You are on page 1of 2

DISIFIL - MODULE 5 ACTIVITIES

5.1.1 | Salok- Dunong


Mula sa binasang pananaliksik na "Kabilang Mukha ng Autismo", talakayin mo ang sumusunod:
1. Ano ang naging resulta ng pag-aaral?
Batay sa isinagawang pananaliksik na pinamagatang “Ang Kabilang Mukha ng Autismo:
Mga Pagpapakahulugan ng mga Magulang sa Karanasan ng Pagkakaroon ng Anak na may
Autismo”, ipinahayag na mayroong natukoy na limang tema sa naging resulta nito. Kabilang sa
pagpapakahulugan ng mga magulang sa pagkakaroon ng anak na mayroong Autismo ay ito ay
isang kalooban ng Diyos, sila ang nagsisilbing tagapagbigay ng kasiyahan, sila ang naging
daan tungo sa pagiging mabuting tao ng kanilang mga magulang, sila ang nagpapatibay sa
pamilya at sila ang nagiging instrumento sa pagbabago ng komunidad. Higit pa rito, ipinakita rin
ang mga naging pahayag ng mga kalahok na magulang patungkol sa mga tanong na ibinigay
ng mga mananaliksik. Ito ang nagsilbing daan upang matukoy ng mga mananaliksik ang mga
saloobin ng mga magulang na sasagot sa kanilang mga tanong patungkol sa paksang pinag-
aaralan.
2. Ano ang naging diskusyon na ginawa?
Batay sa naging diskyusyon ng pananaliksik, binanggit dito ang patungkol sa
pagkakaroon ng malakas na pananampalataya ng mga magulang. Ito ay dahil sa karamihan sa
mga naging kalahok ay naniniwala na ang pagkakaroon ng anak na mayroong Autismo ay isang
biyaya na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Bukod pa rito, dahil ang mga batang mayroong
Autismo ay likas na malambing, nagsisilbi silang tagapagbigay ng kasiyahan sa kanilang
pamilya. Sa pamamagitan din nila, natututunan tanggapin ng kanilang mga magulang na hindi
na sila magiging katulad ng ibang bata kung kaya’t ang mga simpleng bagay na kanilang
natutunan ay nabibigay ng labis na kasiyahan sa kanilang mga magulang. Samakatuwid, ang
pagkakaroon din ng anak na mayroong Autismo ay nagiging dahilan upang mas maging
mabuting tao ang kanilang mga magulang. Dahil dito, nagkakaroon sila ng panibago at
positibong perspektiba sa buhay at mas mahabang pag-unawa sa karanasan ng iba.
Samantala, ang mga batang mayroong Autismo ay nagsisilbi ring dahilan upang mas
mapagtibay pa ang pagsasamahan ng pamilya dahil nagtututulungan ang bawat miyembro ng
pamilya para sa kapakanan ng kanilang anak o kapatid na mayroong Autismo. Panghuli, dahil
sa mga batang mayroong Austismo, natututunan ng bawat miyembro ng komunidad na dapat
unawain ang mga taong mayroong kapansanan at huwag sila basta-basta husgahan. Sa
paglalahat, bagamat mahirap para sa mga magulang ang tanggapin na mayroon silang anak na
mayroong Autismo, nagsilbi pa rin silang daan upang matutunan ng kanilang mga magulang na
tanggapin ang kapansanan ng kanilang anak at upang magkaroon ng mas magandang
pananaw sa kanilang buhay.
Module 5 | Layag Diwa
1.  Ano ang naunawaan mong pagkakaiba ng resulta at diskusyon ng pag-aaral?
Batay sa aking pag-unawa, mayroong pagkakaiba ang resulta at diskusyon ng pag-
aaral. Ang resulta ay nagpapakita ng presentasyon ng mga impormasyon at datos na nakalap
mula sa pananaliksik at sa mga naging sagot ng mga kalahok sa mga inilahad na mga tanong
ng mananaliksik. Bukod pa rito, dito isinasaayos ang mga nakuha at sinuring datos batay sa
kanilang kategorisasyon. Samantala, ang diskusyon ay tumatalakay sa naging interprestasyon
ng mga mananaliksik sa naging resulta ng kanilang pananaliksik. Dito iniuugnay ng mga
mananaliksik ang kanilang interpretasyon sa iba pang mga naunang pag-aaral patungkol sa
parehong paksa.
2.   Bakit sinasabing "utang na loob" ang masinop na pagtatala ng mga sanggunian ng
mananaliksik? Sang-ayon ka ba dito? Pangatwiranan
Masasabing isang “utang na loob” ang masinop na pagtatala ng mga sanggunian na
ginamit sa pananaliksik dahil dito tayo humiram ng mga ideya at karagdagang impormasyon
upang lumawak at mas lalong mapagtibay ang ating isinasagawang pananaliksik. Dahil dito,
marapat lamang na bigyan natin ng pagkilala ang mga awtor ng mga sanggunian na ating
ginamit dahil ang simpleng pagtatala ng kanilang mga obra ay isa naring paraan upang
pasalamatan natin sila.
3.  Kung hindi naging maayos ang pagsisipi, sa tingin mo ba ay nagkasala ng plagiarism ang
mananaliksik? Pangatwiranan.
Sa mga pagkakataon na hindi naging maayos ang pagsisipi ng isang sanggunian na
ginamit sa pananaliksik, masasabing nasangkot na ang mananaliksik sa plagiarismo. Ito ay
dahil sa hindi nabigyan ng tama at maayos na pagkakakilalanlan ang mga sumulat ng isang
pananaliksik, libro, artikulo at iba pang mga sulatin na naging makabuluhan sa pag-aaral na
ginagawa ng isang mananaliksik.

You might also like