You are on page 1of 2

“Tatlong Maikling kwento ni Efren Abueg: Layunin at kaugnayan nito sa Lipunan”

Saklaw at limitasyon:

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa tatlong maikling kwentong isinulat ni Efren

Abueg na “Mabangis na Lungsod”, “Ang Bagong Paraiso”, at “Ang kamatayan ni Tiyo

Samuel”. Tatalakayin dito ang mga aral , layunin ng may-akda at ang kaugnayan ng

tatlong maikling kwento sa pangyayari sa lipunan.

Hindi saklaw ng pananaliksik na ito ang iba pang maikling kwento ni Efren Abueg na

patungkol sa lipunan.

Kahalagahan ng pag-aaral:

Magulang

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang na maagang

maimulat ang kanilang mga anak sa tunay na kalagayan ng ating lipunan. Maraming mga

magulang ang pabaya at hindi alam kung paano nila gagabayan ang kanilang mga anak at

madalas na nangyayari ay napapariwara ang kanilang mga anak.

Kabataan

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman sa mga kabataan ukol sa

napapanahong problema na kinakaharap ng ating lipunan. Makakatulong ito sa kanila

kung panu nila haharapin ang mga pagsubok tulad ng hindi pagkakapantay-pantay ng

pagtatrato. Mabibigayan sila ng kaalaman kung anung pwede nilang gawin kapag

nakaranas sila ng mga ganitong pangyayari.

Mambabasa
Mahalagang pag-aralan ang pananaliksik na ito upang magbigyang kalinawan ang

mga mambabasa sa tunay na kalagayan ng ating lipunan hango ang mga aral, layunin, at

kauganyan sa mga maikling kwento na isinulat ni Efren Abueg.

Gobyerno/Opisyales

Nagbibigay impormasyon sa mga opisyales ng gobyerno tungkol sa kalagayan ng

lipunan upang magkaroon at matulungan silang bigyan at masolusyonan ang kinakaharap

na krisis ng ating lipunan.

Kapwa mananaliksik

Magsisilbing sanggunian sa kanilang pananaliksik na patungkol din sa maikling

kwento ni Efren Abueg.

You might also like