You are on page 1of 68

Butac Integrated School

MGA POPULAR NA
BABASAHIN

Presenter: Marvie Joyce Decano

Filipino 8- Third Quarter Week 1


Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. Malakas ang buhos ng ulan kaya medyo
malamlam ang paligid. (maliwanag,
makulimlim)
2. Habang tinatahak ng aking motorsiklo ang
kahabaan ng malubak na daang iyon ay sa
wakas nakakita ako ng isang kubo.
(nilalakbay, nilisan)
3. Matiwasay ang buong kabahayan. (Tahimik,
Malinis)
Pagpapalawak ng Talasalitaan
4. Bakas sa loob ng pamamahay na iyon ang
lubos na karukhaan. (mayaman, kahirapan)
5.Taliwas sa marangyang buhay nila ang
nasaksihang karukhaan. (Katulad, Kabaliktaran)
6. Lumabas ang isang batang lalaki na gusgusin.
(sakitin, marumi)
7.Bigla akong nahabag sa batang namamalimos.
(naawa, natuwa)
Pagpapalawak ng Talasalitaan
8. Tila nag-atubili ang ale na kunin ang pera.
(nagdadalawang-isip, nagmamadali)
9. Napansin kong tumila na ang ulan kaya agad
na akong nagpaalam at
nagpasalamat. (nagpatuloy, tumigil)
10. Simula noon, itinatak ko sa aking isipan na
tutulong ako sa mga taong walangwala sa buhay.
(iminarka, kinalimutan)
1. PAHAYAGAN
Ito ay tinatawag ding diyaryo o peryodiko
ay isang uri ng paglilimbag na
naglalaman ng balita, impormasyon at
patalastas. Kadalasan itong inilalathala
ng araw-araw o lingguhan.
TABLOID
• may sukat na 11
hanggang 17
pulgada
• kadalasan ay hindi
hihigit sa limang
column sa kabuuan
BROADSHEET
• 15 pulgada ang lapad
hanggang 20
• naglalaman ng anim na column
• ang pinupuntiryang
mambabasa ay mga taong may
pinag-aralan.
Mga Lingo sa Mundo ng Pahayagan
1. Ad – pinaikling bersiyon ng advertisement o mga
patalastas kung saan nagbabayad ang isang kompanya
sa isang mass media para sa pagpapatalastas ng
kanilang produkto o serbisyo.
2. Assignment- isang istorya na ibinigay sa reporter para
kunan ng facts o impormasyon.
3. Column- isang artikulo na lumalabas araw-araw sa
pahayagan na isinulat ng isang manunulat o columnist.
Mga Lingo sa Mundo ng Pahayagan
4. Copy Editor- isang taong nagwawasto o nag-
edit ng kopya na isinulat ng isang reporter .
Kadalasan, sila rin ay may kakayahang magsulat
ng headline o ulo ng balita .
5. Editor- isang tao na namamahala sa mga
patakaran sa editoryal; o isang tao na nagpapasya
kung anong tinig at tindig ang dapat palitawin ng
editoryal o tudling
ng pahayagan.
Mga Lingo sa Mundo ng Pahayagan
6. Nameplate o Flag - nakalimbag na pamagat
(pangalan at logo) ng isang pahayagan sa tuktok
ng harap na pahina o front page.
7. Headline- pamagat ng isang artikulo o balita sa
pahayagan.
8.Press- makina na naglilimbag ng mga
pahayagan.
Mga Lingo sa Mundo ng Pahayagan
9.Masthead- mga detalye ng publisher, lugar ng
publikasyon, kawani ng editoryal at impormasyon tungkol
sa pahayagan na karaniwang inilalagay sa pahina ng
editoryal.
10. Issue- ang lahat ng mga kopya na inilathala ng isang
pahayagan sa isang araw.
11. Layout –gawain ng isang layout artist ang pagguhit o
pagdisenyo ng bawat pahina para sa pag-aayos ng mga
larawan at teksto.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang
mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ng diyalogo o usapan upang
epektibong ipahayag ang nais na mensaheng
iparating ng
may-akda.
Mga Lingo sa Mundo ng Pahayagan
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin, at Pananaw ng Teksto
1. Damdamin (emosyon) – tumutukoy sa saloobing nalikha
ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot,
galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling,
pagnanasa, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-
asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba
pang emosyon o damdamin.
2. Tono - tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang
kanyang isinulat. Ang tono ay maaaring mapagbiro, o
mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso, at iba pa.
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin, at Pananaw ng Teksto
Hal. Kung hindi mo siya pinabayaan, hindi sana siya naging
malungkuting bata. (Naninisi)

Kapag kasama ko siya, parang nawawala lahat ng alalahanin


ko sa buhay. Sumisigla ang araw ko. (Masaya)

3. Layunin – tumutukoy sa layon o kung ano ang nais


mangyari ng isang manunulat sa kanyang mambabasa. Ito ay
maaaring magbigay ng inspirasyon, mangaral, mang-aliw,
magbigay ng impormasyon, at magbahagi ng isang prinsipyo.
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin, at Pananaw ng Teksto
4. Pananaw- ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa
maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng
pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Makikita ang
pananaw ng awtor sa pamamagitan ng mga panghalip na
ginamit sa teksto gaya ng ako, ko, akin, atin, tayo, kami, ikaw,
mo, ka, iyo, kanila, kita, siya, niya, at iba pa.
1. Mga ponema ba ang mga
titik sa loob ng kahon?
Bakit?
2. Ilan ang patinig nito?
3.Ilan naman ang katinig?
4. Bumuo ka ng limang
morpema o salita mula sa
pinagsama-samang mga titik.
5. Isulat o ipakita mo ang tamang
pagpapantig ng limang morpema o
salita na nabuo mo.
6. Gamitin sa pangungusap
mga nabuo mong salita.
Ponemang Suprasegmental
Ito ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.
Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko o
transkripsyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.
1. Tono/Intonasyon
• Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at
pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring
maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

• Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto


at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy
sa rehiyunal na tunog o accent.
MGA HALIMBAWA
1. Pagsasalaysay/paglalarawan
• Dumating sila kanina.
• Maganda talaga si Rona.

2. Masasagot ng OO o HINDI
• Totoo?
• Sila iyon, di ba?
• Kumain ka na?
MGA HALIMBAWA
3. Paghahayag ng matinding 5. Pagsagot sa tanong
damdamin • Oo, aalis na ako.
• Naku, may sunog! • Hindi. Hindi ito ang gusto
• Hoy! Alis dyan! ko.
4. Pagbati
• Kumusta ka?
• Magandang umaga po.
• Salamat sa iyo.
2. DIIN/HABA
• Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na
iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng
salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
• Ginagamit ang simbolong tuldok /./ upang
matukoy ang pantig ng salita na may diin.
/ba.hay/ - tirahan
/pagpapaha.ba?/-lengthening
/kaibi.gan/-friend
/sim.boloh/ - sagisag
• Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na
binibigyang-diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng
salita. Tulad nito:
/ba.lah/ - bullet
/kasa.mah/ - companion
/bala?/ - threat /kasamah/ - tenant
3. ANTALA
• Nangangahulugan ito ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. Maaaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang
pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng
pangungusap ang paghinto.
3. ANTALA
• Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang
paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng
pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba,
nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto
at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag.
Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa
pag-iiba ng hinto sa pangungusap.
Mga Halimbawa
Maraming
Salamat!
Butac Integrated School

Mga Estratehiya sa
Pangangalap ng Datos

Presenter: Marvie Joyce Decano

Filipino 8- Third Quarter Week 2


PANANALIKSIK
Isang sistematiko at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-
oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga
datos tungo sa paglutas ng suliranin,
pagpapatotoo ng prediksiyon, at
pagpapatunay sa imbensiyong nagawa ng
tao.
SARBEY O SURVEY
Ang layunin ng sarbey ay upang makakuha
ng mga impormasyon, partikular na ang
bilang o dami ng mga tao sa isang partikular
na kondisyon o opinyon. Kung gusto pang
palawakin ng mananaliksik ang kasagutan sa
kaniyang surveyquestionnaire ay maaari niya
itong samahan ng panayam o obserbasyon.
A. Maraming Pagpipilian o Multiple Choice
- Ito ang mas mabilis na paraan ng
pagsasagot sa isang sarbey. Sa paraang
ito, pipili lamang ang isang respondente
ng sagot na umaangkop sa kaniyang
kalagayan mula sa mga opsiyon.
A. Maraming Pagpipilian o Multiple Choice
- Ito ang mas mabilis na paraan ng
pagsasagot sa isang sarbey. Sa paraang
ito, pipili lamang ang isang respondente
ng sagot na umaangkop sa kaniyang
kalagayan mula sa mga opsiyon.
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit mong
sabon?
a. Silka
b. Palmolive
c. Safeguard
d. Dove
e. Wala sa nabanggit
Pagkilala sa mga Sinasang-ayunan. Sa
paraang ito, maaaring maglagay ng
pagpipiliang nagpapahayag ng pagsang-
ayon o hindi pagsang-ayon ayon sa iba’t
ibang kaantasan.
Eskalang Likert o Likert Scale
-Ang Likert Scale ay isa sa mga
paraan kung papaanong sinusukat ng
isang tao ang kaniyang sarili.
2. Panayam o Interview
• Ito ay isang pamamaraan sa pangangalap ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong
nang harapan o birtuwal.
• Sa paggawa ng isang panayam kailangang
planuhin din ang hanay ng mga tanong.
• Ang mga táong kasangkot sa isang
paksa/sitwasyon na may kaugnayan sa nais mong
saliksikin ay tinatawag na pangunahing batis ng
impormasyon.
a. Paghahanda para sa Panayam
• Magpaalam sa taong gustong makapanayam.
• Kilalanin ang taong kakapanayamin.
b. Habang Nakikipanayam
• Maging magalang.
• Magpakita ng pakikitungo sa kapanayam.
• Itanong ang lahat na ibig malalaman kaugnay
sa paksa.
• Makinig nang mabuti sa sagot ng
kinakapanayam.
c. Pagkatapos ng Panayam
•Magpasalamat nang maayos.
• Iulat nang maayos at matapat ang
nakuhang impormasyon sa
panayam.
GAWAIN: Magsagawa ng panayam sa
iyong mga kasama sa bahay tungkol sa
kanilang palagay sa paggamit ng selpon
bilang pantulong sa pagkatuto sa paaralan.
Ang panayam ay sa paraang pasulat at ito
ay nasa 3 - 5 na kapanayam.
Mga Salitang Ginagamit
sa Impormal na
Komunikasyon
Ang impormal na salita ay nauuri sa tatlo:
1. Lalawiganin o Provincialism - ito ang mga salitang kilala
at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa
iba ang bigkas may kakaiba pang tono o punto ito.
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud
(Ilokano)
2. Balbal o slang - ang mga salitang ito ay tinatawag sa
Ingles na slang. Ang mga salitang balbal ay tinatawag
ding salitang kanto o salitang kalye.
3. Kolokyal o colloquial - ito ay mga salitang
ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Makikita ninyo na ang buong
salita mula sa pormal ay nakaltasan ng letra.
Halimbawa: Pormal Kolokyal
aywan ewan
ganoon ganon
KONTEMPORANEONG
PROGRAMANG
PANRADYO
Ayon sa Philippine Statistics Authority,
radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at
pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan
ng impormasyon sa Pilipinas. Sa
katunayan, noong 2013 ay tinatayang
dalawang-katlong bahagi ng populasyon
ng bansa ang nakikinig ng radyo, na may
41.4 porsiyento ng tagapakinig sa loob ng
isang linggo.
Mga Dahilan ng Pakikinig sa Radyo
1. Makasagap ng balita lalo na sa mga
taong nakatira sa liblib na lugar. Radyo
ang pangunahing pinagkukunan nila ng
impormasyon. Ilan sa mga programang
panradyo ay ang DZMM, DZBB Super
Radyo, DZRH at marami pang iba.
2. Panawagan. Malaki rin ang
tulong ng mga programa sa radyo
lalo na sa pananawagan ng mga
nawawalang kapamilya.
3.Musika. Hanggang sa kasalukuyan
ay patok pa rin ang iba’t ibang FM
Radio Station tulad ng Love Radio,
Wish FM, at iba pang himpilan na
nagpapatugtog ng mga paboritong
awitin ng masa sa iba’t ibang panahon
sa tulong ng mga DJ.
4.Hindi lamang telebisyon ang may
tinatampok na drama. May mga drama
rin sa radyo na sinusubaybayan ng mga
tao.
5.Mga talakayan ng mga radio
anchors kung saan sila ay nagbibigay
komentaryo o opinyon sa isang
napapanahong isyu.
Ano ba ang Radio Broadcasting?
- ang komunikasyon ng mga tunog sa
pamamagitan ng mga alon o waves
upang maghatid ng musika, balita, at
iba pang uri ng programa ng isang
istasyon sa maraming indibiduwal na
tagapakinig.
MGA URI NG RADIO BROADCASTING
1. Public Radio o Radyong Pampubliko kung
saan purong pagbabalita lamang at walang
halong patalastas. Karamihan sa mga
pampublikong radyo na ito ay gobyerno ang
nagmamay-ari. Kadalasan ito ang nagiging
pamamamaraan ng pamahalaan upang
makapaghatid ng impormasyon sa kanyang mga
nasasakupan.
2.Commercial Radio o Radyong
Pangkomersiyo na naglalayong ilahad ang
mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong
produkto na pagmamay-ari ng mga pribadong
sektor na naglalayong kumita.
3.Community Radio o Radyong
Pangkomunidad na naglalahad ng
kasalukuyang balita o mahahalagang
pangyayari sa loob ng isang komunidad.
4. Campus Radio o Radyong Pangkampus
kung saan ang istasyon ito ay eksklusibo
lamang sa loob ng isang pamantasan o
paaralan na naghahayag ng mga
kasalukuyang pangyayari sa loob ng kampus
gayundin ang mga mahahalagang anunsiyo
mula sa mga namumuno ng eskuwelahan.
Isa sa mga trabaho ng radio anchors ang
magbigay kuro-kuro sa isang isyu base
sa mga detalye ng isang balita o usapin.
Pero bilang isang tagapakinig, paano mo
malalaman kung Katotohanan, Hinuha,
Opinyon o Personal na interpretasyon ang
kanilang pahayag?
Ang Katotohanan ay ang pagpapahayag
ng isang ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
at hindi mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito kailanman nagbabago.
Mapapatunayan ang pagkamakatotohanan
nito sa ibang sanggunian tulad ng mga
babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang Opinyon naman ay isang
pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
Sa pagpapahayag ng katotohanan
maaaring gumamit ng sumusunod na
pananda: batay sa resulta,
pinatutunayan ni/ng, mula kay, sang-
ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa.
Halimbawa:
1. Batay sa resulta ng botohan, si Anna
Marie na ang bagong pangulo ng SSG
Council.
2. Pinatutunayan ni Ginoong Santos ang
mga paratang laban sa suspek.
3. Mababasa sa 1987 Constitution ang
iba’t ibang batas sa Pilipinas.
4. Sang-ayon sa Kagawaran ng Edukasyon,
magsisimula ang mga klase sa pampublikong
paaralan sa ika-05 ng Oktubre.
5. Tinutukoy ng testimonya ni Don Juan na ang
mga tagapagmana ng kaniyang mga ari-arian
ay ang kaniyang mga anak at apo.

You might also like