You are on page 1of 2

Dimaano, Tricia Nicole J.

A2A
Module 1 - Activities
1.2.1. Salok-Dunong
Gawan ng hawig ang teksto.
Organic farming has been touted as the most natural means of farming, wherein chemical
pesticides or synthetic fertilizers are not used. Essentially, organic farming makes use of
compost, manure, peat moss, and other natural fertilizer in the cultivation of farms od gardens. It
is also touted as " biological farming".
This method has been called on an alternative to the conventional means, yet history says it has
been utilized even way before modern means of farming have been formulated.
Hawig:
Ang organikong pagsasaka o tinatawag ding biyolohikal na pagsasaka ay tinagurian bilang
pinaka natural na paraan ng pagsasaka na kung saan hindi rito gumagamit ng mga sintetikong
pestisidyo o mayroong halong kemikal. Sa katunayan, ang ganitong uri ng pagsasaka ay
gumagamit ng mga natural na pataba sa lupa na karaniwang ginagamit sa mga sakahan at
hardin katulad ng abono, peat moss at iba pang mga natural na pataba. Samakatuwid, ang
organikong pagsasaka ay isa sa mga pinakamadali at mabisang paraan ng pagsasaka na kung
saan sinasabi na ginamit na ito mula pa noong unang panahon bago pa man makadiskubre ng
iba pang modernong paraan ng pagsasaka.

1.3.1 Salok-Dunong
Dito mo isulat ang iyong kasagutan mula sa binasang artikulo n a may pamagat na "Katutubong
panggagamot ng pangkat-etnikong Pala’Wan Sa Brooke’S Point At Bataraza, Palawan"
Tukuyin mo kung anong uri ito ng teksto ang iyong at suportahan ng paliwanag upang
patunayan ang iyong naging kasagutan.

Batay sa binasang artikulo na pinamagatang “Katutubong panggagamot ng pangkat-


etnikong Pala’Wan sa Brooke’s Point at Bataraza, Palawan”, ito ay maituturing na isang uri ng
agham panlipunan. Ilan sa mga dahilan ay ang naging pangunahing paksa ay ang pag-aaral ng
isang pangkat, partikular ang mga Pala’wan, at ang mga kultura at paniniwala ng mga ito
katulad na lamang ng kanilang paraan ng panggagamot. Bukod pa rito, mayroong mga
nabanggit na teknikal na terminolohiya ang may-akda katulad ng tawar, baklat at parimanes na
kung saan ito ang tawag ng mga Pala’wan sa kanilang paraan ng panggagamot. Higit pa rito,
gumamit din ang may-akda ng pormal na tono upang maibahagi ang mga impormasyon na
kaniyang nakalap mula sa kaniyang pag-aaral at pananaliksik patungkol sa katutubong
panggagamot ng mga Pala’wan.
Module 1 Layag Diwa
Pagbati! Natapos mo ang unang aralin. Sa bahaging ito naman ay magbibigay ka ng paglalahat
kaugnay sa natutunan mo sa bawat paksa gamit ang sariling pananalita. Sagutin mo lamang
ang bawat katanungan.
1. Ano-ano ang mga primarya at sekondaryang sanggunian?
Ang primaryang sanggunian ay tumutukoy sa mga impormasyon na magmula mismo sa
taong nakaranas o nakakita ng isang partikular na sitwasyon. Samantala, ang sekondaryang
sanggunian ay tumutukoy sa mga impormasyon na madalas ay nasalin o nabigyan na ng
interpretasyon mula sa taong nakaranas mismo ng isang pangyayari.
2. Ano-ano ang limang pamantayan sa pagtataya ng mga impormasyon?
Mayroong limang pamantayan na dapat alalahanin at sundin ng isang manunulat sa
pagtataya ng impormasyon. Una, ang pagiging bago ng mga impormasyon. Pangalawa, ang
kahalagan ng mga impormasyon na nakalap base sa pangagailangan ng isang partikular na
sulatin. Pangatlo, ang awtoriti at kung saan nakuha ang impormasyon. Ika-apat, ang
kawastuhan at pagiging mapagkakatiwalaan ng mga impormasyong nakuha. Panglima, ang
layunin o dahilan kung bakit nabuo ang isang impormasyon.
3. Ano ang tiyak na pagkakaiba ng buod, hawig at presi?
Mayroong mga pagkakaiba ang buod, hawig at presi. Ang buod ay higit na maiksi at
naglalaman lamang ito ng mga pangunahing ideya ng isang partikular na teksto. Samantala,
ang hawig o parapreys ay higit na mahaba kaysa sa orihinal na teksto at naglalaman ito ng
komprehensibong impormasyon. Bukod pa rito, ginagamitan din ito ng sariling pananalita upang
ipaliwanag ang nilalaman ng teksto. Samakatuwid, ang presi ang eksatong replica ng orihinal
na teksto sa mas maiking paraan. Binibigyang diin din dito ang mga mahahalagang ideya ngunit
pinananatili pa rin ang paraan ng pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.
4. Ano ang tekstong akademik at mga uri nito?
Ang tekstong akademik ay mga uri ng babasahin na kadalasang ginagamit sa pag-aaral
upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mambabasa hinggil sa iba’t ibang paksa.
Mayroong tatlong uri ang tekstong ito. Una ay ang agham panlipunan na kung saan ang
kadalasang paksa nito ay ang pag-aaral ng iba’t ibang aspekto ng mundo kabilang na ang mga
iba’t ibang pangkat at mga kultura ng mga ito. Pangalawa, ang humanidades ay tumutukoy sa
pag-aaral ng mga likas na pagkatao ng tao na kung saan nakasentro ang damdamin at
paniniwala ng manunulat. Pangatlo, ang agham pisikal na tumutukoy naman sa pag-aaral ng
daigdig at ang mga pisikal na aspekto at katangian nito.

You might also like