Professional Documents
Culture Documents
Panunuring Pampanitikan
I. Pamagat
Ang akdang ito ay may pamagat na Bakit Babae Ang Naghuhugas Ng Pinggan.
Ito ay isinulat ni Filomena Colendrino ngunit ito ay orihinal na nakasulat sa ingles at
isinaayos na lamang ni Prof. Nick Agudo at isinalin sa Filipino ni Bb. Nerisa
Sarmiento.
Ang pamagat ng akda ay payak at hindi nalalayo sa nilalaman o kinaiikutan ng
dula. Literal na may pagkaretorikal ang pagkakagamit sa pamagat ng akda.
Maituturing na ang pamagat ay pasok sa teoryang feminismo dahil pamagat pa
lamang ay nakapokus na agad ito sa babae. Maaari ring realismo dahil ito ay
nangyayari sa totoong buhay, kung saan isang katanungan rin talaga kung bakit nga
ba babae ang naghuhugas ng pinggan.
II. Tauhan
1. HUGO/KA-UGONG- siya ay isa sa mga pangunahing tauhan, asawa ni Ka-
Maldang. Ang kanyang katauhan ay papasok sa teoryang realismo, kung saan sa
totoong buhay ang ilan sa mga lalaki ay takot at sunod-sunuran sa kanilang asawa.
Bahagi na ng realidad ang pagiging “under” ng ilang mister. Maaari ring
maituring na kabilang sa teoryang moralistiko dahil napapaisip siya na hindi tama
na lagi na lamang siya ang kikilos at susunod sa asawa para gawin ang gawaing
bahay. Alam niya at nagkakaroon siya ng pamantayan sa kung ano pa ba ang tama
at mali.
2. KA-MALDANG/IMELDA- siya ang asawa ni Ka-Ugong, pangunahing tauhan
din sa may akda. Ang katauhan ni Imelda ay pasok sa teoryang realismo dahil
nangyayari sa totoong buhay ang ganitong pag-uugali ng misis sa mister. Maaari
rin sa teoryang feminismo, dahil babae ang kanyang karakter at may ilang gawain
sa bahay na babae ang kadalasang gumagawa, dahil dito napagtitibay nito ang
layunin ng teoryang feminismo.
3. KAPITBAHAY NA BABAE- siya ang unang nakakita kina Hugo at Imelda na
hindi gumagalaw at nagsasalita dahil siya sana ay manghihiram ng plantsa. Ang
katauhan ng babaeng kapitbahay ay papasok sa teoryang feminismo dahil siya ay
babae, siya ay nagpapakita rin ng iilang katangiang taglay ng babae. Ilan sa
halimbawa nito ay ang panghihiram ng gamit sa kumare o kapwa babae at ang
pagpapakalat ng balita na kadalasang babae ang gumagawa, ito ay pupwede sa
sosyolohikal dahil makikita na mayroon siyang ugnayan sa kanyang lipunan o sa
mga taong nakapaligid sa kanya. Maaari rin ang teoryang realismo dahil ang
ganitong katangian ng isang babae o kapitbahay ay tinataglay at nangyayari sa
totoong buhay. Isa pang teorya ay ang imahinismo, nabanggit sa akda na ang
kapitbahay na babae ay nag-iisip kung may nakain ba na lason o kung ano mang
naging sanhi ng hindi pagsasalita ng kanyang kumare. Nagagawa ng katauhan na
ipakita ang layunin ng teoryang ito dahil bumubuo ng imahe o senaryo sa isipan
ang tauhang ito.
4. ALBULARYO- ang albularyo ang gumagawa ng paraan upang makapagsalita o
bumalik sa dati ang mag-asawa. Ang katauhan ng albularyo ay mapapabilang sa
teoryang kultural dahil bahagi ng mga Pilipino, partikular na ng mga katutubo ang
kumunsulta sa albularyo kapag may hindi magandang nangyayari o
nararamdaman. Isa pang teorya ay ang historikal, dahil bahagi na rin ng ating
kasaysayan ang pagkakaroon ng albularyo dahil sila nga ay tinuturing din na
manggagamot sa sinaunang panahon. Pupwede rin dito ang teoryang imahinismo
dahil ang albularyo ay nag-iisip o bumubuo ng kasagutan sa kanyang isipan sa
kung ano ang nangyayari sa mag-asawa. Isa sa halimbawa ay ang nai-imagine o
naiisip ng albularyo na ito ay kulam at sinasaniban ng masamang espiritu.
III. Kayarian
1. Genre: Dula
2. Buod: Ang akdang Bakit Babae Ang Naghuhugas Ng Pinggan ay isang dula na
may kinalaman sa mag-asawa na hindi magkasundo kung sino nga sa kanila ang
dapat na maghugas ng pinggan. Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino na
babae ang maghugas ng pinggan, ngunit hindi naman sinagot ng akda ang tunay
na dahilan. Ganun pa man ay nagawa naman ng akda na bigyang aliw ang takbo
ng kwento. Ang dahilan sa akda ay may kinalaman rin naman sa kultura nating
mga Pilipino at hindi naman naging imposible. Dahil lamang natalo sa kasunduan
ay ito na ang pinagmulan kung bakit babae ang naghuhugas ng pinggan.