You are on page 1of 4

FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan

Student Activity Sheet Mahabang Pagsusulit

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

MAHABANG PAGSUSULIT
I. Panuto:Basahin mo ang buod ng isang akda sa ibaba. Suriin moa ng akda gamit ang mga sumusunod na
panunuring panitikan. Gawin ito sa 2 buong papel. May 5 puntos bawat panunuring panitikan.

1. Pagdulog Moralistiko 4. Pagdulog Pormalistiko


2. Pagdulog Sosyolohikal 5. Pananalig sa Realismo
3. Pagdulog Sikolohikal 6. Pananalig Simbolismo

Rubric sa Pagwawasto

Nailahad nang malinaw ang Bahagyang nailahad ang layunin Hindi nailahad ang layunin ng
layunin ng panunuring panitikang ng panunuring panitikan sa panunuring panitikang ginamit sa
ginamit sa ginawang pagsusuri. ginawang pagsusuri. ginawang pagsusuri.
5 puntos 3 puntos 1 puntos

Buod

Binhi at Bunga
Ni Lazaro Francisco

Nagsimula ang nobela sa pagkakaingay ng mga batang halos ay magkakasinggulang na lahat sa isang
mababang paaralan ng isa sa alin mang nayan Nueva Ecija.

Ang kanilang pinagkakaguluhan at ipinagbubunyi ay si Joven, maputi, labingdalawang taong gulang,


may pangangatawang mataba, timbang at baitibot, bagay na bagay at nakararagdag pa sa kanyang mukhang
mapanudyo upang pangilagan ng mga kapawa bata. Si Joven ay naghihintay sa isang batang lalaki na
kasinggulang niya, bagama’t mababa nang bahagya, wagas na kayumanggi, walang sapin ang mga paa, may
sulsi ang baro, nakasambalilo ng buli at maniningning na mga matang bagay na bagay sa kanyang maamong
mukha’y mahihinuhang, kung tunay ngang nagging parating napakulupit sa kanya ang kapalaran, ang kaluluwa
niya’y lagging mayaman at busog ng mabuting aral. – Ito si David na anak ni Aling Susana.

Paglapit ni David sa pulutong nina Joven ay kaagad siyang sininghalan at hinamon ng away ng huli.
Nagpakatanggi-tanggi si David kahit na anong panunudyo ang gawin sa kanya. Naroong kalabitin ang tenga, o
kaya ay duran, o kaya’y patuntungin sa isang ginuhit na bilog. Ang lahat ng mga batang nanonood ay hangang-
hanga sa katapangan ni Joven at tinatawanan ang pagiging duwag ni David.

Napipika na rin si David sa mga panunudyo nina Joven at ng mga batang nakapaligid sa kani;a, subalit
nagtatalo sa kanyang isipan ang mga pangaral ng butihing ina na iwasan ang basag-ulo at ingatang masira pa
ang kaisa-isang damit na tadtad sa sulsi. Hindi naglaon nagubad ng suot na damit si David at naghahanda na
sanang makpag-away, yaman din lamang na siya’y pinipilit.

Kasabay na kasabay ng pagkakataong iyon ay isang batang babae ang nahuhulog mula sa duyang
pinaglalaruan, at maaaring mamatay sa direksyong patutunguhan na malagot ang argola. Ang batang ito ay si
Enriqueta, kapatid na nakababata ni Joven. Kitang-kita ng lahat ang pangyayaring ito subalit wala ni isa mang

Page 1 of 4
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Mahabang Pagsusulit

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

naglakas ng loob ng pigilan ang duyan upang ang bata ay maligtas. Si Joven na ipinagbubunying matapang ay
hindi makakilos. Samalat na lamang at naroon si David. Nailigtas niya ang buhay ni Enriqueta sa pagpigil sa
duyan subalit pumutok ang noo niya at tumilapon siya matapos tamaan ng pinigil an duyan.

Nang mamulat siya ng mga mata at balikan ng ulirat ay kaharap na niya si Don Rafael, ang ama ng
batang babe at ni Joven. Maya-maya narinig niyang sinabi ni Don: “David..ikaw ay isang batang bayani”.

Maraming araw ang lumipas at nakalimutan na ng lahat ang nangyari noong sakuna maliban sa lipat sa
noon ni David na siyang tanging tanda ng nangyari noon.

Sa loob ng klase nina David at Joven ay isa-isang kinapkapan ng guro nilang si Mis Razon ang lahat ng
mag-aaral. Ayon kay Joven ay nawawala ang fountain pen niya. Ang nakitang fountain pen kay David ay tinukoy
ni Joven na kanya at maikakaila. Sa ganitong pagkakataon, si David ay pinagbintangang magnanakaw. Minura
at piningol sa tenga ni Miss Razonsi David, inalimura pa siya ng guro at pinalo nang pinalo ang palad hanggang
magdugo ang mga iyon.

Walan anu-ano ay pumasok ang kapatid ni Joven na si Enriqueta at isinauli ang pen ni Joven na kinuha
niya kaninag recess nang walang paalam. Kahit na anong pilit at pagpapaliwanag ni Enriqueta na ito ang pen
niya, may initial pa ni Joven ay ayaw pumayag ang huli. Talaga raw hindi kanya ang isinauli ng kapatid.

Ang mga mag-aaral na kanian’y mapanuri ang mga sulyap kay David, sa pagkakasiwalat ng katotohanan
ni Enriqueta ay nagsipagdalang-habag sa batang maralita.

Samantala, ang gurong si Miss Razon na magiliwin lamang sa mga mag-aaral na anak ng masalapi at
makapangyarihan sa bayan pero maalipustain sa mga mag-aaral na mahirap ay kumbinsidong magnanakaw
nga si David. Sa kanyang paniniwala hindi ito mabibigyan ng isang mamahaling pen ng isang labandera lamang.

Sa halip na ibalik kay David ang pen niya, iyon ay itinago ni Miss Razon para raw sa ibang mag-aangkin.

Si David ay umuwing mas masakit ang kalooban dahil sa pang-aalipustang ginawa sa kanya kaysa sa
hapdi ng mga namamagang palad.

Hindi lingid sa kanyang minamahal na ina ang nangyaring malungkot sa butihing anak.

Pagkatapos ng klaseng iyon sa umaga ay inanyayahang magtanghalian si Miss Razon kina Don Rafael.

Ang pakay ni Don Rafael sa salu-salong iyon ay upang alamin sa guro kung ano ang kalagayan ni David
sa klase bilang mag-aaral. Sinabi ni Don na mayroon siyang kaibigan na natulungan ni David at gusto ng
matandang mayaman na ampunin si David at tuloy ay pag-aralin ang batang maralita. Nabanggit ni Don Rafael
ang tungkol sa pen na inihandog ng kaibigan niya sa ina ni David bilang pagtanaw ng utang na loob at pag-iiwan
ng isang mahalagang alaala sa mga taong may mabuting ugali. Sabi ni Don Rafael ang pen dawn a iyon ay
katulad ng pen niya sapagkat iisa ang pinaggalingan. Samakatuwid ay mapagkakamalan nga ni Joven ang pen
ni David.

Page 2 of 4
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Mahabang Pagsusulit

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Sa kanyang sarili ay nabatid ni Miss Razon na si David ay hindi magnanakaw, subalit hindi niya
matanggap ang malinis na katotohanan. Nanaig pa rin sa kanya ang pakasuklam sa batang maralita. Panay
kapintasan ang isinalaysay niya sa Don.

Sa pagkakataon ding iyon ay napatunayan ni Don Rafael na si Miss Razon ay isang gurong
mapagmapuri, palalo at hindi tapat sa pagiging guro. Sa halip na paniwalaan ang kaharap, nagsawalang-kibo
na lamang ang Don.

Nang sumunod na araw, pinuntahan ng Don ang maralitang dampa nina Aling Susana at David. Sinabi
ng Don ang kanyang pakay at hinayaang magpasiya nang malaya ang mag-ina.

Si David ay tatanggi sana. Subalit kahit na magiging masakit sa isang ina ang malayo at mahiwalay na
bugtong na anak ay pinanaig ni Aling Susana ang para sa kapakanan ng anak. Hinimok niyang sumang-ayon si
David sa alok ni Don Rafael upang ang kanyang anak ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Wika ni Aling
Susana: “Hulog na sa atin ng langit ang kapalarang iniaalok ni Don Rafael…Ang panantili mo sa aking piling ay
hindi maaaring mangahulugan ng pagtuklas mo ng atinf ikagiginhawa. Dito’y pawing pagtitiis an gating
pagsasaluhan. Dito ang pagtitiis ay walang hantungan.”

Habang naghahanda ang mag-ina sa pag-alis ni David ay sinasamantala ni Aling Susana ang
pagsasalaysay ng hiwaga ng buhay nilang mag-ina. Ang ama at ina ni David ay kapwa galling sa mga kilalang
angkan. Si Aling Susana ay galing sa angkan ng Penaflor sa Sta. Cruz. Laguna at ang kanyang ama ay sa
Marcelo, Bataan. Kapwa itinakwil ng mga magulang dahil sa pag-aasawa ng wala sa panahon. Nagsikap silang
maghanapbuhay sa ibang lugar, at sila naman ay hindi nabigo. Nang kasisilang pa lamang si David ang kayang
ama ay nakayag na magliwaliw sa ilang kandungan, hanggang sa malustay lahat ng natitipon nilang salapi. Hindi
pa nasiyahan, isang araw ay iniwan silang mag-ina sa dusa’t pighati ng buhay. Ang mag-ina ay nakakaraos
lamang sa maghapon sa pamamagitan ng paglalabada ni Aling Susana.

Bagama’t may kaunting pagdaramdam sa ama, namayani rin ang angking kabaitan. Si David ay sumang-
ayon na lumuwas ng Maynila upang makapg-aral at tuloy hanapin ang ngalayas na ama.

Araw ng lingo nang ihatid ni Aling Susana si David kina Don Rafael. Malungkot na malungkot ang ina sa
paglisan ng kaisa-isang anak. Buti na lamang at naroon sina Enriqueta at ang mama nito na umaaliw sa kanyang
pangungulila. Nais pa ng Donya na doon na sa kanila pumisan si Aling Susana ngunit tinaggihan ito ng
labandera.

Pagkaraan ng labinlimang taon, si David ay isa nang ganap na doctor at si Enriqueta ay isang
magandang parmasyotika. Samantala, walang natapos na kahit na ano si Joven. Nagliwaliw lamang ito sa
cabaret, nagkarekord sa pulisya at nagwakas sa pagiging kasintahan ng dati niyang kunsintidorang guro na si
Miss Razon.

Kaarawan at graduation party ni Enriqueta. Ang bulwagan ay punung-puno ng mga panuhing buhat sa
iba’t ibang uri ng pamumuhay. Naroon din ang ibang miyembro ng Balintawak (club na pangmahirap) at Royal
(club na pangmayaman).

Dumalo si David. Sa pagkakataong ito ay nabuksan ang bawat isa ang nasa dibdib nila kapwa. Si David
ay umiibig kay Enriqueta. Ang dalaga ay hindi nagmaramot. Sa kanilang pagsusuyuan sa asotea ay may
Page 3 of 4
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Mahabang Pagsusulit

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

mahiwagang manunubok. Sa kabilang dako, sa lihim na pag-uusap nina Joven at Miss Razon, napagkayariang
sisirain si David sa dalagang mayaman sa pamamagitan ni Miss Razon upang huwag magkatuluyan sina
Enriqueta at David. Nang sa gayon. Kung si Enriqueta ay mapapasa-mahiwagang lalak, malaya si Miss Razon
na maangkin ni Joven. Kapag hindi sila nagtagumpay isisiwalat ng mahiwagang lalaki kay Joven ang tunay na
pagkatao ng guro.Kung hindi makukuha ng mahiwagang lalaki si Enriqueta, mawawala rin kay Miss Razon si
Joven.

Sa pagbabalik ni David na isang doctor, maligayang-maligaya si Aling Susana. Ipinagtapat ni David sa


ina, ang pag-iibigan nila ni Enriqueta na sinag-ayunan naman ni Aling Susana. Hindi nagtagal. Itinakda ang araw
ng kasal ng magkababata.

Lingid sa kaalaman ng marami, may dumating palang liham kay Aling Susana na nagsasaad na siya ay
tagapagmana ng isang kayamanan na iniwan ng kanyang magulang sa Laguna. Ang tungkol sa sulat ay kumalat
lamang sa pamamagitan ng kapitbahay nina David na nakabasa rin ng nasabing sulat.

Habang ikinakasal sina Enriqueta at David, ay isang matandang lalaking nakabaston ang palinga-linga
na waring may hinahanap. Sa kabilang dako may isa pang lalaking nakapg-aalinlangan ang kilos. Tangka nitong
patayin ang bagong kasal na papalabas an sa simbahan. Mababaril sana si David, subalit nailigtas siya ng
matandang lalaki na nawalan ng ulirat pagkatapos ng pakikihamok sa mahiwagang lalaki.

Nakilala ni Aling Susana na ang matandang lalaki ay walang iba, ang ama ni David. Nagpatawaran sila,
nagpakilala sa bawat isa at ang kasalan ay nagging lubos na maligaya.

Pagkatapos ng kasal, nagpunta na sina Enriqueta at David sa kanilang pagpupulut-gata. Sina Aling
Susana at Mang David ay pumunta sa Laguna upang asikasuhin ang pamana. Sina Din Rafael at ang Doña ay
nabakasyon naman sa Bisaya.

Ano ang kinahinatnan nina Joven at Miss Razon?

Ayon sa kinalabasan ng pagsisiyasat, ang nagtangka palang pumatay kay David ay si Joven. Isinasaad
ng sulat na iniwan sa kanyang ama na siya ay patungo sa ibayong dagat, sakay ng bapor, yaman din lamang
na bigo siya kay Miss Razon. Sa kabilang dako, hindi natuloy ang balak na pagpapakamatay ni Miss Razon.

Limang buwan pagkaraan ng kasal nina David at Enriqueta, nagsilang ng isang anak na babae si Miss
Razon. Kung sino ang ama ng bata tanging si Miss Razon lamang ang nakakaalam,

Pagkabasa ni Don Rafael sa nilalaman ng sulat ni Miss Razon kay Joven at sulat ni Joven sa kanya ay
nawika ni Don Rafael ang ganito: “ A razon!...Razon..sa kamay mo nagbinhi ang kasamaan ni Joven…sa kamay
mo rin nagbunga ang kasawian.”

Page 4 of 4

You might also like