You are on page 1of 3

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.6


Textbook based instruction
paired with MELC-Based SA Filipino 10
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 2 Linggo 6

Pangalan: ______________________________________________Baitang at Pangkat: ______________________________

Guro: ________________________________________________Petsa ng Pagpasa : __________________________________


____

MELC :1: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
(F10PT- IIg-h-69)
2: Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o
editoryal)
(F10PB-IIi-j-71)
3: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa
nakasulat na akda;Naiuugnay ng may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang narinig na
balita, komentaryo, talumpati at iba pa; Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: paksa
(F10PN-IIg-h-69, F10PD-IIg-h-68)
4. Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap (F10WG-IIg-h-64)
5: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isy; Naipapahayag ang sariling
kaalaman at opinion tungkol sa isang paksa sa isang talumpati; (F10PS-IIg-h-71, F10PU-IIg-h-71)
Aralin: Talumpati at Pagpapalawak ng Pangungusap
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig 10 Pahina: 130-139

Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan


Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal)
Kasanayan Bilang: 1 at 2 Pagbibigay -kahulugan Araw:1
KONSEPTO:
Talumpati
Isang uri ng sanaysay na binibigkas. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap
ng publiko. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa
Ingles ay extemporaneous.

Anyo ng Sanaysay
Panimula o simula
Pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa. Dapat na
nakapupukaw ng atensyon.

Katawan o gitna -makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa nilalaman ng sanaysay.

Wakas - ang pagsasara ng talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


Panitikang Pandaigdig, Pahina 131-132
Basahin o panoorin ang talumpati ni Dilma Rousseff sapagkat ito ay kasama sa lagumang
pagsusulit.________________________________________________________________________________

Layunin: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda.

Kasanayan Bilang: 3 Pag-uugnay sa mga Argumento Araw:2


KONSEPTO:
Editoryal
Uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan
ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa
mambabasa.

1
Layunin: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap.

Kasanayan Bilang: 4 Pagpapalawak ng Pangungusap. Araw:3


KONSEPTO:
Pagpapalawak ng Pangungusap
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o
pang-abay.
Halimbawa: Batayang Pangungusap : Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.
Pagpapalawak ng Pangungusap: Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.

2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o


ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
• Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap)
• Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap)
• Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (layon)
• Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
• Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat. (kagamitan)
• Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang
3.9 milyon. (sanhi)
• Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo. (direksyunal)

3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.


Batayang Pangungusap : Nagtalumpati ang pangulo.
Pagpapalawak:ng Pangungusap: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang
lahat.

Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap


1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap
Halimbawa: Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.

2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar


Halimbawa: Inaayos ang plasa sa Brazil.

3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari.


Halimbawa: Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.

Panitikang Pangdaigig, pahina 130

2
Inihanda ni:

MA. SALVACION T. BACOLOD

SPNHS

You might also like