You are on page 1of 2

BUOD NG “LIBAT”

Si Carl ay isang baklang parlorista at si Ronnie ay ang kanyang kasintahan. Nagkakilala


at naging malapit ang dalawa nang si Carl ang nag alaga kay Ronnie nang ito ay nagpapagaling
pagkatapos maputulan ng paa dahil sa isang ambush sa Dipili.

Isang araw, pumunta si Carl sa palengke para mamili ng isda para sa Valentines Day
nila ni Ronnie at doon ay nakita nya ang magkapatid na si Dotdot at Rodel na nagbebenta ng
isda. Plano ng magkapatid na gamitin ang kita para bumili ng regalo para sa kaarawan ni Nanay
Along na syang kumupkop sa kanila nang mamatay ang kanilang magulang sa Ipil Massacre
noong 1995.

Para matulungan si Dotdot at Rodel na ibenta ang isda, sinabihan ni Carl ang mga
tindera na nakakatulong daw ang duling na isda sa hika. Pagkatapos nilang bumenta, binigyan
ni Carl ang mga bata ng payo na may kaugnayan sa Diyos at naalala nya ang mga araw nya
bilang seminarista na kung saan pinaalis siya dahil bakla siya. Nagpaalam sila sa isat’ isa at
binigyan ng mga bata ng isda si Carl bilang salamat. Paguwi ni Carl sa kanyang parlor na
tahanan rin nila ni Ronnie ay nalaman nyang naghanda rin pala si Ronnie ng almusal. Dumating
si Totong, isang matalik na kaibigan ni Carl, at biglang sinabayan sila kumain. Habang
kumakain ang tatlo, binabalahan ni Totong si Carl na maari siyang hulihin dahil sa kwento nya
tungkol sa duling na isda. Sabi ni Totong na nagpatawag ng miting ang Mayor at ang kanyang
asawa na si Mrs Fuentes dahil dun.

Iyong gabing yon habang naghahanda si Carl nang hapunan nila ni Ronnie ay may
dumating na mga pulis at hinuli si Carl dahil bakla raw siya. Sa miting pala ay may nagsabing
ang mga bakla raw ang sanhi kung bakit duling ang mga isda at inuna silang hulihin dahil ang
ibang mga inakusahan ay mga tauhan ng munisipyo. Habang sa simbahan ay nag desisyon
ang mga lider na dapat unahin ang mga bakla sa pagbago ng sarili dahil ang mga ibang dapat
dumalo ay mga asawa ng relihiyosong organisasyon. Nahirapan ang bagong pari na tanggihan
ang mga desisyon ni Mrs Fuentes dahil mas malakas ang impluwensiya ng mga matataanda
sa simbahan. Nagwala si Carl sa galit dahil hindi niya maintindihan kung bakit ang mga bakla
ang sinisisi sa pagkaduling ng isda at kung bakit pinipilit silang humingi ng tawad sa Diyos.
Biglang may narinig silang kaguluhan at sabay narinig nila na na may NPA daw na lumulusob
na syang kinatakot ng mga baklang nasa presinto. Nilusob ang kulungan ng isang grupo na
sumisigaw na pakawalan ang mga bakla at sa katapusan ay pinalabas sila. Kinabukasan ay
nagpasya si Carl na tumakbo bilang Mayor at si Totong bilang konseha sa ilalim ng Partidong
Duling. Sa huli ay nanalo sila at naging boses sila para sa mga katulad nila.

You might also like