You are on page 1of 9

TEKSTONG

PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB
 Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o
tagapakinig.
 Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak,
tulad na lamang ng mga dahilan kung bakit dapat iboto
ang isang kandidato o kung bakit dapat bilhin ang isang
produkto.
Halimbawa:
 Mga advertisement sa radyo at telebisyon
 Talumpati sa pangangampanya at rally
BUREAU OF CURRICULUM DEVELOPMENT
Tatlong paraan para mahikayat mo ang iyong mga
mambabasa. ( Aristotle)
1.Ethos ( salitang Griyego)
Imahe,Karakter,reputasyon ng
Manunulat/Tagapagsalita
 

BUREAU OF CURRICULUM DEVELOPMENT


 Naiimpluwensyahan ng karakter at
kredibilidad ng tagapagsalita ang
paniniwala ng mga tagapakinig. Sa
ganitong paraan, kailangang
nagtataglay ng sapat na kasanayan sa
pamamahayag ang isang manunulat o
tagapagsalita.
 
Madaling mahikayat ang mga tagapakinig
o mambabasa kapag ang tagapagsalita o
manunulat ay kilalang may magandang pag-
uugali may mabuting kalooban at maganda
ang hangarin, may sapat na kaalaman at
kakayahan sa paksang kanyang
ipinaliliwanag.
2. Pathos ( Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig)
 Pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito
marahil ang pinakamahalagang paraan upang
makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao
kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay
ng paksang tinatalakay.
 

BUREAU OF CURRICULUM DEVELOPMENT


Malaki ang nagagawa ng emosyon gaya
ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon o
paghuhusga.

Emosyon ang pinakamabisang


motibasyon upang kumilos ang isang tao.
3. Logos ( Ang opinyon o lohikal na
pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita)
 Paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang
paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng
paksa ay labis na nakakaapekto sa
panghihikayat.

BUREAU OF CURRICULUM DEVELOPMENT


Panghihikayat gamit ang lohikal na
kaalaman at mapaniwala ang tagapakinig o
mambabasa sa pagiging totoo ng kanyang
katwiran.

You might also like