You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa FILIPINO 10

Ikalawang Markahan
Linggo 6 : Ika-apat na Araw
Paksa: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap

I. LAYUNIN

Nasusuri ang kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng


pangungusap (F10WG-IIg-h-64)

A. Natutukoy ang ginamit na mga salita bilang pagpapalawak ng


pangungusap;
B. Nabibigyang-halaga ang mga salitan/parirala sa pagbuo ng malawak
na pangungusap.
C. Nakabubuo ng isang halimbawa ng malawak na pangungusap.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Lathalain: Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino
Kagamitan: PowerPoint, Strips, Iba pang panturong biswal

III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda
Pagganyak

Basahin at unawaing mabuti ang mga batayang pangungusap.


Subukang palawakin ang mga ito gamit ang tamang salita/parirala na nasa
loob ng kahon.

pala kaninang umaga ang palengke


ng aking kapatid Dahil sa pandemya ang
pinakamahusay
muna tunay nga
sa pamamagitan ng pondo

Batayang pangungusap:
1. Maganda ang nabili niyang bulaklak.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
2. Ang isinuot kong damit ay bigay sa akin.
Pagpapalawak ng pangungusap:

B. Paglalahad (3 minuto)
Pagpapabasa ng mga layunin ng aralin sa araw na ito sa tulong
ng powerpoint.

Sa pagsulat ng sanaysay, lathalain o sa pagbubuo ng sariling


talumpati, maaari kang mahirapan kung hindi mo alam kung papaano
mapapalawak ang iyong mga pangungusap. Alalahanin mo na ang
pangungusap ay binubuo ng panaguri at paksa.
Ngayon, kailangan mong malaman kung paano mapapalawak ang
panaguri gayundin ang iyong paksa.

C. Pagtatalakay (10 minuto)

Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng ng pangungusap.


Ang panaguri at paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi.
Napapalawak ang pangungusap sa mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa
ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-
uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.

Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri


Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay
at iba pa. Napalalawak naman ang paksa ng pangungusap sa tulong ng
paksa at sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o
panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari.
Narito ang mga paraan:
Panaguri- Nagpapahayag tungkol sa paksa
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa
unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangusap: Si Dilma Rousseff ang Pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa
panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng
pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
* Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng
mamamayan.
(Tagaganap)
* Ang talumpating binigkas ni Dilma Rousseff ay para sa mga
mamamayan
ng Brazil. (Tagatanggap)
 Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.
(Layon)
 Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
 Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
 Dahil sa pagbabagong ito, marami sa mga mamamayan ang
natutuwa.
(Sanhi)
 Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang makinig sa
talumpati ng pangulo. (Direksyunal)
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon
at
totoong humanga ang lahat.
Halimbawa:
 Marami rin ang nasa Luneta upang making ng talumpati.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng
pangungusap
Halimbawa:
 Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng lugar.
3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip
na
nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
 Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
Pagsusuri sa Kasanayan at Kaisahan sa Pagsusuri ng Pangungusap
Mahalaga ang pagsusuri sa kasanayan at kaisahan sa pagsusuri sa
pangungusap. Sa kasanayan at kaisahan, nagiging gabay ang mga ito
upang malaman kung paano gagamitin ang bahagi ng pananalita sa
pagpapalawak ng pangungusap. Nasusuri na mula sa batayang
pangungusap, nasasanay at nagkakaroon ng kaisahan kung paano
lumalawak ang pangungusap sa tulong ng pagdaragdag ng salita at parirala
na angkop sa ginawang pagpapalawak. Sa kaisahan, kailangan ng
konsistensi ng gamit ng mga paraan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Gawain: Basahin at unawain ang maikling talata. Piliin mula sa pagpipilian


ang
angkop na salitang ipupuno sa patlang.

Ang 1.______________(ating, kanyang) bansa ay nakararanas ngayon ng


matinding suliranin, lalong- lalo na sa pagpasok 2.___________ (rito , dito)
ng pandemya ,ang COVID-19. Hindi lamang iisang tao ang nahihirapan
kundi ang buong bayan. Abalang-abala ang gobyerno sa pangangalap ng
pondo 3.___________(upang , maging) matustusan ang pangangailangan ng
mamamayan.4. __________(Matiyagang , Magaling) pinag-uusapan ang mga
paraang nararapat gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sa ngayon, maraming
pagbabago ang ipinatutupad. At 5. _______(ngunit , dahil) sa mga
pagbabagong ito, marami sa mamamayan ang nahihirapan kung paano
maibigay ang pangangailangan ng pamilya.
D. Paglalapat(5 minuto)

Pangkatang Gawain:

Gawain: Bumuo ng simple at pinalawak na pangungusap gamit ang


sumusunod:

Pagpapalawak ng Panaguri:
Ingklitik
1. (muna)

Pang-abay
2.(mabilis)

Komplemento/Kaganapan
3.(sa pamamagitan ng)

Pagpapalawak ng Paksa:
Atribusyon/Modipikasyon
4. (ang pinakamagaling)

Pariralng Lokatibo/Panlunan
5.(ang nasa plasa)

Pariralang Nagpapahayg ng Pagmamay-ari


6. (ang aking kapitbahay)

E. Paglalahat (5 minuto)

Panuto: Kompletuhin ang pahayag.

Ang aking nauunawaan sa naging talakayan sa araw na ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
F. Pagpapahalaga (3 minuto)

Bakit kailangan matutunan kung papaano magpapalawak ng


pangungusap sa pagsulat ng isang talumpati?

IV. EBALWASYON

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang
buong
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. paksa C. pandiwa
B. panaguri D. pangngalan

2. Ito’y naglalarawan o nagsasabi ukol sa pinag-uusapan sa pangungusap.


A. paksa C. panghalip
B. panaguri D. pangngalan

3. Ito ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang


pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pokus

4. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang


_____ ng
pangungusap.
A. direksyon C. paksa
B. kaganapan D. panaguri

5. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang


lahat.
Ang mga sinalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
A. pang-abay C. pang-ugnay
B. pang-angkop D. Pang-uri

V. KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN

Panuto. Bumuo ng tiglimang simple ang pinalawak na pangungusap sa


ibang kalahating papel.

Inihanda ni:

CARGEN MAE T. ENGCO


Teacher I
Katipunan NHS

You might also like