You are on page 1of 7

TEKSTONG

PERSUWEYSIBO
 Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning manghikayat o
mangumbinsi sa pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na
sinusuportahan ng mga matibay na patunay o ebidensya.
 Ginagawa ito upang mapili ang isang mambabasa na maniwala ,
o kung hindi na ma’y magkaroon ng matibay na posisyon hinggil
sa isang isyu.
 Ayon kay mabilin (2009), maging anumang uri tekstong gagawin
ng isang manunulat , kinakailangang mayroon itong katangiang
mapanghikayat upang mapaniwala at mapasang ayon ang mga
mambabasa.
SANGKAP NG TEKSTONG
PERSUWESIBO
1. PILI , MAAYOS AT EPEKTIBONG GAMIT NG MGA SALITA
 Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang makapanghikayat .
Isinasaalang – alang din ang target na mambabasa sa paggamitt ng
mga salita upang masiguro na maunawaan nila ang teksto.
Kinakailangang makuha , hindi lamang ang interes, kundi pati na ang
“puso” ng mga mambabasa.
2. DISPOSISYON
 Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga nanghihikayat, at kung siya ba
ay naniniwala sa kanyang inilalahad o hindi. Mababakas ang
paninindigan ng manunulat, batay sa paghabi niya ng mga salita sa
organisadong paglalahad ng mga ideya.

3. MATIBAY NA PATUNAY
 Makikita ito sa pamamagitan ng mga datos ayon sa napatunayang pag-
aaral, sinasaliksik, o istatistika. Maami sa mga tekstong persuwesibo ay
nagpapakita rin ng grap o tsart.
URI G PANGHIHIKAYAT AYON KAY
ARISTOTLE
 ETHOS – Naiimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang
paniniwala ng mga tagapagkinig. Sa ganitong paraan , kailangang nagtataglay
ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita.
 PATHOS – Pag apila sa damdamin ng tagapakinig . Ito marahil ang
pinakamahalagang paraan pang manghikayat. Madaling naaakit ang isang tao
kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
 LOGOS – Paraan ng panghihikayat na umapila sa isip . Ang paglalahad ng
sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakaapekto sa panghihikayat.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
PERSUWEYSIBO
1. TALUMPATI SA PANGANGAMPANYA AT RALLY
2. CATALOG
3. BROSYUR
4. EDITORYAL SA PAHAYAGAN
5. MGA ADVERTISEMENT SA RADYO AT TELEBISYON
6. FLYERS
PAGSUSURI

1. MAGSALIKSIK NG IBA PANG MGA


HALIMBAWA NG TEKSTONG
PERSUWEYSIBO.
2. SURIIN ITO AYON SA SANGKAP AT URI NG
PANGHIHIKAYAT.
3. TALAKAYIN KUNG PAANO ITO NAGING
ISANG TEKSTONG MAPANGHIKAYAT.

You might also like