You are on page 1of 2

MODYUL 3

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT o PERSWEYSIB

PANIMULA

A. Sinu-sino ang mga taong gumagawa o maaring gumawa nito at sabihin kung bakit. Isulat sa patlang ang
sagot.

1. Nagsasaad ng prinsipyo o paniniwala - ____________________________________________


2. Nagsasaad Nangangaral - ______________________________________________________
3. Nang iimpluwensiya - __________________________________________________________
4. Namimilit - __________________________________________________________________
5. Nanliligaw - _________________________________________________________________

B. Nararapat ba silang paniwalaan? Anu-ano ang dapat mong maging panuntunan o batayan sa pagtanggap o
paniniwala sa kanila o di pagtanggap?

TALAKAYIN NATIN

A. TEKSTONG NANGHIHIKAYAT o PERSWEYSIB

Ito ay naglalayong makapangumbinsi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa. Ito rin


ay pagbibigay ng opinion ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng
tekstong ito ay sobheto kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya.

Ang tekstong ito ay gumagamit ng mga salita, parirala at pangungusap na makatutulong na makahimok
sa mga mababasa o manonood.

TATLONG PARAAN SA PANGHIHIKAYAT

Ayon kay Aristotle ang pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.


1. Ethos – Naiimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig
2. Pathos – pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig
3. Logos – ito ay paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip

DALAWANG URI NG COHESIVE DEVICES

1. Anapora – uri ng cohesive devise na nagtuturo pabalik sa naunang binanggit na referent o kinauukulan.
Halimbawa:
Nanguna ang Palawan sa sarbey bilang pinakamagandang isla sa buong mundo. Ito ang itinuturing
na last frontier ng bansa.
2. Katapora – uri ng cohesive device na binanggit muna upang ituro nang paabante ang tinutukoy na referent.
Halimbawa:
Madalas na napapasama ang probinsyang ito sa pinakamagagandang lugar sa mundo. Talagang
kahanga-hanga ang Palawan.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BORADOR o DRAFT NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT O


PERSWEYSIB

1. Umisip kung ano ang paksa.


2. Bumuo ng panimulang talata. Siguraduhing makukuha ang atensiyon ng mga mambabasa.
3. Bumuo ng ikalawang talata na nagsasaad ng unang pangunahing punto mo o ideya tungkol sa paksa.
6
4. Isulat naman sa ikatlong talata ang ikalawang punto mo o ideya hinggil sa paksa.
5. Mas palalimin pa ang iyong ideya para sa ikaapat na talata hanggang ikapitong talata.
6. Bumuo ng ikawalong talata bilang kongklusyon.

KAYA NINYO ITO!

GAWAIN 1

Panuto: Basahin ang mga katanungan. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Pathos Ethos Logos


Tekstong Persweysib
Cohesive Devices

_________1. Naaglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig.


_________2. Naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga
tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag
ang isang manunulat o tagapagsalita.
_________3. Paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng
paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat.
_________4. Pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraan upang
makahikayat.
_________5. Ang mga ito ay ginagamit upang pag-ugnayin o pagtaliin sa isang teksto ang mga salita, parirala,
pangungusap o sugnay sa mga tiak na paraan upang maging malinaw ang pahayag.

GAWAIN 2

Gumawa ng pliers ng isang kurso na dapat piliin sa kolehiyo o Higher Education.

You might also like