa na kasama ang
damdamin at mas nangingibabaw ito kaysa sa isipan.

3. MALALIM na KAALAMAN TUNGKOL sa PAKSA

Ang pagtamo ng malalim na kaalaman sa paksa sa ganitong teksto ay kadalasang


bunga ng karanasan. Dahil sa pagkakasangkot sa sitwasyon ay nagbubunga ng epekto sa kanyang
nararamdaman at mas nailalahad niya nang buong kahusayan ang sitwasyon. Dahil dito, nagkakaroon ng
simpatya ang mga bumabasa ng akda at nakukuha ang kanilang saloobin.

Gawain A

Panuto: Basahin ang akdang " Alin Ang Higit na Mabisa:"Ang Pangaral o Pamalo?" ni Remedios B.
Ramos at sagutin ang sumusunod na katanungan. Ilagay ang iyong kasagutan sa espasyo sa ibaba ng
pahinang ito.
1. Ilarawan ang dalawang makata.
2. Ilahad ang paraan ng makatang si Ana sa pagdidisiplina.
3. Bakit di sang-ayon ang makatang si Ana sa pamamalo?
4. Paano inilarawan ng makatang si Rina ang batang hindi nakaranas ng pamamalo?
5. Sa iyong palagay, sino ang mas kapan-paniwala sa mga katwiran nila? Pangatwiranan.

You might also like